Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


Ahas

"Ang kuwentong ito ay karanasan ng aking Lola Tasya noong ipinagbubuntis niya ang aking Nanay. Na sa tuwing naaalala ko, naiisip kong marami palang pangyayari noong panahon nila na mahirap paniwalaan..."

NAPALINGON ang labing-siyam na taong gulang na ai Tasya nang pumasok sa pintuan ng bahay ng mga ito ang Tiyo Poldo ng kanyang asawang si Pidio. Mula roon ay tila itinulos na kawayan pagkatapos na makita ang anak na nasa loob ng ataul, na pinagtulong-tulungan lang na gawin ng ilang kapitbahay at kaanak nila.
Galing ito sa malayong bayan sa kanilang probinsya dahil may tinanggap na trabaho bilang isang karpintero. Bukod sa mahirap pa ang transportasyon sa panahong iyon verbal pa ang paghahatid ng balita ay sa mismong libing na lang ito makakasama.
"Wala na si Adela," anang umiiyak na asawa nito.
Napatiim-bagang ito bago lumapit sa ataul. Dinama nito ang noo at dibdib ng bangkay. "Malamig na ang mga balat niya..."
Noon na siya tuluyang lumapit sa tiyuhin ng asawa, na sapo ang may kalakihan na ring tiyan, na apat na buwan na niyang ipinagbubuntis. Panganay nila ito ni Pidio kaya gayon na lang ang kanyang pag-iingat. "Tatlong araw na siyang patay, Tiyo. Hindi na po kayo nakapaglamay. Dapat na siyang mailibing bago siya mangamoy."
"Kailan pa siya nakagat ng ahas?" Tanong nito. "Saan?"
"Ikaapat na araw na po ngayon, ama," anang manugang nito. "Nakagat po siya ng ahas habang nililinis niya ang pagtatanim ng kamote. Natapakan daw po ito."
Lalong nagtagis ang bagang ng lalaki. At tingin niya'y mas lamang ang galit na nararamdaman nito sa dibdib kaysa lungkot dahil sa pagkawala ng panganay na anak.
"Bakit hindo n'yo agad dinala kay Igme?" Sabi nitong ang tinutukoy ay ang kaibigang albularyo. Marunong din kasi itong manggamot ng mga nakakagat ng aso, ahas, pusa o iba pang hayop kahit malala na o kumalat na ang lason sa katawan.
"Si Adela ang ayaw. Sa iyo lang siya may tiwala. Hindi namin siya napilit hanggang sa..." humahagulhol si Felisa. "Hindi ko akalaing ganito katindi ang kamandag. Namatay na siya. Wala kaming nagawa!"

( Read More )...


AEDES AEGYPTI

ANG kasarappan ng tulog ng mga nakatira malapit sa barangay ng mga basura ay ginulantang ng malakas na palahaw.
"Diding! Diding! Nakupo! Tulungan n'yo kami!" ang makabagbag damdaming palahaw ni Lolo Enteng ay gumuhit sa katahimikan ng bubuka pa lang sinag ng madaling araw.
Tila iisang tao ang nangagbukas ng ilaw ng kani-kanilang giray na entrensuwelo ang mga tagaroon. Hindi basta humihingi ng tulong si Lolo Enteng. Kaya tiyak na may masamang nangyari.
Ang mag-asawang Kardo at Loleng ang unang nakalipat sa barung-barong ni Lolo Enteng. Nadatnan nilang nakaluhod ang matanda at ang hukot na katawan nito ay halos bumaluktot sa sahig. Sa baluktot na katawang panay ang yanig sa paghagulgol ay nakita nila ang tatlong taong gulang na si Diding na yakap ng matanda.
"Ano'ng nangyari, Lolo? Bakit?" usisa ni Kardo.
Luhaan ang mga matang tumingala ang matanda sa mag-asawa.
"Patay na siya... Iniwan na ako ni Diding!" garagal ang tinig na sagot ni Lolo Enteng.
Sa malabong liwanag ng gasera ay napansin agad ni Loleng na may kakaiba sa bata. May bakas ng dugong tumulo mula sa ilong nito, sa mga mata at sa mga tenga.
Ayaw bitiwan ng matanda ang bangkay ng bata. Mahigpit ang yakap nito na parang manika iyong aagawin sa mga bisig.
Ang ganoong eksena ang dinatnan ng iba pang mga kapitbahay na sumugod sa barung-barong ng matanda. Hindi nila makalas ang bisig ni Lolo Enteng sa katawan ng batang mainit-init pa pero isa ng bangkay.
Maliwanag na nang maihiwalay ng ilang kalalakihan si Lolo Enteng sa alaga. Ang isang kapitbahay ay nagdala ng termos na puno ng mainit na tubig. Ang isa naman ay nagdala ng sachet ng instant coffee at asukal. Matapos painomin ng umuusok pang kape si Lolo Enteng ay kanya-kanyang inom na rin ang iba habang pinag-uusapan kung paano ipalilibing ang namatay. Walang-walq si Lolo Enteng at tulad niya ay puro kahig-tuka ang mga nakatira sa lugar na iyon. Kung meron mang maitutulong ang mga kapitbahay, iyon ay ang maagap na pag-alalay sa nangangailangan. Ang sabi nga nila, lahat ay maaaring itulong, basta huwag lang pera. Si Loleng at dalawa pang babae ang nag-intindi kay Diding. Isa ang nagbigay ng damit na isusuot dito. Kasinglaki ng anak nito ang bata kaya kasyang-kasya ang puti bagamat may kalumaan ng damit.
Hindi rin nakaligtas ang dalawang kapitbahay, sina Ida at Marina, ang dugo sa lahat ng mga butas ng katawan ng bata. Maging ang sensitibong bahagi ng katawan ni Diding ay nilabasan ng dugo.

