Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


Lolo Basyong

"MOMMY! Mommy! Nakita ko po'ng kotse ni Lolo Basyong... ay, Lolo Teo pala, sa garahe ng bahay niya! Dumating na po siya!" eksayted na ba1ita ni Ky1a kay Yvon.

"Talaga, Kyla?" Galak na in-off ni Yvon ang digital washing machine at sinalubong ang tuwang—tuwang anak.

Inakay na niya palabas ng bahay ang pitong taong gulang na bata. Nakasalubong nila sa tarangkahan ang Kumare Nelly niya na ang bahay ay katapat lang nila.

"Saan kayu pupuntang mag-ina?" usisa ng kumare niya.

"Diyan lang sa malaking bahay, mare. Makikipagkumustahan. Bumalik na raw si Mang Teo! Nakita ni Kyla," pagbabalita niya sa babae.

"Abah! Teka at sasama ako! Na—miss ko na ring kahuntahan ang matandang iyon!" at nagmamadali itong sumabay sa mag.-ina.

Lihim na napangiti si Yvon. Alam niyang ang na-miss ng kumare ay ang panghihiram ng pera sa matanda na inililista lang nito sa tubig! Kagayarin ng iba pa nilang mga kapitbahay.

Dead end ng kantong iyon ng pang-middle class subdivision na kinatitirikan ng malaking two-storey house ni Mang Teo. Dalawang magkasunod na bakanteng lote ang pagitan ng bahay nina Yvon at ng bahay ng matandang lalake.

Nagtaka ang magkumare. Naka-lock ang gate na grills. Dati ay laging bukas ito basta nasa loob ang matanda.

"Mang Teo, kumusta na po kayo!" Nilakasan na lang ni Yvon ang boses. Inulit pa niya ang pagbati nang hindi lumingon ang singkuwenta anyos na matandang nakaupo sa paborito nitong rocking chair sa labas ng malapad na terrace.

"Hello, Lolo Teo! Miss ko na po'ng mga kuwento n'yo!" Inilusot pa ni Kyla ang braso sa grills at kumaway sa matanda.

Lumingon sa kinaroroonan nila ang matanda. Umasim ang itsura ng mukha nito nang makita sila.

"Umalis kayo! Alisss!" pagtataboy nito.

Napaatras sa pagkabigla ang tatlo. Tila dumagundong sa loob ng malawak na bakuran ang sigaw ng matanda.

Pagkatapos ay tumayo ito. Nagmamadali at halos patakbong lumabas ng terrace papuntang gate.

Sa takot ay kumaripas ng takbo si Nelly. Hinila na rin ni Yvon sa braso ang anak at tumakbo na rin sila.

"B-b-bakit ba biglang nagbago'ng uga1inu'n?!" Humahangos pa rin si Nelly nang datnan nina Yvon sa labas ng tarangkahan nila. Sapo ng dalawang kamay nito ang tiyan.

"H-hindi lang nagbago... tila bumangis pa, mare! Ang mga mata niya... napansin mo ba? Parang... parang nagbabaga!" sindak ding sambit ni Yvon habang mahigpit pa ring hawak sa braso ng umiiyak sa takot na anak.

SININAT nang gabing iyon si Kyla.

"Natakot talaga siya sa inasal kanina ni Mang Teo, love..." pagsusumbong ni Yvon nang dumating ang asawang si Frank.

"Akala ko nga'y patay na'ng matandang iyon! Hindi ba't sabi niya'y may terminal cancer siya kaya nga umalis at magpapagamot daw sa Maynila? Lampas isang taon bago siya nakabalik! Six months lang ang alam nating taning sa kaso niya! Hindi kaya multo niya ‘yung buma1ik?!".

"Sobra ka naman, Frank! Baka naagapan ang kanser at gumaling siya!" kontra niya sa lalake.

"O ibinenta niya'ng kaluluwa sa demonyo para dagdagan pa'ng buhay niya! Payat na at mahina iyon noong umalis dito, hindi ba! Ngayon, ang sabi mo'y malakas siya't lumaki pa'ng katawan!" pakli ni Frank.

"Bakit ba ang bigat-bigat ng loob mo kay Mang Teo eh ang dami naman siyang nagawang kabutihan sa mga tao rito?"

"Simu1a nang dumating siya sa komunidad natin ay nagsimula na ring mag-away ang mga mag-asawa rito! Natuto kasing mangutang ng malaking halaga sa kanya ang mga nanay pambili ng mga appliances na hindi naman kailangan kundi pampasikat lang!"

