Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


Kaluluwang Ligaw

PATAPOS na ang dream house na ipinapagawa ng mag-asawang Nestor at Jinky sa nabili nilang lote sa Batangas.

"Mga dalawang linggo na lang, puwede na nating lipatan ‘yan," ani Nestor kay Jinky habang nakatingin sila sa ipinapagawang bahay.

Bumuntunghininga si Jinky. "Salamat naman. Sawang-sawa na akong mangupahan."

Inakbayan ni Nestor ang asawa. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi. "Kahit sampu ang maging anak natin, maluwag pa rin tayo sa bahay na‘yan."

"Pambihira ka. Sisirain mo'ng aking beauty," ani Jinky na may hagikhik sa dulo.

Unang gabi nila sa ipinagawang bahay. "Magsi-shower lang ako love," paalam ni Jinky sa nagkakapeng si Nestor.

"Sige. Tatapusin ko lang itong kape at maliligo rin ako. Sobrang init," sabi ni Nestor.

Pakanta-kanta ang babae habang nagsi-shower. Nang mapansin niyang nag-iiba ang kulay nang lumalabas na tubig. Pumupula. Papula nang papula hanggang sa maging dugo na. Malapot at malansang dugo.

Napatili nang malakas si Jinky. Mabilis na tumakbong palabas ng banyo. Nagkasalubong sila ni Nestor.

"Love, bakit?!" takang tanong ng lalaki. Yumakap nang mahigpit sa asawa ang tarantang si Jinky. "Dugo ang lumalabas sa dutsa! Dugo!"

"Love,huminahon ka!"

Sinamahan ni Nestor sa banyo ang asawa. "Ano bang dugo ang lumalabas sa dutsa? Hayan at tubig."

"P-pero kanina'y..."

"Bunga lang ‘yon ng pagod mo sa maghapong pag—aayos ng mga kagamitan natin." Hinapit ni Nestor ang asawa. "Halika na nga at makapagpahinga na tayo." Kinabukasan, maagang pumasok sa opisina si Nestor. Ipinagpatuloy naman ni Jinky ang pagpapaganda ng bahay.

Tanghali, matapos kumain ay nanood ng paboritong programa sa telebisyon ang babae. Inalapat nang husto ang likod sa sandalan ng sofa. Napagod na naman siya nang husto.

Napamulagat siya. Nag-iba ang palabas sa telebisyon. Naging panahon ng World War II. Ang eksena ay naglalakad ang isang sundalong hapon. Papalapit sa camera.

Napaangat sa pagkakasandal sa sofa si Jinky. Dire-diretsong lumabas sa screen ng telebisyon ang sundalong hapon at sinunggaban siya.

Pinunit nito ang damit niya. Gusto siyang pagsamantalahan nito.

Napasigaw ng malakas si Jinky, at noon siya nagising. Panaginip lang iyon. Naidlip siya sa panonood ng telebisyon. Kumonekta ang pagal na diwa niya sa segment ng isang noontime show kaya nanaginip siya nang ganoon. Special guests kasi ang mga comfort women sa palabas. Mga babaing pinagsamantalahan ng mga sundalong Hapon noon.

Gabi. Tulog na tulog na si Nestor. Si Jinky, kung bakit ayaw dalawin ng antok. Balisang-balisa. Mayamaya'y may narinig. siyang ingay sa labas ng silid. Parang may nagmamartsa.

Dali-daling niyugyog niya si Nestor. "Love! Gising! Gising!"

Pupungas-pungas ang lalaki. "Bakit?"

"M-may narinig ako sa labas! Parang nagmamartsa!"

"Ayan kana naman, e."

"Dinign a dinig ko, Love! Tingnan mo!"

Kamot-ulong bumangon si Nestor. Pinihit ang seradura ng pinto ng silid.

"God!" bulalas niya nang mabuksan ang pinto at makita ang nasa labas ng kanilang silid. Isang kalansay na sundalong Hapon.

At bago pa nakahuma si Nestor ay nahampas na siya nito ng riple sa mukha. Bagsak siya sa kama, Napatili si Jinky.

Sinaksak ng kalansay ng bayonetang nasa dulo ng riple si Nestor. Nakailag siya at nagawang tadyakan ang kalansay. Talsik ang kalansay sa labas ng kuwarto. Kaagad na isinarado at ikinandado ni Nestor ang pinto.

Napayakap nang mahigpit kay Nestor ang umiiyak sa takot na si Jinky. "Kita mo na, Love? May kababalaghan talagang nangyayari sa
bahay na ito."

"Ako ang bahala sa‘yo. Hindi kita pababayaan."

Hindi na nakatulog pa ang mag-asawa. Magdamag na nakiramdam. Kinabukasan ay nagtanong-tanong sila tungkol sa nabili nilang lote. May nalaman sila sa isang matandang kapitbahay. "May ibinaon daw bangkay ng sundalong Hapon sa loteng kinatitirikan ng bahay n'yo noong panahon ng giyera," anito sa kanila. "Siguradong iyon ang sinasabi n'yong nagmumulto. May alam akong makakatulong sa problema n'yong yan. Si Ka Absalon na bihasa sa paghuli ng mga ligaw nakaluluwa."

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang mag-asawa, Kahit malayo, noon din ay pinuntahan nila ang kinaruroonan ni Ka Absalon.

Matanda na si ka Absalon pero matipuno. "Mapanganib ang multong iyon kung ganoon. Mabangis. Handang pumatay," anito sa mag-asawa matapos magkuwento dito.

Nagsusumamo si Jinky. "Tulungan n'yo ho kami, Ka Absalon parang awa n'yo na."

"Huwag kayong mag—alala. Ihahanda ko lang ang mga gamit ko."

Kinagabihan, pagkakita pa lang ni Ka Absalon sa bahay ng mag-asawa ay namangha na ito. "Bakit ho, Ka Absalon?" tanong ni Nestor."

"Baka hindi kayo maniwala, pero sa paningin ko napipintahan ng dugo ang bahay n'yo. Kailangan talagang masugpo kaagad ang mabangis na multo. Malagim ang binabalak niya sa inyong mag-asawa. Maaaring pinatay siya sa brutal na pamararaan at walang tumimo sa kanyang puso kundi purong poot at paghihiganti. Paghihiganti sa kahit ka sinong kalahi ng pumatay sa kanya."

Napakapit ng mahigpit sa braso ni Nestor si Jinky. "N-natatakot ako, Love."

"Ssssssh, si Ka Absalon ang bahala. Lalabanan niya ang mabangis na multo."

"Pero sa paglaban ko sa kanya ay hindi ako nakakasiguro na magagapi ko siya. Sapalagay ko,ito na ang magiging pinakadelikadong laban ko."

Matapang na nagsalita si Nestor. "Multo lang siya na walang karapatang maglahi sa mundo ng mga buhay. Kung kinakailangan nasa Iikod n'yo. ako, Ka Absalon."

Ngumiti si Ka Absalon. "Tara na!"

Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa bahay ay naramdaman na ni ka Absalon ang lakas ng puwersa ng mabangis na multo. Natutop nito ang magkabilang tenga. May nakaririnding ugong na ito lang ang nakakarinig.

Kasunod niyon ay naglutangan sa hangin ang mga kasangkapan sa bahay. Humagis ang mga ito sa kinaroroonan ng tatlo. "Ilag! Ilag kayooo!" sigaw ni KaAbsalon.

Nahagip ng flower vase sa ulo si Jinky. "Agh!"
Gimbal si Nestor. "Jinky!"