Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


ANG KAPITBAHAY

MATAGAL-TAGAL din bago lumuwag ang schedule ni Gladys sa opisina. Sinadya niyang lumiban muna sa trabaho nang araw na iyon nang mabigyan ng oras ang anak na si Brendan.
Ugali na niyang ayusin ang mga gamit ng bata sa loob ng built-in cabinet nito. Nagulat siya nang makita sa loob ang maikling tungkod na binalot sa malasutlang telang kulay puti. Nandidiring dinampot niya ito. Inilapag sa sahib bago tinawag ang kasambahay niyang si Dora. "Bakit may tungkod dito sa mga gamit ni Brendan? Saan galing ito?"
"Gagamitin po 'yan ni Brendan sa dramang sasalihan niya sa eskwelahan, ma'am. Diyan lang po sa tabi-tabi ko nakuha 'yan. Pinagtiyagaan ko nang is-isan nang gumanda ang hitsura." "Maganda ba 'tong sunog?" Inamoy ni Gladys ang tungkod. "At ang lansa pa!"
"Ganyan talaga ang amoy ng kahoy na 'yan, ma'am. Pinausukan ko na nang magmukhang tungkod talaga."
Aksidenteng napatingin sa bukas na bintanang jalousie ang ginang. Kinabahan siya nang makitang walang kakurap-kurap na nakatingin sa kanya ang kapitbahay nila.
Magtatatlong linggo pa lang silang nakalipat sa lugar na iyon at simula nang unang araw ay nahalata na niyang ang mga kilos lang nila ang binabantayan ng lalakeng iyan.
Dali-daling isinara ni Dora ang jalousie.
"Kilala n'yo na ba'ng kapitbahay natin, Dora?"
"Hindi pa ho, ma'am. Ayoko na ring kilalanin. Natatakot ako sa kanya. Misteryoso ang dating e!" nakalabi pang wika ng tatlumpung-taong gulang na dalaga.
"Dapat lang! Iiwas mo si Brendan sa kanya!... Kelan nga pala'ng palabas nila sa school?"
"Sa Biyernes na po, ma'am. Araw-araw na ngang nag-eensayo ang Grade 3 students." Nalungkot si Gladys. May mahalaga silang business meeting sa araw na iyon. Siya ang secretary at hindi pwedeng lumiban siya.
"Sisikapin ko na talagang makapanood nang makabawi ako sa anak ko."
"Sige po , ma'am... May niluluto ako sa kusina," magalang na wika ng kasambahay at lumabas na ng silid.
Naupo si Gladys sa gilid ng kama ng natutulog pang anak. Napangiti siya habang hinahaplus-haplos ang pisngi nito. Hindi maipagkailang replika ito ng ama.
Muli siyang nalungkot. Mag-iisang buwan pa lang ngayon mula nang tumulak papuntang Dubai ang asawang si Danby. Pero ngayon pa lang ay gusto na niyang pauuwiin ito. Hindi sapat ang pagtawag nito araw-araw para maibsan ang kalungkutan nilang mag-ina. Pero ano nga ba ang kanyang magagawa?
Napilitang mag-abroad ang asawa nang mabayaran nila agad ang bagong kinuhang house and lot. Kung tutuusin, hindi na sana kailangang bumukod pa sila mula sa mga biyenan. Nag-iisang anak lang si Danny. Sa kanila naman mapupunta ang house and lot ng mga magulang nito.
Pero may iniiwasan sila roon. Ang mga kamag-anakan ng dating nobya ni Danny na si Alicia. Nabaliw ang babae nang malamang nagpakasal sa kanya si Danny. Ang totoo ay hindi naman siya ang talagang dahilan kung bakit nakipagkalas si Danny kay Alicia. Nanabang ang una nang lumaganap ang balitang may lahing mangkukulam ang huli.
Nagkakilala lamang sila ni Danny nang lumipat ito sa opisinang pinagtatrabahuhan niya ngayon. Simula nang maikasal sila, hindi na sila tinantanan ng mga death threats sa telepono. Lagi ring may nakikitang hindi kilalang taong umaali-aligid sa bahay nila lalo na at gabi.
Ngayong nakalipat na sila sa isang middle class subdivision sa Valenzuela, wala na si lang death threats na natatanggap. Marahil nagsawa na rin sa pananakot ang mga kamag-anakan ng babae nang malamang nasa abroad na si Danny. O kaya hindi alam ng mga ito kung saan sila lumipat.
Natigil ang pagdaloy ng nakaraan nang muling mapatingin siya sa bintana. Naroroon pa rin sa labas ng bahay nito ang kapitbahay nila. Nakatingin pa rin sa kanya. Kinakabahang muling isinara niya ang jalousie. Tandang-tanda niya, isinara ni Dora ang bintana bago ito lumabas ng silid na iyon.
