Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐DEAD ZONE

NAALARMA si Delo nang matanggap ang mensahe ng labing-anim na taong si Leo. "Matindi ang pakiusap ni Leo na puntahan mo siya, dok! Baka raw kasi hindi muna abutang buhay ang nanay niya!" ang wika ng kababayang pinakiusapan ng binatilyo para puntahan siya sa ospital na pinaglilingkuran sa Maynila.
"Bakit ho? Ano'ng nangyari?" usisa niya, alarmado rin.
"Eh, mabuti pa ay kayo na ang umalam, dok. Ayokong makialam."
Kumunot ang noo ni Delo. Sa tinig at anyo ng kausap ay may takot na nakarehistro. Lalong binalot ng pagtataka si Delo.
Ang lalaki ay kababayan ng mga tiya niya sa Cotabato. Dahil malayo ito sa Maynila ay nakakabalita lang siya tungkol sa kanila kapag nagparating ang mga ito ng mensahe tulad noon.
Matapos itsek kung may mga pasyente siyang nangangailangan ng immediate attention at matiyak na maaari siyang magbakasyon ng ilang araw, nagpasya si Delo na magpa-book na agad ng tiket sa Philippine Airlines patungong Cotabato.
Nang araw na iyon, makaraan ang dalawang oras ng paglipad sa ere ng PAL flight mula sa Centennial Terminal 2 Airport. Ay lumapag sila sa Awang Airport ng Cotabato.
Kung maaari nga lang liparin din niya ang kinaroroonang ng bahay ng mga tiyahin mula sa paliparan ay ginawa na sana ni Delo. Nasa tarangkahan pa lang ng bahay ng tiyuhin si Delo ay dinig na dinig na niya ang malakas na hagupit ng latigo na sinasabayan ng malakas ring hilakbot na hiyaw.
"Kuya Delo, salamat at dumating ka!" hangos na salubong ng pinsang si Leo nang makita siya. "Dalian mo at baka mapatay na nila ang inay!" Paiyak na si Leo na tila nakahingang maluwag nang makakita ng kakampi.
"Tigilan mo 'yan!" galit na saway ng binatang doktor nang makapasok na siya ng kabahayan. "Papatayin n'yo ba ang tiya?!"
Nagulat ang albularyo na humahagupit kay Teresa. Napako sa ere ang kamay nitong may hawak na buntot ng pawikan.
"Delo!" ang gulat na wika ni Felix nang makita ang dumating.
Napatingin naman kay Felix ang albularyo. Nasa pormal na titig nito ang pagtatanong kung ano ang pasya ng lalaki.
"Delo, huwag mong antalahin ang panggagamot ni Indo sa tiyang mo!" bulyaw ng matandang lalaki sa binatang doktor.
"Hindi mo ba nakikita at kinukulam ang tiya mo?"
"Hindi na-possess o nakulam ang tiyang! Kaya siya nagkaganyan ay dahil sa sakit na filariasis!" kontra ni Delo sa tiyuhin. "Kung makikinig lang kayo sa akin ay ipapaliwanag ko itong mabuti, Tiyo Felix! Patutunayan ko sa inyong hindi kinukulam ang Tiya Teresa!" Nagdadabog na inimis ng albularyo ang mga gamit nito sa panggagamot.
"Isisi mo rito sa pakialamero mong pamangkin kung may masamang mangyari sa asawa mo! Dahil tiyak kong lalong babagsik ang ispiritung pumasok kay Teresa!" galit na wika ng albularyo bago umalis. Tinitigan pa nito ng masama si Delo.
Agad binigyan ni Delo ng first aid ang mga sugat na likha ng hagupit sa buong katawan ni Teresa. Awang-awa ang binata sa tiya.
Umiiyak na lamang ang babae at hindi na makapagsalita sa sakit na nadarama. Malalaki at namamaga na ang mga binti nito. Hindi na rin normal ang laki ng mga dibdib ng babae.
Ilan lang ito sa mga physical manifestation ng taong may sakit na filariasis.
Labag man sa loob ng tiyuhing si Felix, isunugod ng binata ang tiya sa ospital sa bayan. "Pagkatapos ng ilang blood tests, kumpirmadong Lymphatic filariasis ang sakit ng tiyang," malungkot na pahayag ni Delo kina Felix at Leo.
