Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


Balat ng Halimaw

Simula paman ay nakahiligan na ni Nikita ang mga mamahaling sinturon at bag. Hindi siya nanghihinayang na gumastos ng malaking halaga mabili lang ang bag na maibigan niya.

"Ano ka ba naman, Nikita. . . katumbas na yata ng halaga ng isang bahay ng mahirap ang halaga ng binili mong bag," ani Cedes nang ipagmalaki ng dalaga ang bag nito.

Larawan naman ng kasiyahan si Nikita. "Alam mo ba, Cedes, sa tuwing nagdadala ako ng bag na kasing mahal nito, pakiramdam ko ay kaya kong bayaran pati ang buhay mo," napalakas ang tawa ng babae.

Alam naman ni Cedes ang ugali ni Nikita. Ang taong mahirap na hahara-hara sa daan ay kaya nitong sagasaan. Mayaman si Nikita. At kung umasta ito ay para bang kalahati na ng mundo ang nabili nito.

Basta, ginusto ni Nikita ay nakukuha nito.

"Kursunada ko iyang alaga mong sawa," sabi ni Nikita sakatipan niyang si Rey. Alam naman ni Nikita kung gaano kahalaga kay Rey ang mga exotic pets nito kagaya ng sawa.

"Kung gusto mo, ibibigay ko," sabi naman ng lalaki. "Basta alagaan mo lang kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko."

Napangiwi ang mukha ni Nikita. "Yuck! Kaya ko hinihingi ang alaga mong sawa ay para gawin kong bag at tsinelas ang balat."

"Ano!" Nanlaki ang mga mata ni Rey sa pagkagulat. Pero makakatanggi pa ba siya gayong nararamdaman niyang masama na naman ang hininga ng babae kapag hindi napagbigyan sa gusto nito. Isa pa ay mahal na mahal ng lalake ang nobya. "Sige. . . bahala ka na kung ano ang gusto mo."

Napangiti si Nikita. Wagi nanaman siya.

Lalong nakaramdam nang matinding kasiyahan si Nikita nang makakontak siya ng magaling na tagagawa ng bag. Wilmor ang pangalan nito at nagtatrabaho sa isang kompanya na gumagawa ng mga bag at sapatos.

"Kaya mo bang gumawa ng bag mula sa balat ng ahas?" tanong
nya.
"Of course! Kung gusto mo ay ipakikita ko pa mismo sa iyo kung paano balatan nang buhay ang sawa."

"Magaling! Magaling!" tuwang—tuwa si Nikita.
Pumapalakpak pa si Nikita habang nakikita niya ang proseso sa paggawa ng bago niyang bag na gawa sa balat ang ahas. Pero dahil may tinanggap na tawag ay napilitan siyang iwan si Wilmor. Binalikan niya ito nang matiyak na yari na ang ipina-made-to-order bag.

Isang napakalaking bag ang nagawa ni Wilmor para sa kanya. Sapat para isilid ang tao sa loob. Dismayado si Nikita.

"Para sa iyo, Magandang Binibini," mukhang kinukursunada pa siya ni Wilmor.
Sinupalpal niya ng pera ang mukha ng lalake. "Sa susunod, may ipagagawa pa ako sa iyo. Pero hindi ko sinabi sa iyo na igawa mo ako ng bayong... bobo!"
Napangisi ang lalaki. May kinuha sa gawing likuran. Pagkatapos ay iniabot kay Nikita ng isang bag na ubod ng ganda ang yari atdisenyo.
"Heto ang parte ng balat ng sawa na ginawa ko para sa iyo. Maganda
ba?"

Napangiti si Nikita. Maganda nga ang bag. Isinukbit niya ito sa balikat at lumakad na.
Habang daan, ang pakiramdam ni Nikita ay nananaghili ang bawat makakita sa bag na sukbit niya kaya parang nakatapak siya sa ulap habang naglalakad...

Sa loob-loob niya: Ano kaya kung ipatuklaw ko ang mga mata nila sa ahas ? Pagkatapos ay natawa ito sa bagay na naisip.

