Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


DON'T TOUCH ME

KANINA pa tawa nang tawa si Aris sa panonood niya sa TV. Inis namang iniwanan ni Hazel ang niluluto at pinuntahan sa sala ang anak.
"Sa halip na ang itinutunganga mo riyan ay itinutulong mo sa mga gawaing bahay, e di may pakinabang ka! Makapagpapahinga sana ako agad pagdating ko mula sa ospital!"
Inis na itinigil ng binata ang panonood. "Lagi naman ho akong walang pakinabang, eh!" pagdadabog nito.
"Talaga! Dalawang taon ka nang gumradweyt pero hanggang ngayo'y wala ka pa ring trabaho! Paano, puro pasang-awa ang mga grades mo no'ng nag-aaral ka pa! Kaya kita pinangalanang Aristotle, I am hoping na makuha mo'ng katalinuhan ng idolo kong philosopher!" "Walang-wala ka talaga sa bunso mong kapatid na si Einstein! Honor students magmula pre-school hanggang high school! At ngayo'y university scholar pa!" Inunahan na sa isip ng binata ang karugtong ng saulado na niyang litanya ng ina.
Na hindi na naidugtong ng ginang dahil dumating ang tila balisang si Einstein... Nagmano lang sa ina ang binatilyo at nagmamadaling pumasok ng silid.
"A-aba, ano'ng nagyari't 5:30 pa lang ay nakauwi na ang kapatid mo?"
"Tiyak...sira ang internet connection sa bahay ng classmate niya!" nakangusong sagot ng binata. "Mabuti nga nang hindi ako mapagod sa kaaabang para pagbuksan aiya ng pintuan!" "Tumigil ka nga, Aristotle! Nagre-research ng mga assignments ang kapatid mo kaya ginagabi! Samantalang ikaw, pag ginabi, tiyak nasa inuman kasama ng barkada! Hanggang ngayon ay nakasangla pa rin ang SSS pension ng yumao n'yong tatay dahil sa pagpapaaral sa'yo noon! Kung nakapagtrabaho ka sana, de kaya na nating magbayad ng monthly fee for internet connection! Hindi na gagabihin sa ibang bahay ang kawawa mong kapatid!"
"Amen!" makinang dugtong ng binata na tumingin pa sa kisame.
Nagtatakang sinundan ni Hazel sa kuwarto ang bunso. Nakitaan niya ito kanina ng takot. "I-Inay...n-nasunog ho ang university lab! Kasamang natupok si Prof. Laroza!" Umiiyak si Einstein. Dama ng babae ang panginginig ng katawan nito nang yumakap sa kanya.
Hindi na nagtaka si Hazel kung traumatic ang kamatayang ng guro para kay Einstein. Malapit ang loob ng binatilyo sa professor dahil siya raw ang paboritong estudyante nito sa First year BS Bio. Ang pagkakaalam niya, naging isa sa sampung pinarangalang outstanding inventors noon si Pro. Laroza dahil sa naiambag nito sa larangan ng medisina.
Freelance chemist at part-time chemistry teacher ang lalake sa dalawang sikat na unibersidad sa Maynila.
NAGING kontrobersiyal ang pangyayaring iyon base na rin sa deklarasyon ng mga kaklase ni Einstein. Habang nagle-lecture daw sa kanila nang hapong iyon ang professor, may natanggap itong tawag sa cellphone. Pagkatapos nu'n, nahing balisa na raw ito kaya agad silang dinismis. Nauna raw si lang lumabas sa lab dahil nagliligpit pa ng gamit sa briefcase ang guro. Hindi pa raw sila nakalayo nang sumabog ang laboratoryo.
Sinadyang pasabugin ang lab. Iyon ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis. Wala pang linaw kung sino ang suspect. Wala naman kasing nalamang kaaway ang pamilya ng butihing professor.
Simula noon, hindi na ginagabi si Einstein sa bahay ng classmate niya. Napapansin din ni Hazel na nagiging matatakutin ang binatilyo. Dati-rati, sa kuwarto nilang magkakapatid ito pag-aaral. Ngayon, natiis nang mag-aral sa sala inspire sa ingay ni Aris habang nanonood ng TV.
Tapos man o hindi sa pag-aaral, kapag pumasok na ng kwarto si Aris ay suaunod na rin ito.
NASAGOT lang ang katanungang iyon ni Hazel nang isang gabi'y ginising siya ng takot na takot na si Einstein.
"May mga tao hong kanina pang aali-aligid sa labas ng bahay natin, inay," paanas na wika ng binatilyo.