Wala lang imik ang tiyuhin.
"Ang filariasis o tinatawag ding elephantiasis ay isang sakit na sanhi ng parang sinulid sa liit na mga bulating tinatawag na filariae. Naililipat po ito sa ibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na impektado ng filariae. At malaki ang posibilidad na hindi kulam ang ikinamatay ni Luis kundi filariasis! Papatunayan ko ho 'yan sa inyo kung papayag kayong ipahukay natin ang labi ni Luis para maipa-autopsy."
Napatiim-bagang lang si Felix sabay iling.
"Sabi ho ni Leo, naikuwento raw noon ng Kuya Luis niya na minsan ay dumaong sa bansang India ang sinsakyan nilang barko... tiyak akong doon niya nakuha ang naturang sakit. At dahil sa iisang bahay lang kayo, nahawaan nito ang tiyang sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Kaya ng dapat inumin n'yo rin ang mga gamot na ipinamimigay ng health center laban sa sakit na filariasis." Tiningnan ng binata ang lalaki na malayo ang tingin. "Nakikinig ho ba kayo sa akin, tiyong?"
Isang matalim lang na sulyap kay Delo ang isinagot ni Felix bago ito umalis ng ospital. Nasundan na lang ng tingin ng doktor ang tiyuhin. Pagkuwan ay binalikan nito si Teresa at ang nagbabantay ditong si Leo.
"Bakit inantay mo pa munang mamatay si Luis at lumubo rin ang katawan ng inay mo bago mo ako kinontak sa Maynila?" may himig paninisi ang tono ni Delo sa labing anim na taong si Leo.
"Ayaw po ng itay," mapait na wika ng binatilyo. "Katunayan ay sinira po niya ang cellphone pati na'ng SIM card ko na may cellphone number mo."
"Bakit daw?" Usisa niya bagamat halos alam na rin niya ang Isa sagot ng pinsan.
"Ang buong paniniwala ng itay ay kinulam ang kuya ng babaing inagrabyado niya sa India! Patunay daw ang paglaki ng genital organ ni kuya. Kaya ipinagamot niya ang inay sa panibagong albularyo at nang mapigilan daw ang pagkalat ng kulam sa pamilya namin! Mabuti lang at may tagarito na pumuntang Maynila kaya nakisuyo ako na kontakin ka sa ospital." Napailing ang binata. Lubhang napakalayo ng Cotabato sa Maynila. Mahirap nga para sa probinsiyanong tulad ng pinsan ang makikipagsapalaran doon upang kontakin siya.
Half brother ng ina ni Delo ang kanyang Tiyo Felix, na anak sa labas ng kanyang yumaong lolo. Mataas ang pride ni Felix. Ayaw tumanggap ng anumang tulong mula sa nag-iisang kapatid. Tinanggihan nga nito ang alok ng kanyang mommy na doon na sila tumirang mag-anak sa Maynila para papag-aralin din sa sikat na unibersidad sina Luis at Leo. Naging kuntento na ito sa pagsasaka sa kakarampot na lupang pagmamay-ari nito.
Samantala ay naalarma ang buong bayan sa rebelasyon ng sakit ni Teresa. Muling hinikayat ng mga Barangay Captain ang kanilang mga nasasakupan na inumin ang mga gamot na libreng ipinamudmod mula sa health center para panlaban sa sakit na filariasis. "Napakaselan ng lagay nh inay mo, Leo. Dadalhin ko siya sa Maynila," ang sabi ni Delo sa pinsan.
"Sasama na ho ako sa inyo, Kuya Delo. Natatakot na ako sa itay. Madalas siyang walang imik."
"Sige... umpisahan mo na'ng pag-empake at bukas na bukas din ay luluwas tayo ng Maynila."
Tumunog ang CP ni Delo.
Cellphone number iyon ng special nurse na kinuha niyang mag-aasikaso sa tiya. Napalakas ang boses ni Delo nang marinig ang balita ng nurse mula sa kabilang linya. "A-ano?! Nawawala ang pasyente?" ang kunot-noo, nagtatakang anyo ni Delo. "Paanong nangyari?"
