Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐SALAMIN

BARYO Wawa.
USO sa baryong ito ang utang na wala nang bayaran. Notoryus ang mga tao dito na matapos pahiramin ng pera ay galit pa kapag siningil na ng pinagkakautangan. Astig ang mga tao s baryo. Kahit yata bulok o mapangheng karne ay inuuutang ng mga taga-baryo. Kahit ano, kahit yata lamang-loob ng tao.
Ang problema at paiyakan na ay kapag siningil.
"Sabi po ng Nanay ko, wala daw siya," ang mga bata dito ay turuan, "balik na lang kayo bukas."
Kahit naman ikaw ang nagpapautang ay hindi ka na babalik dahil bukod sa gasgas na ang sapatos mo sa pagpapabalik-balik ay lugi ka pa sa pamasahe. "Sabihin mo sa nanay mong balasubas, isaksak niya sa baga niya ang pera niya."
Ilan nang usurera ang nabangkarote dito dahil matapos utangan ay pinagbantaan pa ang buhay. "Linsyok, parang hindi ka babayaran, ha? Baka gusto mong idemanda kita, alam mong bawal sa batas ang five-six!" Ang taray ni Aling Bing, na matapos pakinabangan ang pera ay galit pa kapag siningil.
Bukod-tanging ang usurerong si Elvaro lang ang hindi kayang paikutin ng mga tao dito. Tuso si Elvaro at walang makakaporma kapag hindi nagbayad sa kanya. "Ilabas ang gamit niyan sa bahay!" utos nito sa mga alalay na siga matapos pumalya ng bayad si Aling Bing.
Halos maglupasaysa pagmamakaawa ang ale. "Elvaro naman... nakakahiya sa mga kapitbahay. Huwag mo namang hakutin ang mga gamit ko. Please..."
Pinitik ni Elvaro ang sigarilyo. "Kungdi ba naman kapalmuks ka. Tinae mo na 'yun inutang mo, kaya dapat bayaran mo," asik niya sa babae.
Nguyngoy ang ale. "Kita mong gipit nga ako. Gipit na, kapit pa sa patalim."
"Kaya nga kita pinahiram, gipit ka. Kaya huwag naman ako ang gipitin mo," halatang galit, nangangalit na ang ngipin ni Elvaro.
"Ang lupit naman..." Hindi umubra ang drama ni Aling Bing.
Sa lugar nila ay nakakariwasa si Elvaro. Yumaman daw ang pamilya ng lalaki sa five-six. Bale ito ang negosyo ng nasira niyang ama o sabihin nang nawawalang ama na ewan ba kung saan nagpunta, basta nawala, at ang negosyo ay basta ipinasa na lang sa kanya. Ang daming narematang lupa dahil sa pagkakasangla sa kanila. Hindi na nga makahinga ang bodega nila sa dami ng gamit na nabatak mula sa mga hindi makabayad.
Ang ibang gamit na nabatak ay pinapahulugan ni Elvaro ng tatlong doble kaysa orihinal na halaga. Kumbaga, tubo na, tumubo pa.
"Sa panahon ngayon, utakan lang iyan. Ang daming taong manggagantso ngayon. Alangan namang pagulang pa ako. Hah...ako ang manggugulang sa kanila...hindi sila ang pwedeng makaisa sa akin..."
Kahahalungkat sa bodega ng mga pakikinabangan, isang lumang salamin ang muntik nang mabasag nang masagi ni Elvaro. May kalabuan na ang salamin at sa tingin niya ay basura na lang at wala nang pakinabang pa.
"Dapat dito ay itapon na sa basura," ang sabi niya sa sarili pero sa huli ay nagdalawang isip. "Sayang naman at baka puwede pa itong ibenta."
Kundi ba naman tuso ang ama ni Elvaro, pati ba naman salamin ay binatak pa?
Kung bakit ba naman sa minsan niyang pagsulyap sa salamin ay may nakita siyang magnanakaw na dumaan.
Nang lingunin niya , wala namang tao sa likod niya. Guniguni lang ba?
Siyempre pa, kinilabutan siya.
Kasunod niyon ay nakadinig siya ng sigaw, nagkakaingay sa katabing bahay nila.
May sumisigaw na: Magnanakaw!
Mula sa bintana ng kapitbahay ay natanaw niya na may tumalon na magnanakaw. Eksaktong imahe ng magnanakaw na nakita niya sa salamin.
Ibig bang sabihin, ang salamin ay mahiwaga at nakakakita ng mga tao o pangyayari sa paligid nila?
Imbes na matakot ay napangisi si Elvaro. May dahilan naman pala kung bakit pinag-interesan pa ng tatay niya ang salamin.
Malay niya, baka ito pa nga ang nagbigay ng suwerte sa kanila.
Iniliabas niya ang salamin sa sala at buong gilas na pinunasan. Luminaw naman ang salamin. Ang kintab. Isinabit niya sa poste sa sala katapat ng sofa.
