Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐BABAE SA ILOG!

Huwag sambahin ang pera upang hindi ka matulad kat lucas pineda , ang amo ni Noel na pumatay ng sariling asawa upang magkamal ng salapi.

Nagkaroon ng malaking pagkakautang si Noel kay Lucas Pineda, ang may-ari ng pabrika ng mantika na kanyang pinagtatrabahuhan. Bukod sa kanyang pagtatrabaho ay ikinolateral din ni noel ang kapirasong lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.
Iyon ay sa dahilang nais niyang maisalba ang buhay ng ama na may matinding karamdaman. Ngunit sa kasamaang-palad ay binawian din ng buhay ang kanyang itay.
"N-Noel, paano na tao ngayon?" naghihinagpis na tanong ni Aling Fidela sa kanya matapos ang libong ng kanyang ama.
"M-may awa ho ang diyos , inay, nalalampasan din natin ang pagsubok na ito," pilit nagpapakatatag na sagot ni noel sa ina.
"Sa palagay mo ba ay hindi iilitin ng amo mo ang lupa at bahay natin?" Muling tanong nito na puno ng pag-aalala.
"Matagal na ho akong nagtatrabaho sa pabrika kaya natitiyak kong bibigyan niya ako ng kunsiderasyon," buo ang paniniwalang sagot niya rito.
"Itong lupa't bahay na lamang ang natitira sa mga ipinundar namin ng iyong ama, kaya labis akong nag-aalala."
"Ipanatag ho n'yo ang inyong kalooban dahil hindi ako papayag na mawala sa atin ang bahay at lupang ito," pangako niya rito kahit hindi naman siya sigurado sa kanyang sinabi. Makaraan ang dalawa pang araw ay nagbalik na si noel sa kanyang trabaho. Dalawang linggo lang ang bakasyong ibinigay sa kanya ng amo at hindi maaaring lumampas doon ang bilang ng kanyang absent. Pagdating sa trabaho ay masyadong mahigpit si lucas pineda at batas ang bawat salita nito sa pabrika.
Nang dumating siya sa pabrika ay agad siyang nagpunta sa opisina ng amo dahil agad ding sinabi sa kanya ng sekretarya nito na gusto siyang makausap ni lucas. Biglang nakadama ng kaba si noel , dahil sigurado siyang tungkol sa kanyang utang ang kanilang pag-uusapan.

"MAGANDANG umaga ho, sir. Ipinatatawag n'yo raw ho ako?"magalang na bungad ni Noel sa amo.
"Maupo ka, Noel," pormal ang anyong sabi ni lucas sa kanya. Ilang sandali ang mabilisbna lumipas. Alumpihit na siya sa kanyang kinauupuan ngunit parang wala pa rin itong balak na magsalita.
"S-sir, ano ho ba ang sasabihin n'yo sa akin?" Siya ang naglakas-loob na magtanong.