IBAYONG ligaya ang hatid kay Nikita ng bago niyang bag. Buong pagyayabang din niyang ipinakita sa katipan at sa kaibigang si Cedes ang bago niyang bag. Sa bahay niya nakatira si Cedes. Parang isang asambahay ang turing niya sa dalaga dahil may malaking utang sa kanya ang tiyahin na nagpalaki rito at hindi makabayad-bayad.
"Ano sa tingin mo, maganda ba?" at umikut-ikot si Nikita sa harap ng kasintahan na parang nagmamalaki pa.
Nalungkot si Rey dahil ang dating may buhay na alagang sawa ay pinatuyong bag na ngayon. Pero tumango na lang ang lalake kahit talagang masama ang loob.

Lumapit si Cedes. May dala itong tray ng malamig na juice. Inuna nitong bigyan ang lalaking naninikip yata ang hininga dahil natuyot ang alagang sawa.

"Rey. . .inom ka muna. . ." Iniabot ni Cedes ang baso sa lalake.
Napuna ni Nikita ang pagsulyap ng katipan sa braso ni Cedes. Makinis kasi iyon at mamula-mula. Nakaramdam ng selos si Nikita sa kaibigan.
"Cedes, umalis ka nanga diyan, istorbo ka!" pasinghal na itinaboy nito ang kaibigan.

Ang gusto ni Nikita ay nasa kanya lang ang atensiyon ng lalake, ng mga lalake. "Love, pakilagyan nga ng lotion ang binti ko. . ."Sadyang iniinggit niya si Cedes na nahuhuli niyang napapatingin sa bawat lingkis niya sa lalaki.
Ang bruha, kursunada pa yata ang boyfiiend ko. Iyon ang tumatakbo sa utak ni Nikita.
Muling inaliw ni Nikita ang sarili habang pinagmamasdan ang mga bagong bag habang nilalambing siya ni Rey.
"Love, sino ba ang mahal mo...ako o ang mga bag mo?"
Napataas ang kilay ni Nikita. "Siyempre, ikaw ang mahal ko... pero teka muna aayusin ko lang sa lalagyan itong bagong bag na ipinagawa ko..."
Muntik pang sumubsob ang nguso lalaki sa biglang pagtayo ng babae. Talagang obssessed si Nikita sa mga koleksiyong bag.

NAGTAMPO si Rey. Ilang araw mula noon ay hindi na nagpakita ang nobyo sa kanya. Kahit paano ay nag-worry si Nikita. Sa totoo ay mahal naman talaga niya si Rey.
May hawak na pumpon ng rosas si Cedes isang umaga nang magisnan niya ang kaibigan.

"Kanino galing iyan?" May hinalang tanong ni Nikita na nakatutok ang mga mata sa pumpon ng mga rosas.

"Pinitas ko ito sa kabilang bakuran," sabi ni Cedes habang inaamoy ang bulaklak.

Hindi isinasantabi ni Nikita ang hinala na galing iyon sa katipan.

Sa inis, inagaw niya ang mga bulaklak kay Cedes at inihampas sa mukha ng dalaga. Nasugatan ng tinik ng rosas ang pisngi ng babae.

Napaiyak si Cedes. Nasaktan.
"Kundi ilang malaki ang utang sa akin ng tiyahin mo, matagal na kit-ang pinalayas dito! Maldita ka Nag-iinit ang dugo ko kapag nakikita kita!"

Ganoon siya. Kilala na ng kaibigan ang ugali niya. Pero mabuti na rin na nandito si Cedes sa tabi niya. Nababantayan niya ang kilos nito, baka kasi inaaswang na ang nobyo niya.

Mahal niya si Rey. Very true. Pero ang pagiging adik niya sa koleksiyon ng bag ang nagpapalimot sa kanya sa katipan.

Hindi doon natuldukan ang pagnanasa ni Nikita na magkaroon ng magandang bag. Parang may kulang pa sa mga koleksiyon niya.

Nandiyang kasabwatin niya ang tagabantay ng isang crocodile farm makakuha lang ng balat ng pinakamagandang buwaya. Pati kaibigan niyang nasa ibang bansa ay nakapagpuslit ng mga hayop na pagdating sa Pilipinas ay ipinakakatay niya kay Wilmor para talupan ang balat, at ipagawang sinturon, tsinelas at bag.

