Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐Kataw!

"ANO po ang kataw, Lola Soling?" Kunot ang noong tanong ng pitong taong gulang na si Asriel. "Ang kataw ay mga lamang-lupa subalit madalas silang sa ilog nakikita. Sa batis at maging sa sapa. Mahilig kasi silang maglaro sa tubig. Nalikigo at namimingwit. Kahawig nating mga tao maging ang kanilang mga balat at buhok. Iyon nga lang, napakaliliit lang nila," Marahang paliwanag ng matanda.
Lalong nangunot ang noo ni Asriel na sa edad na iyo'y likas na matanong at makulit. Gayong ang kapatid nitong tatlong taong gulang, na katabi nito, ay tahimik lang na nakikinig sa ainasabi ng matanda. "Gaano po kaliit, Lola?" tanong nitong muli.
"Wala pang isang ruler ang kanilang taas, apo."
Namilog ang mga mata nito at halatang hindi makapaniwala."Ang sarap siguro nilang maging kalaro, " sabi nitong napahagikhik. "Pwede ko kasi silang itago kahit saan. Pwede po ba silang maging kaibigan, Lola?" sabi pa nito.
Napangiti si Lola Soling. "Kapag naging kaibigan mo ang kahit Isa sa kanila, iisipin nila na naloloko ka dahil tanging ikaw lang ang makakakita sa kanila."
Nangunot nanaman ang noo ng bata. "Bakit po, Lola?"
"Dahil sabi ng lolo ko, pinipili lang ng mga Kataw ang taong pagpapakitaan nila. At napakasuwerte niti kapag nakakita ng mga katulad nila. Naku, apo! Mahirap matagpuan ang mga katulad nila lalo na kung sasadyain mong hanapin."
"Pero suwerting nakakita ng Kataw ang tatay ko noong bata pa siya. Maliligo na raw sana siya sa ilog kasama ng mga kaibigan niya ngunit ang mga maliliit na nilalang na ito ang n adatnan nila. Masaya raw naliligo at naglalaro sa ilog ang mga ito."
"Natakot ang tatay ko kaya tumakbo silang pauwi ng bahay at ibinalita iyon sa kanyang ama. Mabilis daw ang mga itong bumalik sa ilog subalit wala na ang mga Kataw kaya't ganoon nalang ang panghihinayang ng Lolo ko."
"Bakit naman po gustong makakita ng Kataw ng Lolo ninyo?" tanong na naman ni Asriel na laling nangunot ang noo.
"Dahil gusto niyang makakuha ang Isa sa mga damit ng mga ito o kaya'y ang kanilang pamingwit. Magiging sunod-sunuran na raw kasi sa iyo ang mga ito. Gagawin nila ang lahat at ibibigay nila ang bawat gustuhin mo, ibalik mo lang ang kinuha mo sa kanila."
"Kahit maraming laruan at pagkain?" si Asriel na naniniguro.
"Kahit ganito. Nagbibigay daw kasi ito ng suwerte. Maaari ring magbigay ng pera..."

HINDI mapigil ni Owel ang matawa at mailing nang marinig at makitang kinukuwento na naman ng kanyang Lola Soling ang dalawa niyang anak. Paano'y hindi na siya naniniwala sa kuwentong iyon na narinig na rin niya rito noong kasing-edad din siya ng kanyang mga anak. Dalawampu't apat na taong gulang na siya ngayon. Halos sa tabing ilog na nga yata siya lumaki subalit ni anino ng sinasabing Kataw na iyon ay wala siyang makita. Oo, aaminin niyang gusto niyang makakita ng Kataw kaya nga kahit limang taong gulang pa lang siya noon ay marunong na aiyang lumangoy at manisid ng isda sa ilog. Nagpakadalubhasa siya rito dahil nga sa paghahangad na makakakita siya ng kakaibang nilalang na ito ngunit bigo siya.
Naisip niya, habambuhay na nga yata siyang hindi maniniwala may ganitong uri ng nilalang. Tuluyan nang nawala sa puso niya ang pagnanais na makita pa ang mga ito.
