Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


SA KUKO NG LAGIM

Sa isang masukal na lugar, isinuka ng madilim na kakahuyan ang isang takas na preso. Armado ito ng isang baril - kalibre kuwarenta'y singko. Tugis ito ng tatlong pulis.
Nasulyapan ng pusakal ang abandonadong bahay-kastila. Maliksi itong pumakabila sa may kataasang pader niyon.
Nagsunuran ang mga pulis. Pero paglapag na paglapag pa lang ng mga ito sa kabila ng pader ay sinalubong siya ng sunud -sunod na putok ng preso. Nasapol ng bala ang isang pulis samantalang nagawang magsikubli ng dalawa pa.
"Arturo!" sigaw ng isang pulis. "Huwag mo nang dagdagan nang dagdagan ang kaso mo! Sumuko ka na!"
"Tantanan ninyo ako, mga buwaya kayo!" sigaw ng takas na noo'y nagkukubli sa gilid ng patay na balon.
"Hindi ako pahuhuli ng buhay sa inyo!" dugtong nito na pagkuwa'y lumantad at nagpaputok nang sunud-sunod!
Gumanti ang mga pulis. Nagpaputok ang isa. Inasinta ang takas. Tinamaan ito. Sapol! Sumampay sa labi ng balon ang katawan ng walang buhay na pusakal.
Sa loob ng patay na balon, may magkayakap na natutulog— dalawang kakatwang nilalang!
Nakukumutan ng makapal na agiw ang dalawang nilalang na may nakapangingilabot na anhi. Halatang mahabang panahon nang nahihimbing doon ang mga ito. Ngunit ano't nang mapatakan ang dalawa ng malansang dugo ng pusakal ay sabay na nagmulat ang nanlilisik nilang mga mata...
Nagising ang mag-asawang diablo!
Makahulugang nagkatinginan ang mga ito. Sumilay ang mga makahulugan at nakakilabot na ngiti sa labi...na nagpapahiwatig ng isang libo't isang lagim!
Nagulantang ang dalawang pulis nang pumailanlang ang halakhakang war'y hinuhugot sa impiyerno.
"A-anong halakhakang iyon? Nakapanghihilakbot!" anang isang pulis.
"Nagmula sa loob ng balon," tugon ng isang nakatingin sa patay na balon.
Lakas-loob na lumapit ang dalawa. Hand a ang mga sandata.
Nang bigla'y sumirit palabas ng balon ang dalawang malaking bolang apoy!
Lumutang sa ere ang mga iyon at mag-iba ng anyo ...naging ang mag-asawang diablo! Hindi nasiraan ng loob ang mga alagad ng batas, pinaputikan ang mag-asawa na noo'y patayong nakalutang sa ere.
Ngunit nagtalbugan lang sa dalawang kampon ng dilim ang mga nagbabagang punglo. Kumumpas ang lalaking diablo, at mula sa hintuturo nito'y mabilis na lumabas ang isang mutyang itim!
Pumasok iyon sa bibig ng isang pulis. Diri-diretso sa tiyan!
Biglang lumobo ang pulis ...
Papintog nang papintog!
Nagkabitak-bitak!
Sa bawat bitak, pumulandit ang dugo!
Hanggang sa tuluyan ng sumambalat ang pulis!
Nagtatakbo ang isa pang pulis. Gimbal na gimbal at nagsisisigaw.
Kumumpas ang babaing diablo. May sumirit na tila kidlat mula sa hintuturo nito. Pumulupot iyon sa katawan ng pulis!
Sa pamamagitan niyon, patayong pinaangat ng babaing diablo sa lupa ang alagad ng batas. Pinaikot! Pabilis ng pabilis ang ikot!
Ewan kung dahil sa sobrang bilis ng ikot, nagkapunit-punit ang damit ng pulis , pagkuwa'y nagtalsikan ang pira-pirasong laman!
Dugo!
Buhok!
Mata!
Lamanloob!
Kung saan-saan kumapit ang mga iyon!
Unti-unting tumigil sa pag-ikot ang pulis na noo'y isa na lamang kalansay na may konting lamad-lamad.
Saglit na nanatili sa ere bago tuluyang bumagsak sa lupa.
Nakapanghihilakbot, nakaririmarim na tanawin.
Nangagkapit sa pader ang mga mata, pira-pirasong laman, dugo ...
Ang bituka at iba pang mga lamanloob naman ay nangagsampay sa mga sanga ng isang patay na puno.