"Noel, alam mo lamang negosyante ako at kahit masyado pang maaga ay nais ko sanang malaman kung kailan mo ako binabalak na bayaran?"
"Sir, bigyan n'yo pa ho ako ng konting panahon," pakiusap niya rito.
"Gaano katagal ang konting panahong iyon, Noel? Gusto ko ay may katiyakan dahil ayokong natutulog ang aking puhunan. Marami akong pera at siguradong tutubo ako sa mga iyon."
"S-sir, malaki hong halaga ang nahiram ko sa inyo, at kahit na ibigay ko ang isang taon kung suweldo ay hindi pa rin makasasapat."
"Mabuti naman at alam mo. Ano ngayon ang dapat mong gawin?" May diing sabi nito. "P-puwede ho bang bigyan n'yo ako ng konting kunsiderasyon?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Biglang nangunot ang noong tanong nito sa kanya.
"Kung pupuwede ho sana aybkunin n'yo na lang ang Kalahari ng aking suweldo hanggang sa makabayad ako sa inyo?"
"Ikaw na ang nagsabi na kahit isang taon mong suweldo ay hindi makasasapat sa pagkakautang mo sa akin. Pagkatapos ay hahatiin mo pa, di inamag na tayong pareho bago ka makabayad!" maigting na wika nito.
"S-sir,wala naman ho akong ibang mapaggkukunan ng pera na puwede kong ibayad sa inyo."
"Sana ay inisip mo muna iyan bago ka nagutang ng malaking halaga sa akin."
Napatiim-bagang na lamang si Noel, bunga nang pagpipigil ng galit.
"Ang gusto ko sana ay umalis muna kayong mag-ina sa inyong bahay. Pauupahan ko iyon hangga't hindi ka pa bakababayad sa pagkakautang mo sa akin."
"S-sir, saan naman ho kami titira?"
"May lumang kubo sa likod ng pabrika at puwedeng doon muna kayo tumira. Kung ayaw mo naman doon ay humanap ka ng pansamantala ninyong matitirhan. Basta buo na ang desisyon ko at wala nang makapagbabago noon!"
Walang nagawa si Noel, dahil kahit ano pang pakiusap ang gain niya kay Lucas ay naging bingi ito.

NANG makauwi si Noel ay hindi niya alam kung paano sasabihin kay Aling Fidela ang gustong mangyari ng kanyang amo. Alam niya kung gaano kahalaga sa kanyang ina ang lupa't bahay na iyon, at ipinangako niya rito na hindiviyon mawawala sa kanila.
"Noel, bakit kanina ka pa walang kibo, may problema ka ba?" Tanong ni Aling Fidela sa kanya.
Napilitan si Noel na sabihin sa kanyang ina ang nais mangyari ni Lucas. Wala siyang choice sapagkat dalawang araw lang ang ibinigay na palugit sa kanya ng amo para makahanap ng ibang matitirhan.
"K-kung hindi na tayo uupa sa kubong nasa likod ng pabrika ay mabuti pang doon na lang muna tayo tumira," pigil ang mga luhang sabi ng kanyang ina.
"Inay, pangako ho na magtitipid ako nang husto para makaipon agad ako ng pera at nang matubos ko ang lupa at bahay natin."
Kinabukasan din ay lumipat silang mag-ina sa kubo na nasa likod ng pabrika. Nakatayo ang libong iyon sa maluwang na estero at dating tirahan ng taong nagbabantay sa malaking kanal na padaluyan ng mga kemikal na inilalabas ng pabrika.
"Hindi ba lumalaki ang tubig sa esterong ito kapag tag-ulan?" Tanong ng kanyang ina nang makita ang klase ng lugar na kanilang bagong tirahan.
"Lumalaki ho, pero hindi naman inaabot ang sahig."
"Kunsabagay ay wala naman tayong magagawa kahit pa inaabot ng tubig ang sahig ng kubong ito. Kailangan nating magtiis hanggang sa makaipon tayo ng pera na maipangtutubos sa ating lupa at bahay "
"Inay, pasensya ba ho kayo. Wala akong magawa oara maitira kayo sa isang maayos na lugar," hinging-paumanhin niya sa ina.
"Anak, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Hindi rin masama ang aking loob dahil may pagkakataon ka pa namang matubos ang ating bahay," anitong may malungkot na ngiti sa mga labi.