Noon, desisido talaga siyang makakita ng ganitong uri ng lamang-lupa hindi dahil sa gusto niyang kunin ang pamingwit o ang damit nito upang maging sunod-sunuran ito sa kanya at upang yumaman kundi dahil gusto lqng niyang katawan makatiyak kung may ganito ngang nilalang na nabubuhay sa mundo.
Ngayon, para sa kanya ay kathang-isip lamang ang Kataw ng kung sino man sa kanilang mga ninuno. Naging mabisang bahagi lang ito ng pananakot sa mga batang matigas ang ulo at hindi masaway sa pagpunta sa tabing-ilog, sapa at batis upang hindi mapahamak o malunod. Bigla tuloy nanariwa sa alaala niya ang kaging sinasabi noon ng kanyang nanay, na kinukuha raw ng mga Kataw ang mga batang hindi natutulog sa tanghali.
"Asriel, Aaier, aalia na tayo!" tawag niya sa kanyang mga anak. "Magpapastol na tayo ng mga baka."
Mabilis na lumapit sa kanya ang dalawang bata na nakaugalian nang aumama sa kanya sa pagpapastol ng mga hayop. Gustong-guato kasi ng mga ito na pinapanood ang pag-inom ng mga ito sa ilog tuwing hapon. Minsan nga'y isinasakay pa niya ang dalawang bata sa likod ng kalabaw.
"Pa, kapag nakakita ako ng Kataw sa ilog, huhulihin ko agad para maging kaibigan ko," Agad na sabi sa kanya ng panganay niya. "Gusto ko ailang maging kaibigan."
Tinawanan lang niya ito. "Aiya, tawagin mo si Mama mo. Sasama raw siya. Bilisan mo at ala-singko na." K
ahit hindi na siya naniniwala sa lamang-lupang iyon ay hindi niya kinukontra ang kuwento ng kanyang ina sa mga anak niya lalo pa nga at may karanasan 'daw' ng kanyang ama sa mga nilalang na ito. Hahayaan na lang niyang ang mga iti ang makatuklas ng katotohanan tulad ng kanyang ginawa noon.
Pedicab ang sinasakyan nila patungo sa niyugan kung saan niya pinapastol ang mga hayop. Routine na niya ang ito tuwing umaga at hapon iyon. May taniman din kasi sila ng gulay doon.
"Samahan mo si Mama mi sa pagkuha ng sitaw at talong, Asriel. Aalisin ko lang sa puno ng niyog ang pagkakatali ng lubid ng mga baka at kalabaw."
Agad itong tumalima.
Nang nag-iisa na siya ay ang mga baka ang una niyang pinaligaw. Kusa nang pumunta sa ilog ang mga ito. Iainunod niyang palayain ang dalawang kalabaw. Nakangiting sinundan niya ang mga iti nang lumapit sa ilog.
Mula sa pampang ay pinanood niya ang mga ito. Ilang sandali pa'y umahon na ang dalawang baka sa tubig. Paalis na sana siya upang itali ang mga ito nang may matanaw siyang nakalutang sa ibabaw ng tubif. Nangunot ang kanyang noo savmaling akala na laruang tao iyon dahil nasksihan niyang gumagalaw.
Nangilabot siya. Nanginig ang kanyang mga tuhod.
Parang sasavog ang kanyang ulo nang mabatid niyang nay kasama pa pala ang nilalang na inakala niyang naanod lang na laruan dahil pagtingin niya sa kabilang gilid ng ilog ay may Isa pang nakatayo sa ibabaw ng malaking tipak ng bati, na para bang nakahandang tumalon sa tubig.
Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Ibig niyang matiyak kung totoo ang nakikita niya at hindi siya pinaglakaruan ng sariling paningin. Nang hindi nawala siya pinaglalaruan ng sariling paningin. Nang hindi nawala sa pananaw niya ang mga maliliit na nilalang na ito, na sa tingin niya ay dalawang dangkal lang ang taas at nakasuot ng bahag na kulay puti na animoy katutuno ay naisip niyang ito ay Kataw.
Pakiramdam niya'y nanigas ang buo niyang katawan. Sinaklot na ng takot ang sistema niya dahik sa karanasang hindi niya inaasahan. Ito na ang ikinukuwento ng Lola Soling niya.
