Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


ANG TEAPOT

Ang mag-asawang Alice at Arnel at masasabing nakakariwasa sa buhay. Donating na sila sa pinto ng kanilang buhay na wala na silang iniintindi sapagkat ang kanilang dalawang anak at pareho nang talks sa kolehiyo, may mga sarili ng pamilya, at may mga matatag na trabaho.
Pareho silang namamasukan sa Isang opisina. Kapwa sila nasa retirement age na. Pinapayuhan na sila ng mga anak na tumigil na at agpebsiyon na among. Ngunit matigas ang ulo ng mag-asawa. Katwiran nila at mababagot lang sila sa bahay.
Mas nalilibang daw sila sa pagtatrabaho at nagkaroon pa sila ng social life.
Disyembre, malamig ang gabi at pauwi ang mag asawa galing sa kanilang taunang Christmas party. Masaya slang nagkukwentuhan ng may mapansin si Alice na tindahan habang nakatigil ang kotse dahilan sa trapiko.
"Bago yata ang tindahan na iyon," sabi ni Alice.
"Aling tindahan?" tanong ni Arnel.
Itinuro ni Alice ang tindahan at nagwika si Arnel na...
"Medyo tatlong buwan na'yan d'yan. Di mo lang napapansin."
"Pwede bang pumasok tayo?" ang mungkahi ni Alice.
"Anong bibilhin mo?" ang tanong ni Arnel.
"Wala naman. Parang me humahatak sa akin na pumunta at tumingin ng mga paninda d'yan." ang sabot ni Alice.
"Ow, ang asawa kong kunwari pa. Sige na. Teka at kapag medyo umandar na tayo at ipipihit ko ang manibela.
Maayos ang tindahan. Ito pala ay nagbebenta ng mga antique na gamit.
"Magandang gabi sa inyo," ang bati ng matandang may-ari ng tindahan. "Magandang gabi rin naman po,"ang tugon ng mag-asawa.
"Ano po ang hinahanap nila?"
"Wala naman kaya lang maari akong may magustuhan dito. Pwedeng tumingin?" tanong ni Alice.
Si Arnel ay umupo na lamang sa isang tabi at nagbasa ng dyaryo.
"Sige po. Sana po ay may magustuhan kayo."
Nang di sinasadya ay parang may humihila kay Alice sa bandang kaliwa ng estante, nakita niya ang isang makinang na bagay. Isa itong brass teapot.
Tila ba nabighani sila sa ganda nito. May ginagamit naman siya sa bahay na pakuluan ng kape o tubig ngunit iba ang kinang at anyaya ng brass teapot na iyon.
"Magkano po ito?" Tanong ni Alice.
"Isang libong piso iyan. Galing pa iyan sa Persia. Naku, ang sabi sa akin ng huling nagmay-ari niyan ay may dala raw iyan na swerte."
"Talaga ho?" Ang di makapaniwalang tugon ni Alice. "Baka naman po pwedeng tawaran? Sige na po."
"O, siya sige walong daan na lamang. Hanggang doon na lamang ineng," ang dagdag na sabi ng matanda.
Inabot ni Alice ang walong daang piso mula sa kanyang wallet. Nakangiti ang matanda habang kinukuha ang pera mula sa kanya.
Samantala hindi maipaliwanag ni Alice ang lubos na kaligayahan sa teapot na nabili. Tila ba maroon itong gayuma na nagpapangiti sa kanyang.
Tinawag na ni Alice ang kanyang asawa upang sila ay umuwi na.
"Arnel, tayo na at nabili ko na ang gusto ko."
"Okay, halika na," yakag ni Arnel.
"Maraming salamat po sa inyo. Balik kayo muli at marami pa ho akong panindang padating sa isang buwan," ang sabi ng matanda.
"Sige po," ang sabi ni Alice.
Sabay na lumabas ang mag-asawa at noong sila ay sakay na ng kotse ay naisip ni Alice na ilagay ang teapot sa compartment ng kotse. Maingat niyang inilagay ang brass teapot. Maya-maya pa ay nakasakay na siya sa kotse at masayang binuksan ang radyo. Pumailanlang ang awiting pamasko at sinabayan pa ng mag-asawa ang awitin.