Dahan-dahan nitong binuksan ang bintamang jalousie ng silid niya. Sumilip ai Hazel. Wala naman siyang nakikita sa labas. Nilakihan na ng binatilyo ang awang ng bintana at sumilip na rin.
"P-paanong...diyan lang ho sila kanina nakatayo malapit sa main door natin nang tumakbo ako rito sa silid n'yo, ingay!"
"Anak, baka nananaginip ka lang...?"
"H-hindi ho! Nakita ko talaga sila nang malapitan kanina ng hali-haliling sumilip sa bintana ng silid namin ni Kuya Aris. Nakatalukbong nga ako ng kumot ngunit nakalabas naman ang isa kong mata. Distorted ho ang mga mukha nila, inay! Nakakatakot!"
Nanayuan ang mga balahibong napatingin si Hazel kay Einstein. Malambing niyang hinaplos ang pawisang mukha ng bunso.
"Marahil epekto lang 'yan ng pagkamatay ng paborito mong professor, anak."
Ngunit nang sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang nangyari kay Einstein.
"Talaga hong mga distorted ang mga mukha nila, inay!" Sindak na sindak ang binatilyo. "Magsabi ka nga ng totoo...may sinabi ba sa iyo si Prof. Laroza bago namatay?" tahanan na niyang tanong sa anak.
Napatango ang binatilyo. Napilitan iyong umamin.
Noong hapon pagkatapos ng tawag sa CP, palihim daw na ibinigay sa kanya ng professor ang isang diary na nakasilid sa maliit na plastic bag. Sikapin daw niyang maibibigay iyon sa asawa nitong nasa probinsiya. Mahalagang discovery raw nito ang nilalaman nu'n. Magtatanong pa raw sana siya kung anong discovery iyon pero agad silang dinismis nito. Kinuha ng binatilyo sa silid nila ang diary at ibinigay sa ina. Nagtaka ang ginang nang makitang walang sulat ang mga pahina maliban sa iilang pets a sa upper right corner.
"Baka sa pagmamadali ay iba ang naibigay niya sa'yo, anak?"
"Ewan ko ho, inay. Baka nga..."
"Teka...dahil nagkamali naman siya ng bigay , manahimik ka na lang. Huwag mo nang sabihin kahit kanino na may gusto sana siyang ibig ay sa'yo nang hindi ka madadamay sa full! Naiintindihan mo, Einstein?"
O-opo, inay!"
Kinuha ng ginang ang diary at itinapon sa waste basket sa loob ng kwarto niya.
AKALA ni Hazel, ganoong lang kadaling makalalabas sa kaso ng professor ang bunsong anak. Nadatnan niya isang hapon pag-uwi ay nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng bahay nila.
Dinatnan niya roon si Aristotle na tulad niya ay halatang gulat at nag-aalala dahil sa pangyayari.
"Kararating ko lang din, inay!" maagap na pliwanag ng nagugulumihang si Aris. "Palagay ko'y hindi magnanakaw ang pumasok dahil wala namang valuables na tinangay!" Sagsag sa kwarto niya si Hazel. Pati ang waste basket niya ay hinalungkat din. Hinanap niya ang itinapong diary noong isang araw. Wala na ito roon.
Naalaala niya si Einstein. Takbo siya sa kwarto ng anak. Parang dinaanan din ito ng buhawi. Nakita niyang nagkalat sa sahib ang backpack ng bunso pati ang ibang gamit nito.
"I-Inay, nakauwi na ng bahay si Einstein...at marahil, pinasok siya ng masasamang taong iyon!" Naisatinig ni Aris ang nasa isipan ng babae.
Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya sa cellphone ang binatilyo. Iba ang sumagot sa CP nito.
"Nasa amin si Einstein! Ibabalik namin siya kapalit ng mga pahinang pinunit mo mula sa diary no Prof. Laroza!"
"A-anong...? Wala akong pinunit soon. Teka...nasa'n ang anak ko! Ano'ng ginawa n'yo sa kanya?" Histerikal na si Hazel.
"Makinig ka! Kung hindi mo maibibigay sa amin ang nawawalang pahina sa loob ng 24 houra, hindi mo na makikitang buhay ang anak mo!"
"S-si-sige...pero ipakausap n'yo muna sa akin si Einstein nang matiyak ko kung buhay pa siya!" Sinakyan na lamang ng ginang ang mga kidnaper.
"I-Inay..." naginginiga ang boses sa kabilang Libya. "O-okey lang ho ako!"
"A-anak, ikaw ba'ng kumuha ng mga nawawalang pahina ng diary?"
"Inay, don't touch me!"