NANG gabing iyon ay hindi agad dinalaw ng antok si Noel. Naninibago siya sa bago nilang tirahan.
"Sino ba naman ang masasanay agad sa mabahong lugar na ito!" Nagkukukot ang kaloobang sabi ni Noel sa sarili.
Mayamaya pa ay nakaramdam si Noel ng paninindig ng mga balahibo, kasunod noon ay ang biglang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. Na sinundan na ng mahihinang paghihikbi ng isang babae. Labis na nagtaka si Noel. Wala naman siyang kasama roon maliban sa kanyang inay.
Kinuha niya ang maliit na ilawang de gaas at inilawan ang kanyang ina na kasalukuyan nang nahihimbing. Ibig niyang siguraduhin na hindi ito ang humihikbi. Hindi nga nagkamali si Noel dahil tulug na tulog ang kanyang inay. Muli niyang narinig ang paghikbi na ngayon ay nagbubuhat sa labas ng kubo.
"M-may tao ba riyan?" Kabadong tanong ni Noel habang dahan-dahan niyang binubuksan ang pintuan.
Walang sagot buhat sa labas kaya inakala niya na mayroon lamang gustong manakot sa kanila. Inilagay niya sa sabitan ang ilawan nang mabuksan niya ang pintuan. Pagkatapos ay sinuyod ng tingin ang bulong kapaligiran kahit na madilim na madilim na sa labas.
May nakita siyang tao na nakasuot ng mahabang damit na kulay puting at naglalakad sa tulay na patungo sa kalsada. Natiyak niya na babae ang taong iyon dahil sa mahaba nitong buhok na kitang-kita niyang nakalugay. Nagmamadali itong sinundan para alamin kung saan ito nanggaling.
Wala naman kasing ibang puwedeng panggalingan ang sinumang maglalakad sa tulay maliban sa kubong kanilang tinitirhan.
"Miss, sandali lang," malakas na sabi ni Noel.
Tumigil ang babae sa paglalakad nang marinig ang kanyang pagtawag.
"Puwede bang malaman kung saan ka galing at bakit ka umiiyak?"
Nang lumingon ang babae ay bigka siyang napasigaw dahil bungo na lamang ang mukha nito.

"NOEL, Noel!" Ang malakas na pagtawag ni Aling Fidela ang gumising sa binata.
"S-salamat sa Diyos at panaginip lamang ang lahat," humihingal na sabi ni Noel nang siya ay magising.
"Ano ba ang napanaginipan mo at sumisigaw ka?" tanong ng kanyang ina. Ikinuwento ni Noel ang tungkol sa babae na ang mukha ay bungo.
"Napagod ka lang siguro sa paghahakot ng ating mga kagamitan kanina, kaya kung anu-ano ang iyong napapanaginipan. Matulog ka na uli at maaga pa ang pasok mo bukas," wika ng kanyang ina bago ito huling nahiga.
Matagal bago muling nakatulog si Noel. Kinabukasan ay muntik na siyang mahulog sa tulay nang may babaing biglang sumabay sa kanya sa paglalakad.
"I'm sorry," hinging-paumanhin sa kanya ng babae.
Takang-taka si Noel kung paano nito nagawang sumabay sa kanya samantalang isang tao lang ang puwedeng dumaan sa tulay.
"Saan ka nanggalaing at paano mong..."
Hindi na nagawang ituloy ni Noel ang kanyang sasabihin sa babae dahil tinalikuran na siya nito. At ganoon na lamang ang kanyang panghihilakbot nang unti-unti itong maglaho sa kanyang mga paningin.
Pinagpawisan siya nang malamig sapagkat alam niya na hindi siya nananaginip.
"Ano ba ang nagyayarinf ito sa akin?" aniya sabay piling ng ulo.
Kahit lalaki si Noel ay hindi siya mahihiyang aminin sa sarili na hindi birong takot at pangingilabot ang kanyang nararamdaman kani-kanina lang. Naging palaisipan sa kanya ang tungkol sa babae sa kanyang panaginip at ang babaing nakasabay niya sa paglalakad sa tulay.

