Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


Ang Saksi!

HALOS hindi na maintindihan ang sinasabi ni Yvonne habang kinukuhanan siya ng statement sa presinto sa kanilang bayan. Malakas kasi ang kanyang pag-iyak habang umuuga pa ang mga balikat.
"Kitang-kita ko kung paanong pinagsasaksak ng isang lalaki ang bestfriend ko. Naglalakad ho kami ni Isabela ng gabing iyon ng bigla siyang dumating. Siya ho ang malapit sa hayop na lalaking iyon kaya siya ang ginawan nito ng masama..."
"Wala ka man lang bang ginawa? Hindi ba't bestfriend mo ang biltima? Dapat ay ipinagtanggol mo siya."
"Mamang pulis, takot na takot ho ako noon. Hindi ko nga ho nagawang lumayo agad dahil sa pagkabigla. Kung hindi ko pa ho nakitang bumagsak sa lupa si Isabela na naliligo sa sariling dugo ay hindi pa ako matatauhan.
Niyakap niya ang sarili. Tumungo siya at pinigil ang sarili sa pag-iyak. Hindi na niya nakita pa ang pagtitinginan ng mga pulis at ang kamag-anak ni Isabela na naroon.
"Bakit hindi mo agad isinuplong sa mga pulis ang nangyari bilang isang saksi sa krimeng iyon?" Tanong pa sa kanya ng pulis na kumukuha ng statement. "Lumipas ang magdamag na walang nakakaalam sa totoong nangyari sa kaibigan mo. Umaga na siyang natagpuang patay sa ibaba ng tulay. Mabuti nga at doon siya bumagsak sa bahaging walang tubig dahil kung Nagkataon ay naanod siya't hindi na nakita pa.
"Takot na takot nga ho ako noon, Mamang pulis. Hindi ko ho alam ang Gagawin ko kaya nanahimik muna ako. N-ngayon lang ho ako nagsalita dahil... d-dahil hindi ho ako matahimik." "Nakukunsens'ya ka, Yvonne?" Sabad ng ina ni Isabela. "Lumantad ka ngayon dahil hindi ka patatahimikin ng kunsens'ya mo?"
"Oho," aniyang humagulhol ng iyak. "Sobra ho akong nakunsens'ya dahil sa pananahimik ko. Ako ang naging saksi kung paanong pinatay ang bestfriend ko tapos...t-tapos hindi ko agad nagawang magsuplong sa mga pulis. Sorry ho, tita. Hindi ko naman ho gustong magtago...wala ho sa plano kong manahimik. Naghintay lang ho ako ng tamang panahon at ngayon na nga ho iyon. Kaya nga ho ikinuwento ko sa inyo ang totoong nangyari. Dapat mahuli ang kriminal!"

TAHIMIK ang gabi. Payapa ang buong paligid. Mahimbing na natutulog si Yvonne sa kanyang kuwarto ng sandaling iyon. Nang biglang bumukas ang bintanang malapit sa kinahihigaan niyang kama.
Umihip ang malakas na hangin!
Kumawag-kawag ang manipis na kurtina ng bintana. Wari ba'y nais siyang abutin ng pinakadulo niyon upang gambalain sa pagtulog. Ngunit wala pa rin siyang kamalay-malay sa nagaganap na iyon.
Hanggang sa sumara ang bintana. Tila ba may puwersang nagtulak doon kaya gumawa ng ingay - ingay na gumising sa kanya at nagdulot ng takot. Impit siyang napatili at bumangon mula sa pagkakahiga na sapo abg dibdib.
"Anong na naman ang nangyayari? " Agad na Nanginig ang buo niyang katawan. "Diyos ko! Ano na naman ba ito?"
Napatingin siya sa bintana nang muli iyong bumukas. Hintakot na napasandig siya sa headboard ng kama. Nanlalaki ang mga mata niya. Higit pa siyang napasiksik sa dion nang minsan pang umihip ang malakas na hangin.
"No!" Sigaw niya ng mula sa kung saan ay sumagitsit ang mapula at malansang saeiwang dugo. Naging bahid iyon sa kurtinang patuloy sa pagkawag."Hindi!"
Nanginginig ang buo niyang katawan ng magsimulang tumilamsik sa kanyang mukha at katawan ang dugong nasa kurtina.
Isa pang makaputol-litid na pagsigaw ang kanyang pinawalan. Unti-unti niyang naaninangan ang imahe ng isang babae na nakatayo sa likod ng kurtina. Nataranta siya at sanhi niyon ay nahulog siya sa kama. Subalit hindi niya ininda ang sakit ng buong katawan. Nagdumali siya sa paggapang patungo sa pintuan ng kanyang kuwarto upang lumabas.
"Diyos ko po!Ayoko na...Ayoko na!"
Bigla siyang nawala napatigil sa paggapang dahil may nakita siyang anino sa sahig. Napalunok siya. Nanginig muli ang buo niyang katawan bunga ng takot. Tumigil siya sa pag-iyak saka dahan-dahang nag-angat ng paningin. Upang mapatili lang dahil ng ganap na siyang nakatingala ay tumambad sa paningin niya ang kahindik-hindik na hitsura ng isang duguang babae na tuwid na tuwid na nakatayo sa harapan niya.
"No! Isabela, tama na! Tigilan mo na ako! Ayoko na... hindi ko na kaya!" H
indi nawala ang babae sa harapan niya. Pinanlisikan siya nito ng tingin. Higit pang bumalatay sa maputla nitong mukha ang matinding galit. Poot! Hindi man ito nagsalita ay batid na niya ang nais nitong mangyari.
"Patawad," humahagulhol niyang sabi nang dumapa. "Isabela, patawarin mo ako. Tigilan mo na ang pananakot mo sa akin. Mamamatay na ako sa takot. Oo! Oo, Gagawin kobna ang gusto mo. Pangako!"