Noon din ay sumagsag sa ospital sina Delo at Leo. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa kapabayaan ng nurse at ng mismong ospital para mawala o makaalis ng gayon na lang ang isang pasyente.
Agad niyang tinanong ang nurse nang makarating sila sa pagamutan.
"Kumuha lang ho ako saglit ng gamot sa nurse station... pagbalik ko, wala na ho ang pasyente, doktor!" parang maiiyak ang nurse habang nagpapaliwanag kay Delo.
Ang guard sa main entrance ang pinagtanungan nila.
"Nakasakay sa wheelchair si Aling Teresa... si Mang Felix naman ang nagtutulak. Ang sabi ho... mamamasyal lang sila sa lobby. Nagtaka ng ho ako't ang tagal nilang bumalik..."
Nagkatinginan sina Delo at Leo. May naglalarong hinala sa kanilang isip pero ibig pa rin nilang makatiyak.
Dali-daling umuwi ang magpinsan. Ngunit wala rin doon ang matatanda. Napagtanungan na nila halos ang lahat ng mga kaibigan at ilang malalayong kamag-anakan ngunit wala rin doon sina Felix at Teresa.
"Tiyak mo bang sa bahay ng albularyo dinala ng itay mo ang iyong inyo?" usisa ni Delo kay Leo.
"Tiyak 'yan, Kuya Delo. Si Tandang Indo lang ang inaasahan ng itay na makapagpapagaling kay inyo!"
"Paano nga pala kung ayaw ibalik ng itay sa ospital inay?" ang hintakot na sabi ng binatilyo.
"Palagay ang loob ko na madadala natin sa pakiusap ang itay mo. Nagawa lang siguro niya ito dahil sa sobrang pagmamahal sa tiyang," maliwanag ng binata.
Isang traysikel ang kinontrata ng magpinsan para ihatid sila sa lugar na tinitirhan ng albularyo. "Hanggang dito na lang ho tayo," anang drayber ng traysikel na sinasakyan nila. "Hindi kasya ang traysikel papasok dyan." Inihinto ng drayber ang traysikel sa bukana ng masukal na gubat na nagsisilbing boundary ng dalawang bayan.
Iniabot ni Delo ang bayad sa lalaki. Pagbabang-pagbaba nila ay agad na pinaharurot ng drayber ang traysikel pabalik ng kabayanan.
"Tila sinisilaban ang puwit nu'n a!" inis na Luna ni Delo sabay takip ng ilong dahil sa umaalimbukay na alikabok.
"Kinatatakutan kasi ng lahat ang lugar na Ito, kuya," kabado ang tinig ni Leo.
Hinagod nila ng tingin ang matataas at naglalakihang mga puno sa harapan nila.
"Kesyo sa loob nito nakatira ang mga maligno, aswang o ano pang nakakatakot na nilalang na likha lamang ng kuwentista," pahinamad na hula ng binata.
"Sabi ng lolo ng inay, totoong raw ang mga iyon! Kaya nga bata pa lang kami ay ipinagbawal na sa amin ang dumayo sa lugar na ito," kuwento ni Leo.
"Kung totoo 'yan, bakit diyan pa piniling manirahan ni Tandang Indo?"
"Takot daw sa kanya ang mga kampon ng kadiliman. Napapagaling nga niya ang lahat ng nagpapagamot sa kanya."
Humakbang na sila at pumasok sa daang pandalawahang tao lamang. Sa loob ay puro nagtatayaugang mga puno. Nakatunton pa ang mga baging sa mga sanga nito. Parang mga haunted trees kung tingnan.
"Malayo ba mula rito ang kubo ni Tandang Indo?"
"E-ewan ko ho, kuya. Ngayon din lang ako nakapasok dito," malikot ang mga matang sabi ni Leo.
Nagtataka si Delo. Kanina pa sila naglalakad ngunit ni isang ibon ay wala siyang nakita. Kahit man lang huni ng kahit anong hayop o insekto ay wala siyang narinig.
"Hmnn... para tayong nasa dead zone, a!" pagbibiro niya.