Ito na nga ang Isa sa mga uri ng lamang-lupa na kung tawagin ay Kataw.
"Nanay ko po," anas niyang gumaralgal ang boses. Pinaglalabanan niya ang takot at kinusot ang mga mata. Subalit lalo lang siyang naduwag nang nanatili sa kanyang pananaw ang dalawang maliliit na nilalang ba ito na masaya nang nagtatampisaw sa tubig, na wari ay hindi siya namamalayan. " Sika na nga ang Kataw!"
Naramdaman niyang may mainit na likidong namaybay sa magkanila niyang pisngi mula sa kanyang mga mata. Iyon ay siniguro niyang luha ng kagalakan dahil hindi pala siya bigo na makakita pa ng ganitong nilalang na mula pa sa kanyang pagkabata ay hinangad na niyang makita.
"Papa! Papa!"
Ang matitinis na tinig iyon ng dalawa niyang anak ang nagpalingon sa kanya. Agad niyang pinalis ang mga luha at ngumiti. Bigla niyang naramdaman na tila lumukso sa tuwa ang puso niya nang matanaw ang mga ito na nagtatakbuhan papalapit sa kanya kasunod ang asawa niya. Makakakita na rin sila ng Kataw. Matutuwa ang mga anak ko!
"Owel, umuwi na tayo," tawag sa kanya ni Leny. "Papadilim na!"
Agad niya itong sinenyasan na tumahimik. Kinawayan niya ito upang magmadali. Nais talaga niyang makita rin ng mga ito ang natuklasan niyang katotohanan. Ngunit Ganoon na lamang ang panlulumo niya nang ibalik sa ilog ang paningin.
Wala na ang mga Kataw!
"Wala na sila," bulong niyang bumagsak ang mga balikat. "Nabulahaw sila ng ingay nina Leny. Sayang..."
"Owel, bakit?" taning ng kanyang asaw nang makalapit sa kanya. "Para ka namang nakakita ng kung anong importanteng bagay. Ano 'yon?"
Napailing siya. Pinilit niyang ngumiti.
"Maligo tayo," anyaya na lamang niya rito. "Ang linaw ng tubig sa ilog. Parang malamig at masarap magtampisaw."
"Yahey!" duwelo ng dalawa nilang anak na nagtalunan sa tuwa. "Maliligo tayo sa ilog!"
"Owel!" Saway sa kanya ni Leny. Hinampas pa siya nito sa braso. "Gabi na, a. Papadilim na, o. Hindi na tayo puweding Maligo. Umuwi na tayo. Asriel, Asier, hindi tayo liligo. Uuwi na tayo."
"Mama," angil ng kanilang bunso. "Tabi Papa ligo raw ayo, e."
"Nagbibiro lang ang papa ninyo. Huwag matigas ang ulo. Tara!" Inakay na ni Leny ang kanilang dalawang anak. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng ilog. "Tara! Umuwi na tayo. Hoy, Owel, sumunod ka na."
"Ligo muna tayo, Mama," anang kanilang panganay habang naglalakad na pauwi. "Sige na po. Gusto kung lumangoy, e."
"Hindi!" Pagmamatigas pa ng kanyang asawa. "Huwag matigas ang ulo. Magagalit ang Kataw. Gusto ba ninyong hilahin nila ang paa ninyo habang lumalangoy sa ilog dahil makulit kayo?"
"Hindi po!" duwelo ng dalawang bata.
Napangiti siya. Minsan pa niyang inilinga ang paningin sa pagbabaka-sakaling makita muli ang mga Kataw na napatunayan niyang hindi lang pala kathang-isip kundi isang katotohanan.
Totoo ang Kataw, sabi niya sa isip. Totoo ang mga kuwento ni Inay sa mga anak ko! Hindi na napawi ang ngiti sa mga labi niya habang inihahakbang ang mga paa palayo sa ilog. Masaya siya...masayang-masaya. Ngayon ay nakatitiyak na siya kung sakaling
kainin na siya ng lupa ay napatunayan naman niyang totoo ang mga kuwento tungkol sa mga maliliit na nilalang na iyon.

Wakas