Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐Babae Sa Portrait!

Tila nanlaki ang ulo niya pagkarinig sa sinabi sa kanyang tiyahin... patay na raw ang babae sa portrait!
"SHIT" Nadismayang sabi ni Mariel nang makitang nabalaho sa putik ang hulihang gulong ng owner type jeep na minamaneho niya. "Kapag minamalas ka talaga..."
Inilinga niya ang paningin sa paligid. Kailanganin kasi niya ng makakatulong upang maiahon ang kanyang sasakyan mula sa may kalalimang butas na kinalulubugan nito. Ngunit panay nagtataasang talahib at kugon ang nakikita niya. Gayunsin ang matataas at malalaking puno ng kahoy at kabilang dito ang malaking puno ng Balete, na nasa bandang likuran.
Nang makita niya iyon at napagtanto kung anong klaseng puno ay hindi niya maiwasang panindigan ng balahibo!
"Ano ba itong nasuotan ko?" Nagtataka siya. Wala na kasing karugtong ang lubak-lubak na kalsadang binabaybayan niya. "Saan ba talaga ang daan?"
Sanay siyang magbiyaheng mag-isa gamit ang kanyang owner type-jeep kaya malakas ang loob niyang magtungo sa probinsyang kinaroroonan ng tiyo't tiya niya kahit first time lang niya iyong mapupuntahan. Tiwala siya sa sarili na payapa niyang mararating angblugar dahil from time to time ay kinu-contact niya sa cellphone si Tiyo Vic..
Napakamot siya sa ulo. Saka kinuha ang kanyang aparato sa ibabaw ng dash board para tawagan ang kanyang tiyuhin. Ngunit Ganoon nalang ang pagkadismaya niya nang makitang walang signal.
"Ano naba itong nangyayari sa akin? Sana'y naniwala nlang ako kay Papa na magpasama ky Benjie," bulong pa niya na ang tinutukoy ay ang nag-iisa at bunsong kapatid. Niniteen years old na ito.
Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Eksaktong ala-singko y medya na ng hapon. Ilang sandali pa at malapit nang kumalat ang dilim. Sito ma siya kinabahan. Hindi dahil baka may multo kundi dahil baka may mga masasamang loob na maligaw dito at mapagtripan siya. Napapailing-iling siya. Tiyak na nag-aalala na ang kanyang Tiyo Vic at Tiya Hilda. Mag-asawa ang dalawa at sa mga ito siya magbabakasyon. Ang kanyang Tiyo Vic ay kapatid ng kanyang Mama. Walang anak ang mga ito kaya siguro mas pinili na lang ang manilbihan sa isang mayamang pamilya sa lugar na ito.
Hindi nga pag-aari ng mga ito ang bahay na pupuntahan niya kundi sa pamilya Delos Reyes na sa Australla na namamalagi simula noong mamatay ang nag-iisang anak na babae ng mga ito. Minsan lang daw sa limang taon umuuwi ang mga ito kaya nga parang sarili na ng kanyang Tiyo at Tiya ang bahay. At noong isang araw nga'y tinawagan siya ng kanyang tiyahin. Naglambing ang mga ito na magbakasyon siya rito kahit isang linggo lang.
Muli siyang sumakay sa kanyang sasakyan at sinubukang muling iahon iyon ngunit lalo lang yatang bumaon ang gulong. Kaya't muli siyang bumaba upang silipin iyon. Nang muli siyang mag-angat ng paningin, nagulat pa siya nang makita ang iang babae na nakatayo sa may likuran niya.
"Bakit ka narito?" tanong nito pagkatapos siyang ngitian. Ngiting hindi namn umabot sa mga mata nito. At ang boses nito, napakalamig. Nayakap niyang bigla ang sarili. "Alam mo bang delikado sa lugar na ito?"
"N-naligaw yata ako," tugon niya. Babalik sana ako pero nabagok na itong gulong ng owner ko."
"Saan kaba pupunta?" tanong nito, na nagpakunot ng kanyang noo. Bakit ba lalo yatang lumamig ang tinig nito?
"Kina Tiyo Vic at Tiya Hilda. Magbabakasyon ako sa kanila."
"Naligaw ka nga. Dapat ay sa kaaunod na kanto ka pa lumiko."
"Kilala mo sila?" tanong niyang nabuhayan ng loob.
Marahan itong tumango. "Tutulungan na kitang maiahon itong sasakyan mo. Kailangang makaalis ka rito bago dumilim."
Nangunot ang noo niya. "A-ano ang ibig mong sabihin?"
Tumungo ito. "Ang lugar na ito paboritong puntahan ng mga taong may maitim na budhi," sabi nitong hindi nakaligtas sa kanya ang pinipigil na galit sa tinig. "iyong mga walang puso na walang awang pumapatay. Lulong sa ipinagbabawal na gamot."
Nanindig ang balahibo niya. Hindi rin niya maiwasan ang nararamdaman ng takot. "Sumakay ka na sa loob. Itutulak ko itong sasakyan mo." Sabi nito sa kanya.
"Kayanin mo kaya?" pag-aalinlangan niya.
Ngumiti ito. Gniting gaya kanina ay walang kakayanang pasayahin ang malamlam na mga mata nito. "Kakayanin ko. Ang mahalaga'y makaalis ka rito."
Atubili siyang sumunod dito at saka muling binuhay ang makina ng owner type jeep. Saglit lang at naiahon nila iyon. Muli aiyang bumaba at nilapitan ito.
"Maraming salamat," Nakangiting sabi niya rito. "Anong nga pala ang pangalan mo? "Elizabeth Delos Reyes" sabi nito. "Diretsuhin mo na lang ang maliit na daan na iyan. Mas malapit ang daan diyan kaysa muli kang lalabas sa kalsada."
Itinuro nito ang madamong daan na tingin niya ay bihirang daanan kahit pa may bakas iyon ng gulong ng sasakyan. Naisip na lang niya,baka iilan lang ang nakakaalam ng ahortcut na iyon. Kanina nga ay hindi niya iyon napansin kaya akala niya ay kung saan na siya napadpad. Tumango siya saka iniabot dito ang kamay. " Ako nga pala si Mariel Olavides," pagpapakilala niya rito.
Inabot nito ang kamay niya. Nang tuluyan namang maglapat ang mga palad nila'y muntik na niyang mahila iyon. Paano'y tila yelo ang nahawakan niya..napakalamig ng kamay nito. Nang ito mismo ang unang bumitiw ay agad niya iyong ipinamulsa para mabawasab ang panlalamig. "Maraming salamat Elizabeth."
Nasa loob na siya ng sasakyan nang maalala niya itong imbitahang sumakay para maihatid niya. Subalit laking gulat niya nang mabatid na Bigla itong nawala. Nagpalinga-linga siya subalit ni anino nito ay hindi na niya nakita pa. Ang bilis naman niyang nawala?