DAHIL sa mga Maka ibang pangyayaring naranasan ay hindi mapakali si Noel nang makauwi siya nang gabing iyon.
"Ano ba'ng nangyayari sa iyo at para kang Pisa na hindi mapaanak?" inis na tanong ni Aling Fidel a sa binata.
"Iniisip ko lang ho kung iyong babaing napanaginipan ko at ang babaing sumabay sa akin kaninang umaga na biglang nawala ay iisa," sagot niya sa ina.
"Ano ang ibig mong sabihin? Minumulto ka, ganoong ba?"
"Hindi ko nga rin ho maipaliwanag, e"
"Noel, Baka namalikmata ka lang kaninang umaga. Huwag mong guluhin ang iyong isipan sa walang kuwentang bagay. Itulog mo na lang iyan at nang makapagpahinga ka." Pagkasabi noon ay nahiga na ang kanyang inay. Napabuntung-hininga naman si Noel dahil hindi niya maalis sa isipan
ang babae. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang pag-aksayahan ng panahon ang tungkol sa babaing iyon gayong hindi naman niya iyon kilala.
Lumabas siya ng kubo at tinanaw ang kaluwagan ng estero hanggang sa gawi ng ilog. Sa malaking ilog lahat napupunta ang maruming tubig na nagbubuhat sa estero na siya namang padaluyan ng mga kemikal na nagbubuhat sa pabrika ng mantika.
Mayamaya pa ay nakarinig siya ng iyak at natitiyak niya na hindi siya nananaginip sapagkat dama niya ang malamig na simoy ng hanging na nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang laman. Muling iginala ni Noel ang kanyang mga paningin at humantong iyon sa tulay, kung saan naroroon ang isang babae na umiiyak.
Nagtaka si Noel kung bakit may babae sa tulay sa ganoong oras, at ang pagtatakang iyon ang nagtulak sa kanya para lapitan ang nasabing babae.

"MISS, ano ang ginagawa mo rito at bakit ka umiiyak? tanong ni Noel dito.
Biglang huminto sa pag-iyak ang babae at dahan-dahan nitong iniangat ang mukha. Ganoon na lang ang kanyang pagkagimbal nang makita niya ang mukha nito na bungo na lamang. Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses na lumabas sa kanyang lalamunan.
Nais din niyang tumakbo palayo rito subalit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. "Tulungan mo ako, para mo nang awa!" pakiusap sa kanya ng babaing bungo ang mukha.
Ilang beses na lumunok si Noel at pagkatapos ay ilang beses din niyang ipinilig ang ulo upang pawiin ang takot at pangingilabot na nararamdaman.
"Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan," muling sabi nito na kahit paano ay nakapagpakalma sa kanyang damdamin.
"A-ano ba ang kailangan mo sa akin?" puno pa rin ng takot ang dibdib na tanong niya rito.
"Bigyan mo ng katarungan ang pagkamatay ko."
"P-paano ko naman gagawin iyon? Hindi kita kilala at hindi ko rin alam ang nanguari sa iyo," aniyang takut na takot pa rin.
"Nasa tabing ilog ang kasagutan sa tanong mo." Wika pa nito bago muling naglaho sa kanyang mga paningin.
Sapagkat hindi nauunawaan ni Noel kung ano ang ibig nitong sabihin ay wala siyang ginawa para pagbigyan ang kahilingan babae. Pero simulation nang makausap niya ang babaing bungo ang mukha ay hindi na siya natahimik.
Saan man siya magpunta ay nakikita niya ito at kahit sa pagtulog ay ginagambala pa rin siya ng babae. Bunga noon ay napabayaan ni Noel ang kanyang trabaho na labis lamang ikinagalit ni Lucas Pineda. Pinalayas siya ng kanyang amo sa pabrika, kaya ang konting pag-asa niya na matubos ang bahay at lupa ng mga magulang ay naglaho na rin.