"Bakit kaya ganoon, nakuha ko na yata ang lahat ng magandang koleksiyon ng bag pero bakit parang hindi pa rin ako nasisiyahan?" aniya kay Wilmor.

Nakuha na ng lalaki ang loob ni Nikita mula nang kasabwatin niya ito sa pagkatay ng mga nanganganib na uri ng hayop masiyahan lang siya sa mga bag na gawa nito. Alam din naman ni Nikita na lihim nang nahahaling sakanya ang binata.

"Baka naman balat na ng halimaw ang gusto mo," biro ni Wilmor sa kanya.

Hindi kumibo si Nikita pero ngayon pa lang ay naglalaro na sa isip niya kung anong klaseng halimaw ang puwede niyang gawing bag.

"Sige... pag naigawa mo ako ng halimaw na bag...kahit sarili ko ay ipambabayad ko sa iyo."

Napasaltak ang lalaki. "Imposible. Saan naman ako kukuha ng halimaw?"

"Problema mo na iyan," hamon ng babae.

Ganitong baliw na baliw na si Wilmor sa babae ay tatawirin niya ang ikapitong bundok makakuha lang ng halimaw.

SA isang malaking silid na animo puwesto sa mall, pinagmamasdan ni Nikita ang mga koleksiyon niya ng bag. Isang malaking kayamanan na ang halaga ng lahat. Kabisado niya ang bawat isa sa mga iyon kaya alam ni Nikita kung may nawawala sa koleksiyon niya.

Napuna ni Nikita, isang bag na gawa sa balat ng birheng tupa ang nawawala sa koleksiyon. Si Cedes lang ang kasamang puwede niyang pagbintangan dahil ito lang ang pinapasok niya minsan doon.

Sa totoo lang, mabigat ang loob niya kay Cedes. Mahirap lang ito pero makinis pa ang balat kaysa sa kanya. Oo, mas maganda si Cedes sa kanya, at iyon ang ayaw niya.

Madalas niyang mahuli ang mga panakaw na tingin ng babaing iyon sa katipan niyang si Rey.

Hindi lang niya pinapansin dati iyon dahil ang atensiyon niya ay nakapokus sa kanyang mga bag.
"Cedeees!" dumadagundong ang boses niya sa pagtawag sa dalaga. Narinig ni Cedes ang tawag kaya alam niyang mainit na naman ang ulo ng kaibigan.
"Nikita. . . bakit . . .?" Nang lumapit kay Nikita ay naginginig sa takot si Cedes lalo pa't nakikita nito ang pandidilat ng mata ng dalaga.

"Ilabas mo ang bag na kinuha mo," galit talaga si Nikita, at masama siyang magalit "Ano bang bag?" tanong ni Cedes.
"Iyong bag na yari sa balahibo ng tupa, tanga! Ikaw lang ang puwedeng kumuha!"

Naalarma si Cedes, kung gayon ay pinagbibintangan siya. "Hindi ako. . . hindi ako nakikialam sa mga gamit mo. Baka kung saan mo lang nailagay. . ."
Isang Swiss knife ang kinuha ni Nikita. "Ilabas mo na, kundi itatarak ko sa leeg mo ang knife na ito."
Halos lumuhod na ang kaibigan kay Nikita. "Totoo ang sinasabi
ko. . . hindi ako ag kumuha. . . kung gusto mo'y hahanapin ko para sa
iyo..."

Nagdilim ang isip ni Nikita. Mas mahalaga pa ba ang bag kaysa sa buhay ni Cedes. Iyong angat niya sa patalim ay buong diing itinarak sa puso ng babae.

Hindi niya tinigilan ang pag-urak ng patalim sa katawan ni Cedes sa kabila nang pagmamakaawa ng dalaga. Sandali pa at bumulagta ang walang buhay na katawan ng babae. Saka lang nahimasmasan si Nikita nang makitang duguan ang kamay niya at nakahandusay sa sahig ang bangkay ni Cedes.

Nataranta si Nikita. Hindi niya alam kung tatawag ng ambulansiya o hihingi ng tulong. Kapag ginawa niya iyon ay malamang na makulong siya. Isang tao lang ang naisip ni Nikita na makakatulong sa kanya.