Sumang-ayon si Leo sa puna ni Delo. "Dead zone nga sigurong maituturing ang lugar na ito! Puro lang puno ang nakakita ko e! Ni bulaklak o anumang bunga ng punongkahoy ay wala! Sana kasi nagsama na lang tayo ng mga pulis, kuya!" Ang manipestasyo ng takot ay nasa itsura ng tinedyer.
Bahagyang iwinaksi ni Delo ang nanlalamig na kamay ng pinsang kumakapit sa bisig niya.
"Delikado pag may mga pulis. Baka desperadong-desperado na'ng tiyong at maisipang lumaban na lang pag pinilit siyang ibalik ang inyo mo sa ospital!"
"Kuya, huwag mo masyadong lakasan ang boses at baka magambala natin ang mga natutulog na ispiritu dito," paanas na saway ni Leo.
Napatigil sila sa paglalakad nang maramdamang tila may sumusunod sa likuran nila. Nang lingunin nila ay wala namang tao. Sabay din silang napalingon sa kanilang harapan nang may narinig silang naghahagikhikan. Ngunit wala rin silang nakita.
"M-mi-minamaligno na yata tao, kuya!" napayakap na si Leo sa braso ng pinsan.
"Ang bata-bata mo pa kasi'y mahilig ka nang uminom ng kape!" inis na si Delo. Muli niyang iwinaksi ang kamay ng pinsan. "Bilisan natin at baka abutin pa tayo ng gabi rito!"
Pero may kakaiba nang napapansin si Delo...
Kanina pa sila naglalakad ngunit tila walang katapusan ang maliit na daang iyon. "Parang nadaanan na natin 'to kanina!" napakamot ng sa ulo si Leo.
"Napapansin ko nga! Parang umiikot ang tao." Kabadong him into sa paglalakad si Delo at minasdan ang paligid. "Teka... umiba kaya tayo ng daan!"
Sa damuhan na sila dumaan.
Ilang sandali lang at may natatanaw silang kubo na halos nakatago sa malalaki at dikit-dikit na punongkahoy.
Malapit na sila sa kubo nang bigla silang mapahinto nang makarinig ng ingay.
"May nag-aaway yata sa loob ni yan!" pabulong na sabi ni Delo.
"Hindi nag-aaway... parang nagdarasal. Baka nagdadasal sina Tatang Indo para sa ingay."
Pagkasabi'y nauna na si Leo. Hindi agad ito pumasok. Sumilip muna ito sa siwang ng pawid na dingding.
Dire-diretso na sanang papasok sa kuno si Delo nang bigla siyang pigilan ng pinsan. Sinenyasan siya nitong sumilip din sa siwang.
Kinilabutan ang binata nang makitang bungo ng tao ang kinatitirikan ng malaking itim na kandila. Napaikutan ito ng mga babae at mga lalaking nakadipa habang nakaluhod at nagdadasal nang malakas.
Isa sa kanila si Tatang Indo!
Hindi na nakapagtanong pa si Delo. Bigla siyang hinila ni Leo palayo ng kubo.
"Teka nina...!" huminto sa pagtakbo ang binata at pinigilan ang pinsan. "Ba't ba ganoon sila kung magdasal?"
"Hindi sila nagdaasal, Kuya! Nagsasagawa sila ng isang ritual!" habol ang hiningang sagot ni Leo.
"Ritwal?" "Itim na ritwal! Nagsasaboy sila ng mga sakit sa pamamagitan ng hangin!" Natampal ni Delo ang noo. "Ow, c'mon, Leo... anong kalokohan na naman 'yan! Nagpapagaling ng sakit si Tandang Indo at hindi lumilikha ng sakit, hindi ba?" "Marami kang hindi alam dahil laking-Maynila ka!" sambit ni Leo. Muling hinila ni Leo ang pinsang doktor. "Saka ko na ipaliwanag, kuya! Kailangan nating makalabas dito!"
Napilitang sumunod na lamang si Delo sa tumatakbong pinsan. Pinahapyawan niya ng tingin ang kanyang relong pambisig. Alas kuwatro pa lang ng hapon ngunit parang takipsilim na. Hindi kasi makagos ang liwanag ng araw sa makakapal at malalagong dahon ng mga puno.