Pumailanlang ang makapanindig-balahibong halakhakan ng mag-asawang diablo. Simula pa lang iyon ng paghahasik nila ng walang pangalawang lagim dito sa lupa!
MAKALIPAS ang ilang taon , nabili ng mga bagong kasal na sina Rado at Marie ang lote at bahay-kastila.
"Napakamura ng pagkakabili natin sa bahay at loteng ito," ano Rado.
Humilig sa balikat ni Rado si Marie.
"Oo nga. Maybe next week, puwede na tayong lumipat dito...sa bagong pugad ng pagmamahalan natin," aniyang may karugtong na tawa.
HOW true na may naninirahang mag-asawang diablo sa patay na balong ito?" ani Marie. Malutong na tawa ang Maging tugon ni Rado.
Unang gabi nila doon. Nasa lavas sila ng bahay at nakaupo sa hilid ng balon.
"Ayon sa nagkuwento sa akin, tulog daw sa umaga at gising sa gabi ang mag-asawang diablo," pagpapatuloy ni Marie. "Wala raw kamatayan ang mga diablo, pero kung mababahiran ng dugo ng dugo ng wala pang kasalanan...ng isang sanggol - ay mabibilanggo sa tulog."
Sarcastic ang pagkakangisi ni Rado. "Ow? Talaga lang, ha?"
Patuloy lang sa pagkukuwento si Marie. "Kaya ang ginawa ng mga dating nakatira rito ay nagsakripisyo ng sanggol para lang matigil ang paghahasik ng lagim ng mag-asawang diablo. Pero makalipas daw ng mahabang panahon, nagising sila ng maduguan ng isang makasalanan. Iyon ang huling balita. Ibig sabihin...Malaya ang mag-asawanh diablo." "Kailangan pala ay magmadali tayong magka-baby para kung sakali e may pangsakripisyo na tayo sa mag-asawang diablo," biro ni Rado.
Pinanlakihan ng mata si Marie. "Uy! Kahit biro huwag kang magsalita ng banyan..."
"E hindi naman tutoo ang mag-asawang diablo," paniniyak ni Rado.
"Tayo na nga lang matulog." yaya ni Marie sa asawa.
Sweet na tumayo ang mag-asawa para pumasok ng bahay...
Hindi nila napansin ang paglitaw ng balahinuhin at mahahaba ang kukong mga kamay mula sa balon.
ALAS-DOSE ng hatinggab, tumunog ang antigong wall clock. Tunog na tila nagtatawag ng kampon ng dilim.
Gising pa si Rado nang mga sandaling iyon. Nagsisigarilyo habang nakapamintana. Balita siya at sobrang naaalinsanganan.
Nang bigla siyang may mapansin sa labas ng bintana...
Ang nakita ni Rado— isang napakagandang babae na nakatayo sa tabi ng patay na balon. Mahaba ang buhok nito. Nakamanipis na auot na damit.
Ipinagkakanulo ng bilog na buwan ang napakagandang hubog ng katawan ng babae na tila siyang-siyang naliligo sa makapangyarihang liwanag niyon.
Mulagat na mulagat si Rado habang pinagmamasdan ang babae mula sa bintana. Pinakamaganda na iyon sa lahat ng babaing nakita niya.
Tumingin sa kanya ang babae at malambing ang tinig na nag-anyaya: "Halika..." Namalayan na lang ni Rado na nasa harap na siya ng babae.
"Ako si Divina, Rado. Yakapin mo ako," utos nito sa kanya.
Parang aliping sunud-sunuran si Rado. Niyakap niya si Divina.
Siyang labas ni Marie. Huling-huli niya habang may kayakap na iba ang asawa. "Rado!" Parang naalimpungatan si Rado. "M-Marie...let me explain!"
Pero hindi pinakinggan ng asawa si Rado. At nang linguni niya si Divina ay wala na ito.
SIMULA nang mahuli ni Marie si Rado ay hindi na niya kinibo ang lalaki. Parang may pader na hinarang si Marie sa pagitan nila.
"Marie, bakit ayaw mong maniwala na hindi ko alam ang ginagawa ko ng sandaling iyon dahil lukob ako ng kung anong kapangyarihan," ano Rado sa sarili habang nag-iinom sa isang beer house.
Si Marie, nang gabing iyon ay umiiyak na nakaupo sa may balon.
"Lahat nang ikaliligaya mo, ginawa ko na,Rado pero nagawa mo pa rin akong pagtaksilan," himutok niya sa sarili.