"IKAW daw ang bida sa palabas n'yo, anak?" masaya niyang bungad habang nag-aalmusal sila ni Brendan.
"Excited na nga ho ako, mommy! Sa lahat ng ginampanan kong role, ito ang gusto ko!" namimilog ang mga mata sa tuwang kwento ni Brendan.
"Talaga?"
"Opo! Kasi po....sa isang kumpas ko lang ng tungkod ko, napapatay ko'ng mga kalaban kong monsters at nakalilipad pa ako!" pagmamalaki ng bata.
"Good wizard po kasi ang papel na ginagampanan ni Brendan, ma'am," dagdag ni Dora nang makita siyang napakunot-noo.
Nagtataka si Gladys. Ngayon lang yata siya hindi inimbita ng anak na panoorin ang pagtatanghal nito. Dati'y halos magmakaawa na ito sa kanya. May kung anong sumundot sa damdaming-ina niya. Hindi na ba siya kailangan ng anak? Nahirati na ba itong si Dora na lang Magi ang kasa-kasama pati sa mga school activities?
Kunsabagay, halos lahat ng responsibilidad niya sa anak ay inako na ni Dora. Kaya nga dinagdagan niya ang suweldo ng kasambahay. Dahil responsable na at mapagmahal pa ito sa bata, hindi imposibleng mahulog ang loob ng anak niya rito. Lagi pa ngang ibinibida ng anak na lagi siya nitong binabasahan ng fairy tales at tinuturuang manalangin bago matulog.
NANG sumunod na araw ay si Gladys na ang kusang naghatid kay Brendan sa eskwelahan. Hinatid pa niya ang anak sa classroom nito.
"Ikaw na ba lagi'ng maghahatid sa kanya, Mrs. Lacson?"
"Ngayon lang siguro dahil maluwag ang schedule ko, Teacher Tea. But from now on, sisikapin ko na nang makabawi ako sa aking anak."
"That's good news!" Nakitaan ng kakaibang galak ang butihing guro. "Higit kaninuman, mas nakabubuti sa mga bata ang parental love nang lumaki silang kumpleto ang pagkatao." Papalabas pa lang ng gate ng school ang kotse ni Gladys nang may humarang sa daraanan— ang kapitbahay nila! Ang lalo pang nagpasindak sa kanya ay nang makitang hindi nakalapat ang mga paa ng lalake sa semento.
Tarantang pinaatras ni Gladys ang kotse at inihinto sa tapat ng guard house. Agad niyang binuksan ang bintana sa driver's seat at dumungaw.
"Mamang guard, hulihin n'yo siya!"
Napakamot aa ulong napatingin ang dalawang guard sa nakabukas na gate. Walang tao. Hindi pa nakuntento ang isa. Patakbo pa itong lumabas ng gate at nagpalinga-linga. Pagkuwa'y bumalik nang nakalahad ang mga palad sabay iling.
PAGDATING ng opisina, agad tumawag sa bahay si Gladys
"Simula ngayong araw, abangan mo na nang maaga sa gate natin ang school bus ni Brendan. Huwag na huwag n'yo na ring hayaan makalapit ang kapitbahay natin sa anak ko!"
Kung hindi pa nangako nang katakut-takot ang kasambahay, hindi pa tatapusin ni Gladys ang tawag niyang iyon.
Okupado ng alalahanin ang isip niya buong araw. Ano ang kailangan sa kanya ng kapitbahay?
Nang dumating sila noon, wala pang tao ang kabilang bahay. Ayon sa realty agent nailit daw iyon ng banko mula sa dating may-aru. Nang dumating ang lalake sa kabila after a week na makalipat sila roon ay nag-conclude siyang iyon ang bagong may-ari.
Napansin niya noong ibig makipag-usap sa kanya ng lalake ngunit sinasadya niyang iwasan ito. Hindi niya ugali ang makipag-usap sa mga esyranghero lalo pa't lalake.
Halata niyang ilag din si Dora sa lalake. Ilang beses itong pumasok ng kabahayan kahit hindi pa tapos ang pagdidilig sa labas kapag nakikitang papunta na ang lalake sa hanggang beywang na pader na nakapagitan sa kanilang bahay.
"Hindi kaya kamag-anak yan ni Alicia at iyan ang inutusan para paghigantihan kami?" naitanong niya kay Dora pagdating niya ng bahay. Wala na kasi siyang inililihim sa kasambahay.
"B-baka nga, ma'am! Kasi minsan...nakita kong nagsisiga siya sa likuran ng bahay niya. Tapos nang lumingon uli ako ay tila may binabasang libro!"