"NOEL, ano ba'ng nangyayari sa iyo? Bakit palagi kang tulala? Pati ang trabaho mo ay napabayaan mo na rin. Paano pa tayo makakabalik sa ating bahay, kung wala ka nang hanapbuhay?" tungayaw ni Aling Fidela sa kanya nang malaman ng kanyang ina na wala na siyang trabaho.
Hindi alam ng binata kung ano ang kanyang isasagot sa ina , kaya tinalikuran na lamang niya ito. Nahiga siya sa kanyang papag at pinilit niyang makatulog, kahit alam niya na mayamaya lang ay muli na lamang magpapakita sa kanya ang mahiwagang babae.
"Noel, Noel," tawag sa kanya ng pamilyar na tinig.
"T-tigilan mo na ako!" sigaw niya sabay takip ng mga kamay sa magkabilang tenga.
"N-Noel, ikaw ang taong matagal ko nang hinhintay. Ikaw lang ang makakapagbigay sa akin ng katahimikan. Maawa ka sa akin!" samo nito sa kanya.
Nagising si Aling Fidela dahil sa lakas ng kanyang sigaw at itatanong sana nito kung ano ang dahilan at sumisigaw siya. Pero hindi na iyon nagawa ng matanda nang makita ang babaing bungo ang mukha. Bigla na lamang itong hinimatay pero hindi na niya nagawang daluhan sa matinding takot.
Palapit nang palapit sa kanya ang babae kaya napilitan siyang tumakbo palabas ng kubo.
"Wala kang pupuntahan na hindi kita masusundan," wika pa nito kaya lalo siyang nakadama ng takot.
Tumakbo siya nang tumakbohanggang sa makarating siya sa kalagitnaan ng tulay. Ngunit bigla na lamang siyang napahinto nang bumulaga sa kanyang harapan ang babae. Mabilis siyang bumuwelta, subalit naroon na din ito kaya wala na siyang mapagpipilian kung hindi ang tumalon sa estero.
Patuloy na nakasunod kay Noel ang babaing bungo ang mukha at hindi na siya nagtaka kung naglalakad ito nang nakalutang aa mabahong tubig na kanyang kinalulubluban. Bunga nang matinding takot ay hindi na niya namalayan kung paano siyang nakarating sa malaking ilog.
Basta sumisid siya sa kailaliman sa pag-aakalang hindi na siya masusundan doon ng kanyang kinakatakutan. Laking pagtataka niya nang magliwanag ang buong paligid at makita niyang lahat ang nasa ilalim ng ilog. Isang sementadong bagay ang nakatawag ng kanyang pansin at hindi iyon pangkaraniwan.
Kinapos na si Noel ng hininga kaya napilitan na siyang puma-ibabaw, kahit naka pa sana niyang usyusohin ang kakaibang nakita. Iginala agad niya ang mga paningin nang ganap na siyang makasagap ng hanging. Wala na ang babaing may mukhang bungo, kaya ipinasya niyang magbalik na lamang sa kubo.

KINABUKASAN nang umaga ay ipinagbigay-alam agad ni Noel sa mga pulis ang tungkol sa kanyang natuklasan sa ilalim ng ilog. Sa tulong ng mga may kapangyarihan ay iniahon mula sa ilalim ng ilog ang sementadong bagay na iyon. Nang mabuksan ay napag-alaman na may bangkay ng babae sa loob ng drum na sinimentuhan.
Makaraan lang ang isang araw ng imbestigasyon ay nalaman ng mga alagad ng batas na ang nawawalang asawa ni Lucas Pineda ang babaing nakuha sa sinimentong drum. Lumabas din sa medico legal na binuhusan ng muriatic acid ang mukha ng babae bago sinakal. Nakunsensiya naman ang dalawang katulong ng mga Pineda na siyang nakasaksi sa pagpatay ni Lucas sa asawa, kaya tumestigo ang mga iyon laban sa kanilang amo. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Hinuli ng mga pulis si Lucas Pineda at agad na nahatulan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo.
Nang muling manahinip si Noel ay may mukha na ang babaing humingi ng tulong sa kanya.
"Maraming salamat, Noel, ngayon ay matatahimik na ako," nakangiting sani ni Mrs. Pineda sa kanya.
"Wala pong anang," aniya.
Bilang pagtanaw ng utang na loob ng mga kaanak ni Mrs. Pineda kay Noel ay muli siyang ibinalik sa kanyang trabaho. Ganoong din ang kanilang lupa at bahay, kaya naging masaya na si lang mag-ina.

Wakas