"Mas mabuti nang di hamak kung sa kanya mangutang dahil wa1ang interest! Kasalanan na ng mga mangungutang na hindi ginastos sa basic needs ang hiniram nilang pera! Isa pa, kinakalimutan na lang ni Mang Teo ang utang kung hindi na kayang magbayad ng tao! Mada1as ding siya ang tinatakbuhan ng mga nagigipit dito! Baka nalilimutan mo?"

"Hindi lahat ng maamo ay tupa, Yvon! Kaya huwag na huwag mong papuntahin doon si Kyla at nungkang mangutang ka rin du'n nang hindi rin tayo mag-aaway!"

Gustong matawa ni Yvon sa asawa. Hindi pa pala pag-aaway ang tawag nito sa pagsisigawan nila!

Tumahimik na lang siya. Paulit—u1it lang ang mga dayalogo nila kapag si Mang Teo na ang pag-uusapan. Maraming baka ang asawa. Baka raw pag malubog na sa utang ang isang nanay, hihingiin ng matandang kabayaran Lay ang puri nito. Baka raw gumagawa ng kabutihan dahil me balak itong tumakbo sa nalalapit na election. Baka raw bakla ito dahil tumandang binata gayung may hitsura naman at mayaman. O baka raw pedophile ang matanda dahil mahilig sa mga bata. Hangga't may makikinig, kahit nag-iisa lang, ay babanat pa rin ito ng kuwento ng mga fairy tales. At iyon ang dahilan kaya Lolo Basyong kung tawagin ito ng mga bata. Napakaraming mga baka si Frank na kung iisa-isahin ay wa1a‘ng katapusan. Basta sa maikling salita ay disgustado ito sa matanda. Period.

Hindi alam ng asawa na pag weekend at may overtime ito sa opisina, sinasamahan ni Yvon si Kyla sa pakikinig ng mga kwento ni Mang Teo sa terrace ng malaking bahay nito. Madalas din niyang nakakausap nang matagalan ang matanda. Mabait ito, malumanay magsalita at palabiro.

Ibang-iba iyon sa nakita niyang rehistro ng bangis sa mukha at tila nagbabagang mga mata nito kanina lamang!

Si Mang Teo ang nakabili ng malaking bahay sa mag-asawang nag-migrate sa ibang bansa dalawang taon na ang nakararaan. Ayon sa matanda, balikbayan dito na nagpasayang sa Pilipinas manirahan for good. Tumanda daw ito sa pagpapayaman abroad kaya nakaligtaan ang pag-aasawa. Hindi na nila binusisi ang buong istorya ng buhay ng lalake.

Napalagay agad ang loob ng mga tao kay Mang Teo. Wala naman kasi itong ginawang masama mula nang dumating ito sa komunidad. Labas-masok lang ang mga taong gustong makipag-usap sa matanda. Maging ang mga bata ay ganoon din tuwing weekend. Pero hanggan terrace lang nito ini-entertain ang mga bisita...

Iyon ang dahilan kaya lalong nagduda si Frank sa pagkatao ng matanda.

Kahit sino, maglalagay din ng limitasyon sa pakikitungo sa kapwa, depensa lagi ni Yvon kay Mang Teo.

Nang magpaalam ang matanda para magpagamot sa Maynila, marami ang nalungkot. Kasama na roon sina Yvon at si Kyla.

KUMALAT agad ang balitang bumalik na sa bahay nito si Mang Teo. Kuma1at rin na naiba na ang ugali nito. Na bumangis na ang dating mabait na si Mang Teo at lagi na ring nagkakandado ang matanda ng gate. Hindi na rin ito naglalagi sa terrace tulad ng nakagawian nito noong dati.

Dama ni Yvon ang kalungkutan ng anak. Lagi niyang naabutan si Kyla na nakadungaw sa bintana sa sala na nakaharap sa gilid ng malaking bahay. Tiyak nami-miss na nito ang kuwelang pagkukuwento ni Lolo Basyong with matching sound effects and actions na tila nanonood ito ng live stage play na iisa lang ang karakter. Ganoon din sigurado. ang iba pang mga bata.

"Mommy, totoo po bang binili ng devil ang soul ni Lolo Basyong para humaba pa'ng buhay niya?"

Napahumindig si Yvon sa tanong ng anak. "Sino'ng nagsabi niyan sa ‘yo?!"

Hindi na nasagot ni Kyla ang kanyang tanong nang bumusina ang naghihintay na school bus sa tapat ng tarangkahan nila.

Agad pumasok sa isip ni Yvon si Frank Galit ito kay Mang Teo at nabanggit na rin nito ang tungkol du'n nang mag-away sila dati. Hindi siya nag—aksaya ng panahon. Kinumpronta niya ang asawa.

"Ikaw ba'ng nagsabi nu'n kay Kyla, ha, Frank?" sumbat ni Yvon nang umuwi kinahapunan ang asawa.