LALONG nabahala si Gladys. Nang tumawag ang asawa ay minabuti niyang huwag na munamg ipaalam dito ang tungkol sa misteryosong kapitbahay nila. Baka mag-panic si Danny ay mapauwi ng walang oras. Masasayang ang dalawang taong pinirmahang kontrata nito. "Mang-aagaw ka, Gladys! At manloloko ka, Danny! Hindi kayo liligaya kailanman!"
Iyon ang binitawang banta noon ng lola ni Alicia nang palabas na sila ng simbahan ni Danny. Inalo siya ng mga biyenan niya. Na wala naman daw si lang kasalanan ni Danny. Hindi naman daw pinangakuan nito ng kasal si Alicia. Hindi rin niya inagaw ang asawa dahil wala na silang relasyon ni Alicia nang ligawan siya nito.
"Ma'am...narinig n'yo ho ba ako?"
Napapiksi si Gladys. Hindi niya namalayan ang pagkatok at pagpasok ng kasambahay sa master's bedroom.
"Sabi ko ho...bukas na ng alas-kuwatro ng hapon ang palabas nina Brendan."
"Nangako ako sa kanyang darating ako kaya dadalo ako. Salamat sa pagpapaalala, dora."

EXTENDED ang business meeting nila. Nag-graceful exit na lang si Gladys para maabutan ang school play ng anak.
Mula nursery hanggang Grade Six ang magpi-perform kaya puno ang malaking auditorium ng eskwelahan. Nangangalahati na ang palabas nang dumating si Gladys. Hindi na niya nagawang maghanap pa ng mauupuan dahil kasalukuyang sina Brendan na ang nasa center stage.
Nakasuot ng puting robe at hawak na ni Brendan ang tungkod. Huanted forest ang backdrop. Lalong nadagdagan ang nakakatakot na atmospera sa blue spotlight na tumatama sa props na kweba at malalaking puno ng Balete.
Hinanap ni Gladys sa unahang upuan si Dora ngunit wala roon ang kasambahay. Sa halip, ang misteryosong kapitbahay nila ang nakita niya na nakatayo malapit sa stage. Paling-linga rin ang lalaki na tila may hinahanap.
Kinabahan siya. Ano ang ginagawa ng lalake sa auditorium?
Umugong ang hiyawan ng mga batang nanonood nang sabay- sabay lumabas sa kweba ang limang batang may monster attire. Nang makita ito ni Brendan ay agad itinaas ang hawak na tungkod at nag-usal kunwari ng isang orasyon. Pagkatapos ay itinutok ang tungkod sa limang 'monster' na sasalakay sa kanya. Agarang binalot ng maitim na usok ang lamang bata at sabay sabay na natumba.
Palakpakan ang mga manonood sa ganda ng light effects na ginamit na may kasama lang horrific sound effects.
Nang muling itaas ni Brendan ang tungkod at iwinasiwas ay unti-unti siyang lumutang sa hangin. Pataas nang pataas na para siyang lumilipad. Nahalinhan ng pangamba ang kanina'y kasiyahan ni Gladys. Paano kung mapatid ang pising nakatali sa beywang ng anak? Ibig manlaki ng ulo niya.
Sagsag agad siya sa backstage nang matapos ang palabas nina Brendab. Naabutan niyang nasa exit door ang anak. Sumisilip sa labas na parang may hinahanap.
"Congrats, son! Ang galing-galing mong umarte!" tuwang-tuwang niyakap niya ang bata. Saglit lang ang kasiyahan ni Brendan. Agad kumawala ito sa kanya. "Mommy, uuwi na sana kami ni Yayay Dora. Pero hinarang kami sa exit door ng mama! Hayun, tumakbo si yayay! Sinundan naman siya ng mama...'yung kapitbahay natin!"
Hindi pa naka-recover sa pagkatulala si Gladys ay heto at hangos na dumating si Teacher Rea. Sindak na sindak. "Kailangan nating mag-usap , Mrs. Lacson!"
TOTOO raw na nawalan ng malay ang limang batang nag-aktong mga monster sa palabas. Nang matauhan daw ang mga ito ay para nang na-possess ang mga bata. Nagtaka rin daw ang mga school technician dahil itinigil ang paghila ng pisi ay ngunit bakit patuloy pa ring pumapataas ai Brendan. And worse, kumampay pa ito na parang lumilipad.
Sa tulong ng mga panalangin ng spiritual leaders, muling nanumbalik sa normal ang mga bata. Pinayuhan pa ng mga ito ang mga magulang at guro na mag-ingay sa pagbibigay ng mga gagampanang karakter lalo na sa mga bata. Kadalasan daw, ito ang naging daan ng demonyi para makapasok sa kanilang katauhan lalo sa mahihina ang pananalig sa Diyos.