PAKIRAMDAM ni Mariel ay pagod na pagod siya ng makarating sa bahay na tinutuluyan ng tiyo't tiya niya. Kaya nang papasukin siya roon ay agad siyang umupo at isinandig ang likod sa sandalan.
Nagpaalam ang Tiya Hilda niya na ipaghahanda siya ng meryinda kaya nang wala na ito ay inilinga niya ang paningin. Bigla siyang napatayo ng makita ang babae sa portrait na nasa may puno ng hagdan. Lumapit siya roon at hindi nga siya nagkamali ng hinala pagkatapos na mabasa ang pangalan na nakasulat sa ibaba niyon. Elizabeth delos Reyes.
Napangiti siya. Akalain ba niyang tagarito pala ang babaing tumulong sa kanya. Bakit ba hindi agad niya naitanong kanina? Saan ba iyon pupunta at basa lugar na iyon?
"Magmeryenda ka muna, hija," narinig niyang sabi ng kanyang tiyahin.
Nilingon niya ito. "Tiya, ano ho si Elizabeth ng may-ari nitong bahay? Hindi ko ho agad nasabi sa inyo na siya tumulong sa akin kanina sa daan. Bukod ho kasi sa nalubak sa putik ang gulong ng owner ko ay naligaw pa ako. Siya ho ang nagturo sa akin kung saan ako magsu-shortcut."
Kitang-kita niya ang pagkamangha sa mukha ng kanyang tiyahin. Mabilis itong napalait sa kanya. "S-sigurado ka bang siya, hija?"
"Opo, Tiya. Siya." Itinuro pa niya ang portrait. "Hindi ako maaaring magkamali. Sinabi rin niya ang pangalan sa akin at Elizabeth nga. Narito na po ba siya? Kung alam ko lang, sana'y iniangkas ko na siya. Naiwan ko siya sa daan kasi bigla siyang nawala."
"Pero, hija, sampung taon nang patay si Elizabeth... " Tila nanlaki ang ulo niya pagkarinig sa sinabi ng kanyang tiyahin.
"Huwag naman ho kayong magbiro ng ganyan, Tiya," sabi niyang hindi mapigil ang paniningig ng balahibo. Bigla ay tila naramdaman niya ang malamig nitong palad na nakadaupan niya kanina.
"Hindi ako nagbibiro, hija. Siya iyong nabanggit ko noon sa mama mo na anak nina Kuya George at Ate Matilde, na pagkatapos gahasain ay pinatay. Doon miamo sa lugar kung saan ka naligaw. Ang katawan niya ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa may puno ng balete. Hindi ba iyon nabanggit ni Ate, sa 'yo?"
Umiling-iling siya. Hindi niya mapigil ang mapaluha dahil sa takot at pangingilabot. "Kaluluwa po kaya ni Elizabeth ang nakita ko?" tanong niya rito na halos ayaw lumabas ng kanyang boses. "Tiya, multo ho ba ni Elizabeth iyon?"
Marahang tumango ang kanyang tiyahin. Nangingilid ang luha nito. "Bali-balita na rito sa amin na ang lugar ngang napuntahan mo kanina'y napaka-delikado. Marahil ay iniligtas ka niya para hindi mo sapitin ang masaklap na sinapit niya..."
Natutop niya ang dibdib habang hindi makapaniwala na napatitigvsa mukha ng babaing nasa portrait. Kaya ba Ganoon kalamig ang boses nito? Kaya ba kahit ngumingiti ito'y lungkot pa rin ang makikita sa mga mata? At kaya ba sing-lamig ng yelo ang palad niti?

Wakas