"Hindi! Nasagap ‘yan tiyak ng anak natin sa school nila! Iisa lang pala kami ng hinala ng buong bayan!" sarkastikong sagot ng lalake.

Sumigid ang kakaibang takot sa dibdib ni Yvon. Nanumbalik sa isip ang kabangisang ipinakita noon ng matanda.

"At siyanga pala, may ikinuwento sa akin si Pareng Arnulfo. Alanganing oras daw kagabi ay ginising siya ni Mareng Nelly. Humingi raw ito ng manggang hilaw. Eh dahil first baby nila ang ipinagbubuntis ni mare, ang gusto ay sa punong nasa bakanteng loteng katabi ng malaking bahay siya pumitas ng mangga. Nang nando'n na raw siya, nakita raw niyang maliwanag ang maliit na bintana ng basement ni Mang Teo at may narinig siyang panaghoy na nagmumula roon! Matagal at nakakapangilabot daw!"

Napatulala si Yvon.

"Dahil maselang magbuntis si Nelly, hindi na lang daw niya sinabi sa asawa ang nakita niya. Baka raw kasi madagdagan pa'ng takot na sanhi no'ng hinabol kayo ng matanda! Isa siyang lobong nag-aanyong maamong tupa, Yvon!"

Nanahimik na lang muna si Yvon. Ayaw niyang mag-isip ng mga speculations laban sa dating napakabait na matanda.

PERO nang sumunod na gabi ay ginising na siya ni Frank Hinila siya ng asawa sa sala at pinadungaw sa bintana. Madilim ang gabi. Kahit may kalayuan, naaaninag pa rin niya ang konting liwanag. Sa bandang basement ng malaking bahay dahil sa dilim ng gabi.

Nanlamig ang katawan niya nang marinig ang ingay na nagmumula samalaking bahay.

"A-alulong ba ‘yan ng aso?"

"Hindi. Palagay ko ay iyan ang panaghoy na tinutukoy ni Pareng
Arnulfo."

Napayakap na sa asawa si Yvon. Mas nakapangingilabot kesa nakakaantig ang panaghoy!

Nagulat pa ang mag—asawa nang sabay-sabay umilaw ang mga bahay na malalapit sa malaking bahay.

"Naiinig din nila ang panaghoy!" paanas na sabi ni Frank.

Hindi siya nagkomento pero alam niyang tama ang palagay ng asawa.

Nang sumunod na araw, nagtaka si Yvon kung bakit wala siyang usap-usapang narinig tungkol sa malaking bahay. Kahit ang Kumareng Nelly niya ay hindi nakalipat sa kanila para magtsika gayong umilaw din ang bahay nito nang nakaraang kagabi. It seems na ang lahat ay binabalot ng takot at walang gustong magsalita.

"K-KINAKABAHAN ako sa ideya n'yong ito, Pareng Arnu1fo! Sigurado ka bang pumuputok ang baril ng dalawang tanod na kinutsaba mo?" May kinig sa boses ni Frank.

Maingat ang mga hakbang ni Frank habang naglalakad sila ni Arnulfo sa napakadilim nagabi.

"Kung naduduwag ka, umuwi ka na lang, pare. Sa akin lang naman may atraso ‘yang Teo na ‘yan! Dahil sa kanya, nanganganib ngayon na makunan si Ne11y dahil sa labis na takot lalo na nang marinig angp anaghoy nang nagdaang gabi!"

"Nandito na ako, itutuloy ko na. Gusto ko ring patunayan kay Yvon na masamang tao ang iniidolo nila."

Matagal bago nabuksan ng isang tanod ng dalang wire ang malalaking kandado ng gate. Walang ingay na pumasok ang apat. Hindi na nila pinailaw ang dala-dalang penlight. Tinungo nila ang maliit na bintana ng basement na ngayon ay maliwanag na. Sabay-sabay silang yumuko upang
sumilip.

Napanganga ang lahat sa kanilang nakita.

Si Mang Teo, nakasuot ng itim na robe na may hood. May hawak na malaking libro ang matanda at naka1uhod ito sa harapan ng higaang may nakahimlay na bangkay ng isang babaeng halos buto na sa kapayatan.

Naka-recover naman agad sa pagkabigla ang tatlong tanod. Sabay-sabay din silang tumayo. Sumenyas ang isang tanod na magpaiwan nalang sa 1abas ang magkumpare. Pagkatapos ay tumakbo na ang mga ito sa likurang pintuan ng bahay.