Hindi na nakauwi ng bahay si Dora maging ang kanilang kapitbahay. Inusisa ni Gladys ang records ng kasambahay sa kinuhanan niyang agency. Natuklasan niyang galing ito sa probinsyang pinagmulan ni Alicia. Napag-alaman din niyang isang maka-demonyong panalangin pala ang itinuro ni Dora kay Brendan. Ang tungkod palang ibinigay nito sa anak ay sangang galing sa punong sementeryo lamang tumutubo. Marahil ginamit nito ang nalalaman sa itim na mahika upang magkaroon ng masamang kapangyarihan ang tungkod. Sinunog niya iyon.
Minabuti ni Gladys na lumipat muna silang mag-ina sa kanyang tiyahin sa Antipolo. Kasalukuyang ikinandado niya ang kanilang gate nang dumating ang realty agent na nagbenta sa kanila ng bahay at lote sa subdibisyong iyon.
"Nabalitaan ko'ng nagyari, Mrs. Lacson. Baka 'kako gusto mo ring ipagbenta na lang itong property n'yo tulad niyang nasa kabila nang mahanapan ko rin ng buyer."
"Hindi ho. Pansamantala lang kami sa Antipolo," sagot niyang nakatingin sa karatulang
For Sale sa labas ng gate ng kabilang bahay. "Syanga pala, nasaan ang may -ari niyan?" "Grabe pa rin daw sabi ng parenta niya kaya nga ipinabebenta na lang nila ang property ng anak nang maidagdag sa gastusin sa ospital. Limang buwan na kasing comatose iyon." Nagitla si Gladys. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Noong Biyernes nga ay nanood pa siya ng palabas ng anak ko sa eskwelahan!"
Napatulala rin ang ahente. Pagkuwa'y inilarawan na kay Gladys ang hitsura ng kapitbahay.
"Iyon nga siya!" Pagkumpirma niya.
"Pero, miss, baka nagkamali lang kayo! Talagang comatose siya limang buwan na ngayon! Hindi ako maaaring magkamali dahil ako ho mismo ang nagbenta sa kanya niyang bahay bago pa siya maaksidente!"
"Ilang linggo namin siyang naging kapitbahay! Kahit itanong mo pa sa anak ko!" inis nang giit ni Gladys sa realty agent. "Baka tinatakot mo lang ako dahil gusto mong ibenta ko na rin ang property kong ito?"
Namula ang ahente. Nainsulto. "Okay...okay...you win! Pero pag may time ka, bakit hindi ka dumalaw ng Makarinig Memorial Center at nang mapatunayan mong hindi ako nagsisinungaling?"
GIMBAL si Gladys nang mapagsino ang pasyenteng kinakabitan ng respirator sa room na ibinigay sa kanila ng ahente.
"Mommy, ano po'ng nangyari sa kapitbahay natin? Ba't siya nandiyo?" takang-tanong ni Brendan.
"Kaibigan ba kayo ng anak namin, ma'am?" pagtatanong ng matandang babaeng nagbabantay sa pasyente.
"O-oho...matagal na kaming hindi nagkita kaya ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa kanya," pag si si nungaling niya.
"Naaksidente siya may limang buwan na'ng nakararaan habang pauwi sa bagong biling bahay sa Valenzuela. Pero hindi Kami nawawalan ng pag-asang pagagalingin ng Diyos ang aming anak."
Hindi na matandaan ni Gladys kung paano nakapagpaalam sa matanda. Nagmamaneho na ng kanyang kotse ay nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Isa-isa niyang ni-recall ang ginawa noon ng kapitbahay nila. Marahil nais nitong bigyan siya ng babala sa mapanganib na si Dora. At marahil, ibig nang itakas noon ng babae si Brendan ngunit hinarangan ito ng kapitbahay nila.
Inihinto niya ang kotse at buong higpit na niyakap ang nabiglang anak.
"Simula ngayon, ako na'ng mag-aasikaso sa iyo, anak, dahil magre-resign na ako sa aking trabaho. Ako na rin ang magtuturo sa iyo ng tamang panalangin." "Salamat po, mommy!" Mas mahigpit pa ang yakap ni Brendan Kaya sa kanya.
"At lagi nating bibisitahin ang kapitbahay natin sa ospital. Lagi rin nating ipanalanging gumaling siya."
"Opo. Saka alam ko...gagaling siya kasi sabi ng nanay niya...lingkod ng Diyos ang kapitbahay natin.

Wakas