"Leo!" tawag niya sa pinsan nang makitang nadapa ito.
"Kuya, dapa!" sigaw ni Leo sabay sabay hila sa kamay niya nang matapat siya rito. Ngunit huli na!
Nahagip ng matutulis na kuko ng malaking ibon ang likod niya. Napasubsob siya at gumulung-gulong sa damuhan. Napasigaw si Delo sa sobrang sakit na nadarama.
Pagapang na dinaluhan siya ni Leo.
"A-ano 'yun?!" sigaw niyang tanong.
Pilit niyang inaabot ang sugatang likod.
Nabaghan siya nang makapang wasak ang likuran ng suot niyang polo shirt.
"Malaking ibon! Gusto tayong dagitin! Inutusan siguro nila iyon upang patayin tao!" sambit ni Leo.
Nagtangka siyang bumangon.
Pinigilan siya ni Leo. "Ayaw nilang makalabas tayo rito ng buhay, kuya!"
Hindi mawawaan ni Delo ang mga pinagsasabi ng pinsan sa hapding nararamdaman. Natutusok kasi ng mga damo ang mga sugat niya sa likod.
"K-kuya, kailangan nating humingi ng tulong! Ang cellphone mo...!"
Laking pasalamat ng binata nang makapa ang CP sa bulsa ng kanyang maong pants. Inilabas niya ito at binuksan.
"W-walang signal! Nasa dead zone nga tayo!"
"P-paano na tayo ngayon? Tiyak na sinusundan na nila tayo ngayon!" nangingig sa takot ang boses ni Leo.
Parang ibig na ring kabahan ni Delo.
"Kaya pala hindi takot manirahan dito ni Tandang Indo... kaanib pala siya sa grupong naghahasik ng iba't ibang sakit!" umaalon ang dibdib ni Leo sa nararamdamang takot. "Sabi noon ng lolo, ginagawa raw iyon ng grupo nang marami silang mabiktima. Kung hindi man tuluyang mamatay ang mga may sakit, magkakapera naman sila sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga ito matapos nilang pagalingin sa sakit na sila rin ang pinagmulan!"
Para sa binata, walang basehan ang mga haka-haka ng pinsan. Iwinaksi niya ang kanina pang nadaramang takot. Bumangon siya at paika-ikang lumakad.
"Hindi tao makakalabas dito kung hindi tao kikilos!" sabi niya.
"Kuya...!" sigaw ni Leo sabay bangon at dinaluhan ang natumbang pinsan.
Unti-unting pinanlamigan ng katawan si Delo. Nanghihina siya at pinagpapawisan ng malapot.Dama niyang umiikot ang kanyang kapaligiran.
Hindi na nakapagsalita si Leo sa takot nang mabanaagang may mga taong dumarating. Pero nakahinga siya nang maluwag nang makita ang amang si Felix ang dumarating kasama ang ilang traysikel drayber.
Nag-alala daw ang drayber ng traysikel na kinontrata nang magpinsan nang malamang pupunta ang mga ito sa kubo ni Tandang Indo.
"Tiyong..." nasambit ni Delo nang lapitan siya ni Felix at tiyaking nasa maayos siyang kondisyon.
"Binalak ko ngang dalhin ang tiyang mo kay Indo. Ngunit nagbago ang isip ko nang makiusap si Teresa na sa iyo na siya magpapagamot. Muli ko siyang ibinalik sa osoital. Nagkasalisihan lang siguro tayo kanina," paliwanag ni Felix.
Wala ni isa mang nagkomento sa mga ipinahayag ni Leo tungkol sa nasaksihan nila at naranasan sa loob ng gubat.
Maging si Delo ay pinid ang labi tungkol sa nangyari. Tiyak kasing pagtatawanan lang siya ng mga kapwa doktor niya.
Sumama na rin sa mag-ina niya si Felix nang bumalik sa Maynila si Delo.
Ang ipinagtataka lang ng binata, maging ang mga kaibigang veterinarian ay hindi kayang kilalanin kung anong uri ng ibon ang muntik nang dumagit sa kanya.

Wakas