"H-haa?"
"Hoy! Tama na 'yan!" sabad ng kidnaper sa kabilang linya.
"Don't touch me, inay!" pag-uulit pa ni Einstein bago naputol ang linya nito.
Tarantang-taranta si Hazel. Gulat na gulat naman si Aris nang mapag-alaman ang lahat. "Ipagbigay-alam natin ito sa mga pulis, ingay!"
"H-huwag! Papatayin nila ang kapatid mo!"
"Ba't sila interesado sa blanko 'kamong mga pahinang iyon? At sino ang kumuha nu'n?" "H-hindi ko alam, anak! Pero dalawang bears na sinabi kanina ni Einstein ang Don't touch me! May ideya ka ba kung bakit niya nasabi ang ganoon?"
"Wala ho! Maghalungkat na lang tayo sa mga gamit niya at baka masagot pa'ang katanungang iyan!" may inis sa tono ng binata. Kahit kelan kasi mahilig sa puzzle ang kapatid. Lahat ng mga gamit pati kaliit-liitang sulok ng kwarto ay hinalungkat na ng mag-ina. Ngunit hanggang sa mapagod sila ay hindi nila nakita ang nawawalang pahina.
"Naglihim kasi kayo sa akin! Sana'y hindi pa lumala ang lahat...!" panunumbat ni Aris.
Isang makahulugang tingin ang isinagot ni Hazel sa anak.
Napatungo ang binata. Ang tinging iyon ay sapat upang ipaalala sa kanya na kahit kailan ay hindi naman siya nakikialam sa problema nila. Katunayan, isa nga siya aa mga problema!
Inalipin kasi siya ng selos kay Einstein. Ito lang kasi lagi ang center of attraction sa parents nila. Kesyo matalino at hindi lakwatsero. Sa isang banda, may mali sin siya. Pwede naman niyang gawing challenge iyo para pagbutihin din ang pag-aaral. Pero sa halip, nagrebelde pa siya. Sinadyang pabayaan ang pag-aaral at nakipagbarkada sa mga may bisyo. Lagi nga niyang palihim na binabatukan si Einstein pag nainis siya sa mga parents nila. Don't touch me!
Iyon lagi ang sinasabi ni Einstein sa kanya pag mahinuhang babatukan niya ito.
At iyon din ang sinabi kanila ng kapatid sa ina!
Isang ideya ang biglang sumagi sa isip ng binata. Napatingin siya sa computer set na nasa sala nila. Wala silang internet connection kaya ginagabi lagi sa bahay ng classmate si Einstein. Pwedeng ginamit ng kapatid na password ang Don't touch me sa email account nito! Tinawagan ng binata ang classmate ni Einstein at hinigi roon ang email address ng kapatid. Nagtaka pa si Hazel nang magpaalam ang binata na sasaglit lang
sa pinakamalapit na internet café.
Napasipol si Aria nang mabuksan niya ang email account ng kapatid. Tama ang sapantaha niya. Bakit niya ang hinahanap na sagot sa draft messages. Naka-save lang doon ang isang message na may naka-attach na scanned picture ng mapang tiyak niyang si Einstein ang nagdrowing. Sketch map iyon ng loob ng kwarto ni lang magkakapatid. Ang mga squares ay nagsi-symbolize ng tiles na sahib. Sa ilalim ng kama ni Einstein nakalagay ang markang X na may label na Don't touch me.
Isinara niya ang email account ng kapatid. Pagkatapos magbayad sa counter ay nagmamadali na niyang nilisan ang naturang internet café. Patawid na siya ng kalsada nang mamataang nakasunod sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng sombrero at dark sunglasses. Nilakihan niya ang mga hakbang. May nakita siyang nakaabang na isa pang lalake sa duol ng sidewalk na binabaybay niya. Nakasuot din Ito ng sombrero at dar sunglasses. Kinabahan na siya at napahinto nang humarap ang naturang lalaki. Distorted ang ilong at ang bibig nito. Ang mga kamay na hindi natatakpan ng suit na sweater ay yayat na tila puno ng valid. Nang lingunin niya ang sumusunid sa kanya ay ganoon din ang hitsura nito.
Muli siyang tumawid sa kabilamg kalsada. Nang sapitin ang kabilang sidewalk ay walang lingon-likod na tumakbo na siya. Mabilis. Hindi niya alintana kung pinagtitinginan na siya ng mga taong nadadaanan niya pauwi ng kanilang bahay.