Si Wilmor.
Agad hinagilap ni Nikita ang malaking bag na yari sa balat ng sawa. Alam niya, kasyang isilid ang tao doon. Pagbuka ni Nikita sa bag ay nandoon pala ang bag na ibinibintang niya kay Cedes.

Nakalimutan niya, doon pala niya nailagay!

Pero huli na kung ngayon pa siya magsisisi. Nagawa na niya ang karumal-dumal na krimen. Hindi na niya maibabalik pa ang buhay ni Cedes. Huminga nang malalim si Nikita. Kailangan niyang mag—isip. Kailangan ay buo ang loob niya.

At nagdesisyon siya.

Siya mismo ang magtatago sa ginawa niyang krimen. At muli, kakasabwatin niya si Wilmor na alam naman niyang patay na patay sa kanya. Gagamitin niya ang pagkakagusto ng binata para maitago ang kanyang krimen.

Hirap, pero pinilit niyang maipasok sa loob ng malaking bag ang katawan ni Cedes. Makaraan ang ilang saglit ay hinatak na iyon ni Nikita papuntang garahe. Ipinasok niya ang bangkay sa likod ng compartment ng kanyang sasakyan.

Nataon na kasagsagan ng lakas ng ulan noon. Ang balak niya ay itapon na lang sa isang ilog ang bangkay pero iba ang tumatakbo sa isip ngayon ni Nikita.

Ang magandang balat ni Cedes. Ang pagnanasa niya na magkaroon ng isang kakaibang balat ng bag.
Ano kaya kung ang makinis at magandang balat na lang ni Cedes ang gawin niyang bag? Ibinalik niya ang sasakyan. Dumiretso siya sa direksiyon ng bahay ni Wilmor.

NAKAILANG tawag at text na si Nikita sa cellphone ni Wilmor pero walapa ring sumasagot. "Wilmor. . . ! Nakuu! Nasaan ka ba? " inis na si Nikita habang nakasilip sa harap ng bahay ni Wilmor mula sa bintana ng kanyang kotse.

Umuulan pa rin at ayaw sana niyang mabasa kaya tinatawagan niya ang binata.
Nag-try uli siya na tumawag sa cellphone ni Wilmor. Wala talaga itong tugon. Nagdesisyon siyang bumaba ng kotse.
Suwerte naman dahil nang itulak niya ang pinto ng gate ng bahay nito ay nakabukas iyon. Lumakas na ang loob ni Nikita. Lumakad patungong pinto ng kabahayan.

Napangiti siya nang matapos itulak ang pinto ay agad rin bumukas. May pakiramdam ba si Wilmor na darating siya? O naging pabaya lang ito at naiwang bukas ang bahay? Siguro ay nagmamadali ang binata kaya naiwang bukas ang mga pasukan sa bahay nito.

Nang makapasok sa bahay ay luminga—linga si Nikita. Nakita agad niya ang isang post it na nakadikit sa isang vase na prominenteng makikita sa ibabaw ng magandang mesa.

Ayon sa mensahe ni Wilmor ay naghahanap ng balat ng halimaw ang binata.

"Tanga!" nasambit ni Nikita.

Kahit galugarin ni Wilmor ang lahat ng lugar, wala itong makikitang halimaw. Kungdi ba naman kulang din sa utak itong si Wilmor. O siguro ay dahil baliw na baliw sa kanya ang lalake kaya kahit imposible ay gusto nitong makuha.

May annex ang bahay ni Wilmor. Iyon ang slaughter house ng lalake. Doon nito ginagawa ang pagkatay sa mga hayop na ginagawa nitong bag, sapatos, sinturon at tsinelas.

Binalikan ni Nikita ang kotse. Mag-isa niyang binuhat ang bag na
kinaroroonan ng bangkay ni Cedes.

Hinatak ni Nikita ang bangkay at dinala ito sa katayan ni Wilmor. Ilang beses nang napanood ni Nikita ang pros-eso kung paano talupan ni Wilmor ang balat ng mga hayop. At sa eksaytment niya ngayon ay hindi na niya kayanghintayin pa si Wilmor para gawin ang nasa isip niya.