( Read More )...


Ang Balon

Nagsimula lamang sina Rando, Albert at Joe sa payabangan.
"Sige 'tol! Walang urungan!" matapang na sambit ni Albert.
"Ako pa!? Matapang ini!" pagyayabang din ni Rando.
"I'm the man!" pakli naman ni Joe. "Wala akong kinatatakutan! Kahit multo o kampon pa ng kung ano 'yan!"
"Same here, 'tol! Lets put our name in history books! The Fearless! "Yan ang magiging moniker natin!" wika ni Albert.
"Ayos 'tol! Ang galing mo talaga!" sabi ni Rando saka nakipag-apiran kay Albert.
"Pa'no, split na tayo! Kita-kits na lang tayo mamayang alas-tres," ani Joe.
"Okey!" halos makapanabay na sang-ayon nina Rando at Albert.
Isang mayamang estranghero ang dumating sa bayan ng San Sebastian. Umakit agad dito ang atraksyon dahil na rin sa kabaitan. Bukod pa ang pagiging bukaspalad nito. Napakadali nitong maglabas ng pera at lagi nang nagriregalo sa mga bata at matatanda.
Naging malapit sa mayamang estranghero sina Joe, Albert, at Rando. Sa mga oras na libre sila at walang ginagawa ay karaniwang nakikipagkuwentuhan sila sa lalaki.
Minsan ay napag-usapan nila ang matagal nang paniniwala ng mga taga-San Sebastian na tuwing Biyernes Trese sa ganap na alas tres ng madaling araw ay lumalabas ang multo sa dilim at nagpapakita sa mga tao.
Hinamon sila ng mayamang esrtanghero na i-video ang paglabas ng multo sa dilim kapalit ng malaking halaga.

( Read More )...


APARADOR

"Pwede ka nang umakyat sa itaas," anang matabang babae ay Donna nang lapitan sila nito ng kanyang nobyong si Vic habang nakaupo sa isang mahabang bangko.
"Susunod na ako ro'n. May kukuhanin lang ako."
Nang marinig niya ang sinabi nito ay napatingala siya sa hagdanang may pitong baitang. Napahingpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Vic.
"Halika na," narinig niyang sabi nito. "Umakyat na tayo sa itaas."
"S'ya lang ang aakyat," mabilis na sabi ng babae.
"Maiiwan ka na rito sa ibaba. Ako lang at ang pasyente ang puwedeng pumasok sa clinic."
Nanginig ang kanyang buong katawan. Nang tingalain niya ang babaing nasa harapan nila ay namuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. "b-baka ho hindi ko kayanin. Baka ho puwedeng alalayan niya ako sa itaas habang..."
"Kailangang malakas ang loob mo! Kung hindi mo kaya, huwag na lang natin itong ituloy. Mahirap na at baka kung mapaano ka pa!"
"Sige na," maagap na sabi ni Vic. "Umakyat ka na. Kaya mo iyan."
Bumuntong hininga siya. Pinalis ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata. Aminado siya sa sariling takot na takot siya sa gagawing iyon at pilit lang niyang pinalalakas ang loob para pagbigyan ang kagustuhan ng kasintahan. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para huwag nitong iwanan.
Habang paakyat siya sa hagdanan ay agad na nanindig ang kanyang mga balahibo. Tila nangangapal ang mukha niya at may malaming na hanging nanunuot sa kanyang balat.
Ano ba itong nararamdaman ko?

( Read More )...