Samantala, sa compartment ay gumagalaw ang teapot hindi dahil sa malikot ang kotse kundi may humihigop dito na animoy isang puting usok.
"Ano iyon," ang tanong ni Alice sa asawa.
"Ang alin?" Tanong ni Arnel.
"Parang may maingay sa compartment," sagot ni Alice.
"Ha? Ano kaba naman? Di ba't nagbibiyahe tayo? Natural lamang na magkalampagan ang mga bagay a nasa compartment."
"Oo nga pala. Me and my imagination."
"Ikaw talaga, oo," ang malambing na sagot ni Arnel.
Ang Antipolo ay isang tahimik na lugar. Puno ito ng mga mahiwaga at masasayang kwento at alamat.
Nakatira sila sa isang magandang subdibisyon dito. Malawak ang gate ng kanilang tahanan. Hindi mo iisipin na dalawa lamang silang nakatira rito at dalawang katulong, sila Mayla at Nena.
Sumapit ang ika-sampu ng gabi at maayos na nakarating sila sa kanilang tahanan sa Antipolo. Punagbuksan sila ng pinto ni Mayla.
"Mam, Sir.... Magandang gabi po."
"O, magandang gabi naman. Kumusta ang araw ninyo?" tanong ni Arnel.
"Mabuti naman po. Natapos po namin ang mga gawain."
"O, siya magahinga na kayo. Nasaan nga pala si Nena?"
"Kanina pa po tulog. Nasi nga po ay maramin ginawa e, mukhang napagod ho." "Talaga? Kawawa naman. Ay, siya nga pala kunin mo sa compartment ng kotse yung binili kong brass teapot. Pakilagay na lamang sa mesa sa komedor ha?"
"Ay opo."
Mabilis na umibis ang katulong. Si Arnel naman ay kanina pa pumasok sa kanilang silid, nagpalit ng gamit at binuksan ang telebisyon.
"Tamang-tama at kauumpisa pa lamang ng balita sa gabi." ang bulong nito sa sarili. Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Alice at nagpalit ng damit pantulog.
"Hay, nakakapagod. Ang bilis ng panahon Arnel. Bukas ay Biyernes na naman. Pauwi dito ang mga apo mo at tiyak ko maingay na naman ang kabahayan."
"Sinabi mo pa," nakangiting wia ni Arnel.
"Ganunpaman masaya tayo dahil ang mga apo natin ay makukulit at masasaya." "Matulog na tayo," wika ni Alice.
"Tatapusin ko lamang itong balita," ang tugon ni Arnel.
Alas dos ng gabi. Gumagalaw ang teapot. Parang may gustong kumawala mula sa bibig nito. Matining ang kalansing nito. Umilaw ito ng maliwanag. May lumabas na usok at tila nagbabadyang sumabog.
Mahimbing na natutulog sila Nena at Mayla sa kabilang kuwarto malapit sa kusina. Biglang nagising si Nena at pupunta sa banyo para umihi. Parang naalimpungatan si Nina habang naglalakad papunta sa banyo malapit sa kusina.
"Bakit may usok? May sunog ba? Naku po!" Nagsisigaw si Nena ng..
"Sunog... sunog... gumising kayo! Tulungan niyo po kami!"
Bumalikwas sa higaan ang mag-asawa at Mayla.
"Nasaan? Ano ang nagyayari?" ang tanong kaagad ni Arnel.
"E kasi po papunta po ako ng banyo para umihi, nakita ko po dito sa kusina puno ng usok," ang kwento ni Nena.
"Ano? E nasaan ang usok ngayon? Baka nananaginip ka lamang Nena," ang sagot ni Alice.
"Ano ba naman Nena? Halos muntik na akong mahulog sa kama sa lakas ng sigaw mo. Baka nagalakad ka ng tulog?" ang tanong ni Mayla.
"Hindi, to too nakita ko punong-puno ng usok dito kanina."
"O siya tama na yan. Bumalik ka na sa kuwarto ninyo at matulog ka na. Siguro sa sobrang pagod mo e kung anu-ano ang nakikita mo, ang sabi ni Arnel.
Bumalik na sila sa kani-kanilang silid.
Kinabukasan maagang nagising si Alice. Balak niyang gamitin ang brass teapot na kabibili lamang niya.