Nang bigla'y isang kamay ang nag-alok sa kanya ng panyo. "Kailangan mo ito," boses ng isang lalaki.
Gulat na nagtaas ng paningin si Marie, at napatda siya nang matunghayan ang may-ari ng kamay.
Walang pangalawang kaguwapuhan ang nasa harapan niya...walang kapantay na kakisigan!
"Kailangan mo ito," anang lalaki kay Marie na ang tinutukoy ay ang hawak na banyo. "At kailangan mo rin ako."
"S-sino ka?" tanong ni Marie.
"Ako si Devon," tugon ng lalaki. "At naririto ako para magsilbing gamot sa sugat na nagpapahirap sa iyong loob."
Masuyong pinahiran ng luha ni Devon si Marie. "Aking Bahama sa iyo." Pagkuwa'y tinitigan nito si Marie. Tinig iyon na tumatagos hanggang sa kaluluwa ng tulalang babae na nagkulong sa kanya sa kung anong kapangyarihan.
Pinangko ni Devon si Marie at ipinasok sa silid nila ni Rado. Inihiga sa kama.
Nasa aktong hahagkan ni Devon si Marie ang nabungaran ni Rado. "Mga hayup kayo!" Malakas ang sigaw galing sa may gawing pinto.
Noon natauhan si Marie. "R-Rado!"
Sinugod ni Rado si Devon at sununtok sa mukha. Ngunit ni hindi iyon ininda ni Devon. Iyon na rin ang naging una ay huling suntok niya.
Bumuwelo si Devon. "Ganito ang sumuauntok, lalaki!"
Halos malinsad ang panga ni Rado nang tinamaan ng suntok.
Hinawakan ni Devon sa buhok si Rado at puwersahang iniharap sa salamin. "Masdan mo ang mukha mo, lalaki...ngayon ang huling sandali na makikita mong makinis ang mukha mo!"
At inihampas ni Devon ang mukha ni Rado sa salamin!
Basag ang salamin. Natusok ng mga piraso ng bubog ang mukha ni Rado!
Pagkuwa'y parang walang anumang lumabas ng silid si Devon.
Dinaluhan ni Marie ang duguang asawa. "Rado, maniwala ka ...hindi ko kilala ang lalaking iyon. Parang ikinulong niya ako sa kung anong kapangyarihan para maging sunud-sunuran!"
"Naniniwala ako sa'yo, Marie. Ganoon din ang naranasan ko sa babae sa tabi ng balon. Pinaglalaruan tayo ng kung sinong mga kampong ng dilim!"
Hinila ni Rado sa kamay si Marie. "Bilis! Kailangan nating makalayo rito!"
Pero bago sila nakalabas ng bahay-kastila ay biglang humarang sa daraanan nila sina Devon at Divina. "Hindi kayo makakalabas ng buhay dito!" bata ni Devon.
Nagbago ng banyo sina Devon at Divina. Maging kakila-kilabot ang hitsura. Sila ang mga nilalang sa balon!
Kumumpas ang babaing diablo at nahagip si Marie ng tila kidlat na lumabas sa daliri nito!
Walang buhay na bumagsak si Marie! Naglalagablab!
"Marieeeeee!" malakas na palahaw ni Rado.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Rado. Tumakbo patungong basement. Kinuha roon ang bungkus-bungkos na dinamitang ginagamit nila sa pinagtatrabahuhang minahan. Wala na ang babaing kanyang pinakamamahal.
Wala naring kuwenta ang kanya buhay. Lalaban na siya nang husto!
Patay kung patay!
Itinali niya ang bungkos ng dinamita sa katawan at pagkuwa'y sinindihan!
"Sama-sama tayo!" Sigaw ni Rado habang patakbong sumusugod sa mag-asawa. Payakap na dinayb niya ang dalawang kampon ng dilim.
Ilang nakabibinging pagsabog ang sumunod!
Sa labas, tila impiyerno ang nasusunog ma bahay-kastila.
Kulang ang kuwento ni Marie tungkol sa mga diablo. Ang tutoo'y pwede rin silang mamatay sa mga kamay ng isang taong may mabuting kalooban ngunit nagbabaga ang puso sa poot...tulad ni Rado.
Nasawi man sina Rado at Marie ay hindi naman nagtagumpay ang mag-asawang diablo na mailublob sila sa kasalanan. Naihatid pa ni Rado ang mga ito sa impiyernong dapat silang kalagyan.

Wakas