KINABUKASAN ay bumalik sa presinto si Yvonne subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na bilang isang saksi!
"Inaamin ko na ho ang totoo. Ako ang kriminal! Ako ang pumatay sa matalik kung kaibigan. Pinatay ko ai Isabela. Hindi totoo ang sinabi ko noong una na isang lalaki ang--" Napatigil siya sa pagsasalita ng makita niyang humahangos na dumating sa presinto ang ina ng matalik niyang kaibigan. Umiiyak ito at bakas sa mukha ang kabis na galit. Kaaunod nito ang asawa at dalawa pang anak. Hindi niya alam kung paanong nakarating dito ang balitang sumuko na siya aubalit wala na siyang balak pang alamin iyon.
"Napakawalanghiya mo, Yvonne, " sumbat sa kanya ni Aling Belen na bago pa siya malapitan at pagbuhatan ng kamay ay naawat na ng isang pulis. "Traydor ka. Bakit mo pinatay si Isabela? Kapatid na ang turing niya sayo!"
"Sorry, tita... patawad ho!"
"Sorry? Patawad? Paano pa maibabalik ng mga 'yan ang buhay ng anak ko? Yvonne, patay na ang kaibigan mo. Wala na ang matalik mong kaibigang pinatay mo. Bakit?"
"Dahil naiinggit ako sa kanya," aniyang sinikap magpakatatag. "Inggit na Inggit. Nasa kanya na ang lahat ng wala sa akin. Tapoa... tapos inagaw pa niya sa akin ang lalaking mahal na mahal ko. Si Bien..."
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Galit pang sigaw ng ina bi Isabela. halatang Yakap na ito ng asawa ng sandaling iyon. "Hindi ka kailanman inagawan ng anak ko. Alam mong hindi totoo 'yan, Yvonne! Aminin mo na ang totoo...na talagang si Isabela ang mahal ni Bien at hindi ikaw."
"Oho, Inaamin ko. Kaya nga ho galit na galit ako sa anak n'yo dahil siya ang minahal ni Bien. Iyon ho ang dahilan kung bakit napatay ko siya noong gabing galing kami sa dinner date. Hindi na ho kinaya ng loob ko ang sakit. Sinagot na ho kasi ni Isabela ang lalaking mahal na mahal ko.
Humagulhol siya ng iyak.
"Kaya nga ng makatiyempo ako ay pinagsasaksak ko siya sa hanggang sa mamatay. Inihulog ko aiya sa tulay. Dahil natakot ako na baka may makakita sa ginawa ko ay hindi ko na natiyak kung sa tubig siya bumagsak o hinsi. Siguro ho'y langit na rin ang may gusto na hindi siya maanod ng tubig para makita ang bangkay niya..."
"Hindi ka patatahimikin ni Isabela, Yvonne. Trinaydor mo siya!"
"Oho. Talagang hindi ako pinatatahimik ni Isabela. Gabi-gabi niya akong dinadalaw st tinatakot. Hindi ko na ho kaya ito kaya inamin ko na ang krimeng ako talaga ang gumawa. Nagpanggap akong saksi pero inusig dun ako ng aking kunsenaiya dahil isa iyong kasinungalingan. Narito ho ako ngayon... handa akong harapin ang kasalanang nagawa ko. At tiyak ko Hong matatahimik na ai Isabela dahik inamin ko na ang totoo. Ako ang pumatay sa kanya... hindi totoong ako ang saksi sa krimeng iyon!""

Wakas