"Napakaganda ng brass teapot na ito." ang bulong niya sa kanyang sarili.
Nang makapaghanda na siya ng almusal, tinawag na niya si Arnel. Maya-maya pa ay nagising na rin ang dalawang katulong.
"Naku! Nakakahiya naman po mam. Kayo pa po ang naghanda ng almusal," ang wika ni Mayla.
"Ewan ko ba. Maaga akong nagising. Heto nga at ginamit ko na ang teapot na binili ko kagabi."
"Ang ganda, mam. Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang klase ng teapot. Ibang-iba ang kinang " ang sabi ni Mayla.
"Ang sarap ng kape ngayob Alice. Ano ba ang ginawa mo at iba ang sarap ng kape?" ang tanong ni Arnel.
"Ha? Wala. Baka dahil dito sa teapot na binili ko," ang biro ni Alice sabay hinagkan ang teapot.
Nakaramdam ng ginhawa si Alice ng madampian ang kanyang pisngi ng teapot. May kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan.
Maayos na nakapag-almusal ang mag-asawa. Binilin nila na ang kanilang dalawang apo ay parating. Gugugulin ng dalawang bata ang Sabado at Linggo sa piling ng kanilang lola at lolo.
"Opo sir, mam at maghahanda po kami ng paboritong meryenda ng dalawa," ang sabi ni Nena.
Pagkaalis ng mag-asawa, sinimulan na ng dalawang katulong ang paglilinis. Iniligpit ni Nena ang mesa at nagwalis naman sa kuwarto si Mayla.
Habang inililigpit ni Nena ang mesa ay may napansin siyang kakaiba sa teapot. Sobra ang kinang nito.
"Ang ganda nitong teapot na ito. Teka nga at makapagkape. Sabi ni Sir masarap ang kape kanina. Nang hawakan na niya ang teapot...
"Aray! Bakit sobrang init ng teapot na ito samantalang kanina pa ito wala sa kalan?"
Na mula ang kanang kamay ni Nena. Pinahiran niya agad ito ng ointment.
"Hindi na nga ako magkakape."
Ala-una ng hapon, dumating ang dalawang bata na sina Jaypee at Marsha.
Ipinaghanda sila ni Nena ng masarap na meryenda. Sabay na naglaro sa hardin ang dalawang bata habang ang dalawang katulong ay maraming trabahong inaasikaso. Kinagabihan, masayang sinalubong ng dalawang bata ang kanilang lolo at lola.
"Good evening papa, mama," ang bati ng dalawang bata.
"Uyy, naku ang cute n'yo lamang dalawa mga apo."
"Kumusta ang pag-aaral ninyo?"
"Okay naman po, mataas po ang grades namin."
Sabay-sabay kumain ng hapunan ang mag- anak. Maya-maya pa ay nagyaya si Jaypee na manood ng telebisyon. Masayang nanonood ng tv ang mag-lolo ng sumigaw si Mayla. "Bakit? Ano ang nangyari?" ang tanong ni Arnel.
"Kasi po nang hinawakan ko po ang teapot ay napaso po ako. Sobrang init po nito, samantalang kaninang umaga pa po ito ginamit."
"Anong kalokohan iyan?" ang di makapaniwalang tanong ni Arnel.
Maya-maya dumating si Alice at hinawakan ang teapot.
"Anong mainit? Heto at pagkalamig-lamig."
"Ho? E halos napaso ho ang kamay ko sa init," ang tugon ni Mayla.
"Puro kayo kalokohan! Sige na at ako na lamang ang magtatago nito sa cabinet," ang sabi ni Alice.
Natapos ang gawaing bahay ng dalawang katulong. Nagpasya silang pumasok na sa kwarto at magpahinga.
Sa kabilang banda, natutulog na rin ang dalawang bata sa kabilang silid malapit sa silid ng mag-asawa. Natutulog na rin si Arnel subalit di dalawin ng antok si Alice. Maalinsangan ang paligid. Nagpasya siyang uminom ng malamig na tubig.
"Aba! Ipinasok ko itong teapot sa cabinet kanina. Bakit narito ito at nakalabas? Talaga itong si Nena," wika ni Alice.