Parang hindi pa rin makapaniwala si Frank sa nasaksihan. Mas masahol pa pala sa inakala niya ang pagkatao ng matanda. Sa katarantahan, nasagi niya ang salamin ng maliit na bintana. Biglang nag-brownout. Liwanag na1ang ng kandi1a ang naiwang ilaw. Kumislap ang mga mata ng matanda nang lumingon sa gawing kinaroroonan nila.

Iyon lang at kumaripas nang takbo ang magkumpare palayo sa lugar na iyon.

NAHULI ng mga tanod ang matandang lalake. Doon nila nalamang kakambal lang pala ito ni Mang Teo. Alfredo ang tunay nitong pangalan.

Wanted sa pagpatay sa sariling kakambal.

Na-trace ang malalayong kamag—anakan sa Maynila ng kambal na Teo at Alfredo. Magkaribal sila sa iisang babaeng si Andrea. Para raw matiyak ni Alfredo na siya ang pipiliin ng dalaga, nilasing niya ito at nilansing kaya sa lalake nagpakasal ang dalaga.

Nagparaya si Teo. Nagpakatandang binata raw ito. Naghintay raw ito ng pagkakataon na mabawi si Andrea sa kakambal.

Nang malamang may sakit na kanser ang hipag, itinakas niya ito. Dito sa Visayas dinala ni Teo si Andrea. Itinago niya ang babae sa loob ng malaking bahay. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang terrace lang kung estimahin ng matanda ang mga bisita.

Halos isang taon niyang inalagaan at pinagsilbihan ang hipag hanggang sa dumating ang oras na lumubha na ang kalagayan nito.

Nagpasya siyang dalhin sa ospital sa Maynila si Andrea. Idinahilan. lang ni Teo na siya ang may sakit at ang mag papagamot. Natunton ni Alfredo ang ospita1 na kinaroroonan ni Teo at ni Andrea sa Maynila. Napatay si Teo sa pagtutuos nila. Itinakas ni Alfredo ang bangkay ni Andrea at dinala pabalik sa malaking bahay na iyon. Gabi-gabing nagdaos ito ng itim na ritwal sa obsesyong mabubuhay pa ang asawa.

IBA-IBANG emosyon ang naramdaman ng taga roon. Mayroong naaawa kay Mang Teo at meron namang hinusgahan ito sa pang-aagaw ng asawa ng kakambal.

"Pero, love, si Teo ang unang inagawan ni Alfiedo!" pagbibigay katwiran ni Yvon.

"Hindi pa naman nagpahiwatig si Andrea kung si Teo nga'ng matimbang sa puso nito."

"Hindi patas lumaban si Alfredo!"

"Malay natin kung pumayag na lang si Andrea dahil nalaman nito na mas mayaman nang di hamak si Alfredo kaysa kay Teo!"

"P-paano naman hihigit ang yaman nu'n sa kakambal?!"

"Hindi mayaman ang mga yumaong magulang ni1a, love. Kabilang daw sa big time syndicate na gumagawa ng mga pekeng pera ang kambal."

"T—talaga?"

"At heto pa, kabilang din sila sa isang kultong samahan! Doon nila nakilala si Andrea!"

"H—haaa?" Nahusto ang pagkagimbal ni Yvon.

"'Yan ang sinasabi ko sa ‘yo noon pa, love. Hindi lahat ng maaamo ay tupa."

Natameme-si Yvon.

"Siya nga pala, ibinigay ng advance ang 13th month pay ko kanina. Magkano pa ba kamo ang balance sa hinuhulug-hulugan mong loan sa yong kaibigan abroad?" Iniabot ni Frank ang sobre ng pera sa asawa.

"Tatlong libo na lang, love." Tinanggap ni Yvon ang sobre.

Nang pumasok sa kwarto ang asawa, agad na inihiwalay ni Yvon ang tatlong tig-iisang libong pisong bill. Isinilid niya ang mga ito sa ekstrang sobre at sinulatan iyon sa labas ng pangalan ng receiver: Lumabas siya ng bahay. Sinindihan niya ng dalang lighter ang sobreng iyon. Nangangalahati na ang nasusunog na bahagi nito nang itapon niya sa bakanteng lote.

Ngayon, fully paid na siya. Wala na siyang utang Kay Mang Teo na ang pera pala ay galing sa masama! Sa uulitin, kilalanin muna niya nang mabuti ang isang tao bago magtiwala.

Lingid sa asawang si Frank, siya man ay humiram ng malaking halaga kay Mang Teo. Kahit okey pa ang TV at washing machine nila, bumili rin siya ng 30" flat screen TV at digital washing machine nang hindi malamangan ng Kumareng Nelly niya at ng ibapang kaibigan. Gayunman, ipinagdasal niya ang kaluluwa ni Mang Teo. Iyon lang ang tanging magagawa niya para sa matanda.