Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐AEDES AEGYPTI

ANG kasarappan ng tulog ng mga nakatira malapit sa barangay ng mga basura ay ginulantang ng malakas na palahaw.
"Diding! Diding! Nakupo! Tulungan n'yo kami!" ang makabagbag damdaming palahaw ni Lolo Enteng ay gumuhit sa katahimikan ng bubuka pa lang sinag ng madaling araw.
Tila iisang tao ang nangagbukas ng ilaw ng kani-kanilang giray na entrensuwelo ang mga tagaroon. Hindi basta humihingi ng tulong si Lolo Enteng. Kaya tiyak na may masamang nangyari.
Ang mag-asawang Kardo at Loleng ang unang nakalipat sa barung-barong ni Lolo Enteng. Nadatnan nilang nakaluhod ang matanda at ang hukot na katawan nito ay halos bumaluktot sa sahig. Sa baluktot na katawang panay ang yanig sa paghagulgol ay nakita nila ang tatlong taong gulang na si Diding na yakap ng matanda.
"Ano'ng nangyari, Lolo? Bakit?" usisa ni Kardo.
Luhaan ang mga matang tumingala ang matanda sa mag-asawa.
"Patay na siya... Iniwan na ako ni Diding!" garagal ang tinig na sagot ni Lolo Enteng.
Sa malabong liwanag ng gasera ay napansin agad ni Loleng na may kakaiba sa bata. May bakas ng dugong tumulo mula sa ilong nito, sa mga mata at sa mga tenga.
Ayaw bitiwan ng matanda ang bangkay ng bata. Mahigpit ang yakap nito na parang manika iyong aagawin sa mga bisig.
Ang ganoong eksena ang dinatnan ng iba pang mga kapitbahay na sumugod sa barung-barong ng matanda. Hindi nila makalas ang bisig ni Lolo Enteng sa katawan ng batang mainit-init pa pero isa ng bangkay.
Maliwanag na nang maihiwalay ng ilang kalalakihan si Lolo Enteng sa alaga. Ang isang kapitbahay ay nagdala ng termos na puno ng mainit na tubig. Ang isa naman ay nagdala ng sachet ng instant coffee at asukal. Matapos painomin ng umuusok pang kape si Lolo Enteng ay kanya-kanyang inom na rin ang iba habang pinag-uusapan kung paano ipalilibing ang namatay. Walang-walq si Lolo Enteng at tulad niya ay puro kahig-tuka ang mga nakatira sa lugar na iyon. Kung meron mang maitutulong ang mga kapitbahay, iyon ay ang maagap na pag-alalay sa nangangailangan. Ang sabi nga nila, lahat ay maaaring itulong, basta huwag lang pera. Si Loleng at dalawa pang babae ang nag-intindi kay Diding. Isa ang nagbigay ng damit na isusuot dito. Kasinglaki ng anak nito ang bata kaya kasyang-kasya ang puti bagamat may kalumaan ng damit.
Hindi rin nakaligtas ang dalawang kapitbahay, sina Ida at Marina, ang dugo sa lahat ng mga butas ng katawan ng bata. Maging ang sensitibong bahagi ng katawan ni Diding ay nilabasan ng dugo.
"Bakit ganito? anas ni Marina kay Loleng. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito!" Nagkatinginan ang tatlo. May hinalang namumuo sa isip nila pero walang gustong magsatinig noon.
Kilala nila si Lolo Loleng. Matandang binata ito na dinatnan na nila sa lugar na iyon na namumuhay ng mag-isa. Ang batang si Diding ay hindi nito tunay na kamag-anak. Napulot nito sa basurahan ang bata ilang buwan pa lang ito. Kinupkop nito si Diding at inalagaan. Nakita nila ang ligayang hatid ng musmos sa malungkot na buhay ni Lolo Enteng. Si Diding ang sabi nga nila ay nagdagdag ng sigla at buhay sa matandang lalaki.
Ngayon, sa pagkamatay ni Diding ay may namumuong hinala sa kanilang isip kung ano ang naging relasyon sa pagitan ng bata at ng matanda. Ni hindi nila nalaman na may sakit ito. Ang sabi ni lolo Enteng nng tanungin nila minsan kung nasaan ang alaga a matamlay daw si Diding kaya hindi isinasama sa pangangalakal. Nang sumunod naman ay tatlong araw na raw nilalagnat ito.
Dahil sa nakita sa bangkay ay hindi maiwasang kumalat ang mga bulung-bulungan. "Sigurado ka ba? May dugo ang...?"
"Oo. Kitang-kita raw nina Marina at Ida. Sila ang nagbihis sa bat, diba?"
"Maryosep...!"
"Hindi mo akalain, ano? Mukhang ambait ni Lolo Enteng..."
"Siyempre... walang naging asawa 'yun. Alam mo na."
At ang ugong ng bulungan ay nagpatuloy hanggang makarating sa isang may lihim na galit kay Lolo Enteng. Agad nitong ini-report sa pinakamalapit na presinto ang nasagap na balita.
Libing kinabukasan ni Diding nang dumating ang dalawang alagad ng batas. "Kailangan ninyong sumama sa amin," anang isang pulis.