Nang hawakan niya ang teapot ay animoy namagneto siya ng kakaibang kinang nito at init. Init na dumaloy hanggang sa kanyang kaibuturan. Hindi niya namalayan na yakap-yakap na niya ang teapot. May gumapang na init sa kanyang katawan.
"Ha? Sino ka? Saan ka galing?" ang tanong ni Alice.
"Ako si Ador. Ako ang may-ari ng teapot na ito. Regalo ko ito sa aking asawang si Elena. Magkahawig kayo ni Elena. Mahal na mahal ko siya."
"Ano ang kinalaman ko sa inyong pagmamahalan? Nasaan siya?"
"Iniwan niya ako at sumama sa ibang lalaki. Muhing-muhi ako sa kanya sapagkat nagawa niya iyon sa akin. Nakita ko sa iyo ang pagmamahal na iniukol ko kay Elena. Iwan mo ang asawa mo at sumama ka na sa akin," pagsusumamo nito.
"Hindi ako pwedeng sumama sa iyo. Iba ang mundo mo. May asawa ako at mga anak." "Maghihintay ako Alice. Pasasaan ba at sasama ka rin sa akin."
Nawala ang usok. Nawala ang tinig. Halos hindi makagalaw si Alice sa kanyang kinatatayuan. Nagmistulang istatwa siya ng ilang minuto.
"Kailangang mapanatili kong lihim ang pangyayaring ito. Baka sabihin ni Arnel ay nababaliw ako. Babalik ako sa tindahan kung saan ko binili ang teapot ba ito," ang bulong ni Alice sa sarili.

Kinabukasan araw ng Linggo, nagpasya si Alice na puntahan ang tindahan. Hinanap niya ang may-ari, ang matandang babae na kausap nila ni Arnel noong gabing binili niya ang teapot.
"Magandang araw. Pwede bang makausap ang may-ari ng tindahan na ito?"
"Ako nga po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Ha? Ang nakausap ko po noong Huwebes ay isang matandang babae. Kasi bumili ako sa kaniya ng isang brass teapot."
"Ako lamang po ang may-ari ng tindahan na ito. Brass Teapot? Wala po kamong tanda na ganun. Tingnan ninyo po ang aming paninda. Lahat po iyan ay my bagong kagamitn. Baka po sa iba po kayo nakabili."
"Hindi. Dito iyon, tanda ko pa ang lugar," ang pagpipilit ni Alice.
"Mam, hindi lang po kayo ang minsang nagpunta rito para mag-usisa tungkol sa tindahan na sinasabi ninyo. Pangatlo na po kayo."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"May dalawa pa pong babae na nagpunta rito at nagsasabing nakabili ng teapot. Wala po kaming ganoong item. Kami po ay nahihiwagaan na rin sa pangyayaring ito. Ang maige ho ay makita namin ang teapot na sinasabi ninyo."
"Bakit hindi ka sumama sa akin ngayon sa aming bahay upang makita mo ang sinasabi kong teapot?"
Nagpasiya ang babae na gumana kay Alice sa bahay nito upang makita ang teapot na sinasabi nito. Nang makarating sila sa bahay ay nalaman ni Alice na isinugod si Jaypee sa ospital dahil sa paso nitong natamo sa kamay. Nalaman niya na hinawakan nito ang teapot na hindi naman ginamit ng araw na iyon.
Nang makita ng may-ari ang teapot, nabigla ito at sina-bing...
"Ito ho ang nasa walang brass teapot ng aking lolo. Matagal ko na po itong hinahanap. Pwede hong pakilara-wan ang matandang babae na nakausap ninyo noong gabing bilhin ninyo ito?"
At inilarawan nga ni Alice ang matandang babae. "Ang matandang babae na sinasabi ninyong nakausap ninyo noong gabing bilhin ninyo ang brass teapot ay aking lola Elena." Nabigla si Alice sa narinig mula sa babae. Isinauli ni Alice ang brass teapot sa totoong nagmamay-ari nito. Nagpasalamat naman ang babae sa kagandahang-loob ni Alice.
Samantala nagamot nang maayos si Jaypee sa ospital na pinagdalhan dito. Simula nang maisoli ang brass teapot ay nagbalik ang katiwasayan sa loob ng bahay ni Arnel at Alice.