NATATAKPAN lang pala ng tile ang hukay na pinaglagyan ni Einstein ng isang kuwadradong plastic box. Sa loob ng box ay isang note na nakasulat ang katagang My savings for Inay's myoma operation next month. Sa ilalim nu'n ay magkahalo ang maraming 5 hundred and 2 hundred bills.
Napahagulgol si Hazel nang mahawakan ang note. Nakunsensya naman si Aris. Kaya siguro naisipang itago nang mabuti sa kanya ni Einstein ang savings nito na galing sa scholarship allowance dahil lagi niyang inuumit ang pera nang may pantustos siya sa kanyang bisyong sigarilyo at alak.
Saka lang napansin ni Aris ang mga papel sa ilalim na natakpan ng mga pera. Kinuha niya iyon at isa-isang siniyasat.
"Ito na'ng hinahanap natong nawawalang pahina ng diary, inay! Mga medicinal drug's formula ang nakasulat dito!"
"H-hindi 'yan, anak. Oo nga't me petsa sa upper right corner, pero bakit me nakasulat na diyan? At bakit light brown at hindi itim ang ginamit na panulat tulad ng sa petsa? Samantalang ang nawawalang pahina ay puro petsa lang at walang nilalaman!" pagkumpirma ni Hazel sa pagitan ng paghikbi.
"Alam ko na kung bakit blanko ito noon, inay!" naipitik pa ni Aris ang mga daliri. "Invisible ink ang ginamit ni Pro. Laroza para itago ang discovery niya! Marahil ang ink na ginamit ay galing sa katas ng lemon or grapes. Naalala ko no'ng isang gabi, nagisnan ko si Einstein na may pinaplantsang mga papel! Ito ang mga iyon! Kapag pinadaan sa apoy o pinaplantsa ay nauunang nagdi-discolor o nasusunog ang bahaging dinaanan ng katas na nagiging light brown!"
NAGIMBAL ang mag-ina nang mabasa ang buod ng discovery na isinulat ng yumaong professor. Tungkol iyon sa nga bagong gamot at good supplement na inilabas ng isang multinational manufacturer. Nakalagay doon na may mas ang epekto sa katawan ang matagalang pag-inom nito tulad ng pagkasira ng mga vital organs and gradual distortion of human organic structure.
"K-kaya pala parang distorted ang mga mukha ng mga humahabol sa alin kanila, inay!" Naalala ni Hazel ang mga distorted faces na nakita noon ni Einstein! Totoo pala iyon! Ang nakaka-shock sa lahat ng discovery ay isang klase ng vaccine na may dalawang epekto. Una, ang pansamantalang protection laban sa sakit at ang pangalawa'y ang pagpapa-iksi ng buhay ng tao!
Tumunog ang CP ni Hazel. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ito.
"May palagay kaming may alam ang panganay mong anak! Ngayon, kunin mo sa kanya ang hinihingi namin at ilagay mo sa basurahang nasa unang kanto mula riyan sa inyo! Walang pulis, okey?!"
"O-oo! Pero ipangako n'yong walang masamang mangyayari sa bunso ko!"
TUMUPAD sa usapan nila ang mga kidnaper. Buhay na nakabalik si Einstein.
Ang ipinagtataka lang ni Hazel ay kung bakit napasakamay ng media ang discovery ng yumaong professor. Laging ipina-flash sa TV ang mga pahinang ibinigay niya noon sa mga kidnaper. Dahil pirmado ng premyadong chemist, naging malakas iyon na ebidensiya laban sa mga salarin. Ipinatigil ang operasyon ng naturang multinational manufacturer at sinampahan pa ito ng mabihat na kaso. Billions ang damages na babayaran at matagal na pagkabilanggo ang magiging parusa sa kanila.
"Bago ko ho ibinigay sa inyo noon ang mga original na pahina ay ini-scan ko muna at nag-print din ako sa printer natin, inay. Pagkatapos, ipinadala ko, without sender's name, ang mga scanned pages sa isang kilalang TV station." nakangiting maliwanag ni Aris.
Mangiyak-ngiyak na niyakap ni Hazel ang panganay. "I'm also proud of you, son!
Maituturing kayo ni Einstein na mga unsung heroes! Inikigtas n'yo ang napakaraming tao mula sa mga ganid at demonyong manufacturer na iyon!"
Pinakawalan na ni Aris ang masaganang luhang noon pa niya sinisikil. Sa wakas, may nagawa siyang kapaki-pakinabang sa buhay niya!
Nag-usal siya ng piping pangako. Pangakong simula sa araw na iyon, ipagmamalaki na siya lagi ng ina at hinding-hindi na muli masasambit ni Einstein ang mga katagang Don't touch me!

Wakas