Sa kabila ng pagsusumamo ng matanda ay dinala ng mga alagad ng batas si Lolo Enteng. Halos kaladkarin ng mga pulis ang lalaki na nagpapalahaw at panay ang tawag sa pangalan ni Diding.
Ang maghapon ay napuno ng walang tigil na mga hinala at tsismis. Naging paksa ang palaisipan ng pagkamatay ng bata.
Nang gabing iyon ay nagkaroon ng katatakutan. Pang-apat na araw iyon ng burol sa harap ng barung-barong ni lolo Enteng. Unang gabi na wala anh nagpalaki sa bata at hiling gabi ng lamay dahil libing na nito kinabukasan.
"Loleng, dali kaa... may nangyayari!" sambit ni Marina na katal ang boses at nginig pati ang baba.
"Bakit?" Kinabahan si sa anyo ng babae.
Hinila ni Marina si Loleng." Dali...!"
Dinala ni Marina si Loleng sa harap ng kabaong. Naroon na rin si Ida
at ibang kababihan na hindi maipaliwanag ang mga anyo.
Awtomatikong sinilip ni Loleng ang bangkay ni Diding. Kinilabutan siya sa nakita.
Ang mga mata ng bata, ang mga tenga, ang mga but as ng ilong...nilalabasan ng buhay na dugo!
Napalunok si Loleng. Kinilabutan.
Nag-alisan sa gabi ng kabaong ang grupo. Napalitan sila ng ibang mga usyoso. Ang reaksiyon ng mga ito ay tulad din nila nang makita ang dugong lumabas sa mga butas ng katawan ni Diding. Mahirap ipaliwanag.
Mahirap unawain.
Dumating ang hatinggabi ay sumapit ang umaga na nakaipon ang iilang mga taong nagtiyagang manatili sa lamay. Madala isa mga iyon sina Kardo at Loleng, sina Ida at Marina. "Paano'ng gagawin natin? Ipalilibing ba natin ang bata na wala si Lolo Entendre?" ang sambit ni Ida.
"Hanggang bukas na lang ang permit na pwede siyang iburol," ano Kardo. "Hindi siya naembalsamo kaya di pwedeng tumagal pa du'n."
"E hindi kaya nagpapakita ng ganyan si Diding...dahol hinuli ng mga pulis ang lolo niya," pakli ni Loleng.
"Hinuli dahil may rason," sabad ng isang lalaking nakikinig sa kanila.
"Sino tayo para humusga?" ganting sagot ni Loleng. "Sino ba ang nakaaalam ng totoong nangyaro?"
Sumikat ang araw. Ni isa sa mga naglalamay ay walang maglakas-loob na lumapit sa ataul. Halatang pare-pareho silang takot.
Napalingon sa iisang direksiyon ang mga naroroon ng marinig ang pagdating ng isang sasakyan. Iyon ang mobile na pumik- up kay Lolo Enteng. Sakay din noon ang matanda. Palundag at patakbong tinungo ni Lolo Enteng ang kinaroroonan ng burol. Tuyo na ang mga mata nito sa luha pero halata sa balikat ang gabundok na pasanin.
Sinundan nila ng tingin ang matanda nang lumapit sa kabaong. Nag-alala sila sa makikita nito. Awtomatikong napasunod kay Lolo Enteng ang mga usyoso nang humagulgol itong yumakap sa kabaong. Panay ang lunok ng laway ni Loleng bago sumilip sa loob ng ataul. Pero nandilat siya sa nakita. Walang dugo ang ilong ni Diding. Wala rin sa mata, wala rin sa tenga. Ibig bang sabihin ay namalikmata sila? Ibig bang sabihin ay pahiwatig iyon ng kung anong nais nitong ipaalam?
Hindi inilibing si Diding ng araw na iyon. Sa halip ay dinala ag bangkay nito sa morgue kung saan ito inawtopsiya. Ibig tiyakin ng awtoridad kung may katotohanan ang paratang kay Lolo Enteng sa totoong sanhi ng kamatayan ng mumos.
Napahiya ang mga kapitbahay at mga kakilala ni Lolo Enteng sa naging resulta ng awtopsiya. Dengue ang ikinamatay ni Diding. Nakagat ito ng lamok na aedes egypti na carrier ng sakit na nakamamatay.
Matapos malibing si Diding ay balik na mi sa dati ang sitwasyon sa barangay. Nag-iisa at malungkot Lolo Enteng. Wala na ang mahal niyang alaga. Pero sinamahan siya ng mga kapitbahay sa kanyang pangungulila kaya madali siyang nakabawi. Kinunsensiya ang mga taga-barangay dahil pinagdudahan ang pagiging mabuting tao ng matanda.
Naging aral sa mga tao ang nagyari kay Diding. Natutuhan nila ang huwag basta humatol sa kapwa.
At siyanga pala, naging partikular narin sila sa paglilinis ng kanilang paligid kahit hindi kalayuan doon ang tambakan ng pingangakalan nila ng basura. Ayaw nilang mangyari sa kanilang mga anak ang maging biktima ng aedes egypti.

Wakas