Kahit bigat na bigat ay ibinitin ni Nikita sa hook ang katawan ni Cedes. Napangiti siya sa isiping naglalaro sa utak. Siya mismo ang magtatalop sabalat ni Cedes!

Kakaiba nga ang pakiramdam ni Nikita lalo pa't siya ang gagawa ng proseso.

Oo, ito na marahil ang pinakamagandang bag na maaangkin niya dahil gawa sa balat ng taong labis na kinamumuhian.

Pinatuyo ni Nikita ang balat ni Cedes, at habang iniipit niya ang balat sa makina ay parang nadidinig pa niya ang sigaw ng babaing labis na kinaiinggitan.
Nasasaktan.
Nagmamakaawa.
Lalong nauhaw ang pagnanasa ni Nikita nayariin na ang bag. Ang kinis ng hagod ng balat nito. Kundi ba naman gaga ang babaing ito, sukat kinatalo pa siya Hayan, ang makinis nitong balat ay bag lang pala ang katapat.
"Buti nga sa iyo. . . buti nga sa iyo. . ." sabi niya.
Habang tinatahi ni Nikita ang bag ay kita pa niya ang pagdurugo ng balat. Ang dugo ay sumirit at tumalsik sa pisngi niya. Lalong nauhaw ang pag nanasa ni Nikita na tapusin na ang kakaiba niyang bag.

Ilang araw ang binuno niya sa bahay ni Wilmor pero hindi pa rin dumarating ang lalake. Kung hindi ba naman nuknukan ng tanga, naghahanap pa ito ng halimaw.
Wala naman talagang halimaw.
Baliw talaga ang binata.

Nang mayari ang bag ay nakaramdam ng kakaibang kasiyahan si Nikita. Agad niyang isinukbit ang bag sa balikat para umuwi sa bahay niya. Pagod na pagod siya at gusto na niyang magpahinga.
Inihilera niya sa bag shelf ang bag na yari sa balat ni Cedes.
Nag-aagaw-antok si Nikita nang nakaramdam siya ng pagkaliyo. Parang umaalog ang silid niya. May kakaibang nangyayari sa paligid niya.
Napadilat siya.
Isa-isang humagis ang bag sa tokador. Parang likidong ahas na umagos ang dugo mula sa isang bag.
Kumalat din ang mga balahibo ng tupa.
Tumapon ang balat ng buwaya, ng paniki at ng kung anu-ano pang exotic animals.

Ang bag na yari sa balat ni Cedes ay umaalingawngaw ang amoy. Amoy-patay!
Lalong ng hilakbot si Nikita ng makita niyang nagkakahugis ang anyo ng bag, naging anyo ni Cedes na humihingi ng katarungan at sinisingil siya sa ginawang krimen.

Kasunod noon ay nakita niyang nakahugis hayop ang iba pang bag, mula sa sawa, buwaya, at iba pang mababangis na hayop sa gubat.

Anumang oras ay lalapain siya.
Nagsisigaw si Nikita sa sindak!
Habang papalapit ang nagkabuhay na mga bagay ay nakita niya sa anyo ng mga ito na para bang handa rin siyang talupan nang buhay.
Ang mga sumunod napangyayari ay kagimbal-gimbal.
Hindi na halos makilala ang hitsura ni Nikita sa pagkakalapa sa kanya.
Noon naman ay parating na sa bahay ni Nikita si Wilmor. Bigo ang lalaki dahil hindi siya nakakita ng halimaw para sa kinababaliwang babae. Makakita lang siya ng halimaw ay hindin siya mangingiming patayin ito.

"Nikita!" tawag ng lalaki.

Pagbukas niya ng bahay ng babae ay nasindak siya sa malahalimaw
na anyo ni nakita niya.

Nagtatakbo si Wilmor, naghanap ng matalim na maipantataga sa halimaw. Isang nakadispley na nakita niya sa sala. Kinuha niya iyon. Hinawakang mahigpit. Hindi na pala niya kailangang lumayo. Narito lang ang halimaw sa bahay ni Nikita.

Inundayan niya ng saksak ang halimaw na hindi niya nakilalang si Nikita.

Napangisi pa siya nang mapatay niya ang halimaw.

"Tiyak matutuwa nito si Nikita," sabi niyang nakangisi habang pinagmamasdan ang halimaw.