Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐BATANG MULTO

Excited na pumasok sa loob ng cottage si Imelda. Subalit agad din siyang nakadama ng paninindig ng balahibo. Nanlalaki ang mga matang iginala niya ang paningin doon. Nabitiwan nya ang bitbit na bag nang may makita siyang batang nakaupo. Sa isang sulok doon, na malapit sa isang double bed ng silid. Nakasubsob ang mukha nito sa magkasalikop a mga brasong nakapatong sa nakaarkong mga tuhod.
Pagkatapos niyang lumunok ng humugot siya ng malalim na hininga sa dibdib. Pagkuway tumikhim at nagsalita. Inalam niya kung sino ito at bakit naroon. Hindi tuminag ang estrangherong bata subalit nagsimula itong umiyak.
Nangunot ang kanyang noo at napalabi. Naitanong niya sa sarili kung ano ang problema nito. Muli niyang sinubukang tawagin ang atensiyon nito. Mas nilakasan pa niya ang kanyang boses. Tumigil ito sa pag-iyak at dahan-dahang nag-angat ng mukha. Napaigtad siya. Nakapangingilabot kasi ang hitsura nito habang nakatitig sa kanya. Maputi ang mukha nitong tila ibinabad sa suka, maputla ang labi na war'y nakukutok-mutok na, mapupula ang mga mata nito at nangingitim ang paligid niyon. Mistulang buhay na bangkay ang bata!
"May God! bulalas niyang dali-daling lumabas sa cottage. At napatili siya nang mabunggo sa katawan ni Jomar na hindi niya napansing kasalubong niya sa pintuan. "Ano ba?"
"Namutla sa takot," humahalakhak na sabi ng bunsong kapatid na 12 anyos na. Itinuro pa siya nito. "Para kang nakakita ng multo, Ate. Ang tapang mong mauna sa pagpunta rito tapos matatakot ka lang pala."
Ginulat mo kasi ako," aniyang sinapo ang dibdib. Pagkuwa'y napapalunok na nilingon muli ang sulok na kinaroroonan ng bata kanina. Parang ibig sumabog ang kanyang ulo nang mabatid na wala na ito roon ngayon.
"Bakit ba?" usia ni Jomar na tuluyan ng pumasok sa loob ng cottage. "Ano bang meron sa loob nitong cottage, ha?"
Napalunok siya. nagdalawang-isip siya kung sasabihin dito ang totoo. Naisip kasi niyang baka namalikmata lamang siya o napaglaruan lamang ng paningin. Minabuti na lang niyang iwan ito upang puntahan ang isa pang kapatid na babaing sumunod sa kanya at ang mga magulang nila, na naiwan niya kanina sa information ng resort na iyon.
Binura niya sa halip ang tungkol sa bata!

Napatigil si Imelda sa pakikipagharutan sa nakababatang kapatid na si Megan habang nasa dalampasigan. Hindi kasi sinasadyang napatingin siya sa kanilang cottage at nakita na naman niya ang batang lalaki a nakatayo sa maliit na balkonahe niyon. Tuwid na tuwid ito habang nakatingin sa kanila na bakas sa mukha ang matinding kalungkutan.
Ginapangan siya g kilabot! Saka napalunok na binawi ang paningin dito at ipinukol sa mga magulang na kasalukuyang magkatabing nakaupo sa tabing-dagat habang nakatuon ang buong atensiyon kay Jomar na libang na libang sa paliligo.
Nagtataka siyang tinanong ng 16 years old na kapatid nang mapansing natigilan siya. Bahagya pa siya nitong tinapik sa braso. Tumingin siya rito. Pagkuwa'y idinako ulit ang mga mata sa cottage. Dahil nakita pa rin niyang naroon ang bata ay napahawak siya sa braso nito.
Nagreklamo naman itong binawi agad ang braso mula sa kanyang pagkakahawak dahil napakalamig daw ng kanyang kamay. Umurong ito papalayo sa kanya sa kunot na kunot ang noo. Hinagod pa siya ng tingin at sinabing bakit parang takot na takot siya.
Napalunok siya at sinabing may bata sa kanilang cottage habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig doon. Nasaksihan niya ang pagtalikod ng esrtanghero at dahan-dahang pumasok sa pintuan niyon. "Megan, nakita mo ba siya?"
Dahil wala namang nakikita ay kunot-noo itong umiling. "Wala naman akong nakikitang bata, Ate? Bakit ba parang takot na takot ka?"
"Multo ang batang 'yon..."
"Multo?" Napahawak ito. "Ate, tumigil ka nga. Huwag mong takutin ang sarili mo. Tara na! Habulin mo na ako."
Tumakbo ito ngunit hindi niya hinabol. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa cottage. Kaya bahagya siyang napaigtad nang makitang sumilip sa bintana ang batang nasa loob niyon, na batid na niya ngayong siya lamang ang nakakakita kaya kumpirmado na niya sa sarili na isa nga itong multo.
Hindi siya matahimik dahil doon kaya lakas-loob siyang nag-usisa sa isang matandang empleyado ng resort na nasa information table. Hindi siya nabigong makakuha ng impormasyon tungkol sa batang lalaki, na nakumpirma niyang isa nga palang multo.
"isa nga siyang multo, Ineng," seryosong sabi ng matanda. "Pero mabait siya at bahagi na siya ng resort na ito. Hinayaan na lamang namin siya dahil hindi naman siya nananakit sa mga customer na nakakakita sa kanya sa cottage na 'yan. Siya kasi ang batang inabot ng kamatayan d'yan nang dalhin dito ng kanyang mga magulang. Mga tatlong taon na rin ang nakaraan mula noon. Hiniling kasi nito sa Daddy at Mommy niya na ilaan ang natitirang buhay kapiling ang kalikasang kailanman ay hindi na raw nito matatanaw kapag nawala na sa mundo..."
Nang lingunin niya ang cottage ay nakita ulit niya ang bata na habang nakaupo sa baitang ng hagdan ay nakatanaw sa karagatan. Tuluyan nang napawi ang takot niya at nahalinhinan iyon ng matinding awa para rito.
Alam niyang hindi pa nito matanggap ang maagang kamatayan hanggang ngayon!

Wakas