Sa pagod dala nang panghahalungkat sa bodega ay nakatulog si Elvaro sa sala. Ni hindi nga niya nakita na umusok iyon at may matandang babae sa loob ng salamin na nakatitig sa kanya, buhaghag at puti na ang lahat ng buhok, nakalaylay na ang balat sa mukha at mapupula ang mga mata. Lumuluha ng dugo ang matanda.
Naalimpungatan si Elvaro at awtomatikong napatingin sa nakasabit na salamin. Nagulat siya nang makita ang mga balas ng dugo dito. Nagtataka man ay pinunasan ni Elvaro ang salamin. "Saan kaya nanggaling ang dugo?"
Palaisipan sa kanya ang bakas ng dugo na parang kinalmot ang pagkaguhit sa salamin. Muling sinipat ni Elvaro ang mukha sa salamin. Malinaw niyang nakita ang pagtubo ng mliliit na butlig sa mukha. Makinis ang mukha niya at nagtataka talaga siya kung paanong nagkaroon siya ng mga butlig. Tiniris niya ang isa. May pumuslit mula doon na mabahong likido amoy ng nabubulok na laman.
Nasuka si Elvaro sa amoy. "Huwaaark!"
Kakuriputan at baka mabawasan ang kayamanan kaya ni hindi nagpatingin sa duktor si Elvaro. Mas gusto pa niyang maburo ang pera sa baul kaysa ibayad sq duktor. Hindi raw siya isang tanga na payayamanin ang duktor gayong simpleng taghiyawat lang daw ang tumubo sa kanyang mukha.
Pagdating nman sa kasiyahan sa labas ay nangunguna sa pagiging galante si Elvaro. Hindi siya nanghihinayang gumastos basta sa alak at babae.
"Sky is the limit," aniya sa mga katropang lasing na kasama niya sa isang girlie bar.
Ang lakas makasilaw ng bungkos ng pera na binibilang niya sa mismong harap ng mga babaing nagbebenta ng aliw. Hindi na siya pinakawalan ng isang babae na kilala bilang alyas Lovely. "Gusto mo bang ipalit ko ang mukha mo dito sa pera," pumapel siya kay Lovely na halaang silaw at mahilig sa pera.
Bumungisngis ang babae. "Puwede ba iyon?"
Ngumisi si Elvaro. "Ako pa? Kung gusto mo magpa-imprenta ako ng saraling pera tapos ang ilagay ko... nakahubad."
Tawanan.
Ganoon kadaling silawin ni Elvaro ang babae. "Basta, sundin mo ang gusto ko, babayaran kita."
Malupit si Elvaro. May pagkasadista.
Ang kalupitan ni Elvaro ay nakikita sa harap ng salamin sa sala.ang pagkaladkad niya sa babae na sabunot ang buhok nito, ang pagtadyak sa likod nito, at ang pang-uumbag sa babaing halos tulo na ang uhog at luha sa kalaiyak.
Napangisi si Elvaro nang makitang duguan na ang mukha ni alyas Lovely.
Walang-wala sa loob ni Elvaro nang mapasulyap siya sa salaminat makita ang anyo ng babae na nakabigti at halos lawit na ang dila sa sobrang hirap.
.Nahimasmasan si Elvaro. Bigla siyang pinawisan nang malagkit. Inutusan niyang umuwi na ang babae. Inihagis niya ang pera sa kandungan nito. "Hayan ang bayad mo...bilis...layas na!"
Kinabukasan ay nalathala sa mga tabloid ang tungkol sa isang babaing bayaran na nagbigti. Ayon sa report ay lawit ang dila nito. Kinilabutan si Elvaro nang mabalitaan ang pagbibigti ni Lovely.
Nasindak si Elvaro pero agad nakabawi sa takot. Siya ang klase ng lalaki na saglit lang masindak.
Katwiran niya, sa mundo kapag mapera ka, kayang tapalan ang bibig nang gustong umangal. Kayang paikutin sa palad ang mga sabik sa karangyaan. Kayang ipahimod ang kanyang tinatapakan. At kayang bumili ng kaligayahan.
Walang puwedeng pumorma sa astig na si Elvaro. Kaya niyang baligtarin kung ano ang totoo. Kaya niyang bumili ng buhay.
Tuloy na naman ang tusong buhay sa kanya.
. "Mang Elvaro... baka puwede hong sa isang linggo na ako magbayad," anang dalagitang nagtatrabaho sa pabrika.
Maliit lang naman amg inutang kay Elvaro pero abut-abot ang kaba nito dahil hindi pa sila pinasasahod sa pinapasukang garment factory.
Lumitaw na naman ang pamusong ngisi ni Elvaro. "No problem," aniyon, pero mukhang nangungursunada.
Basta maganda, no problem. Subukan lang na ang mangutang sa kanya ay mukhang babaing barako o tinubuan ng talaba ang paa, tiyak na pagsusungitan na niya. Tulad ni Aling Siony.
"Mga balasubas kayo....kung hindi kayo makakabayad hanggang bukas, iilitin ko lahat ng ari-arian nyo. Huwag ninyong sanihin na hindi ko kayo binigyan ng babala."
Luhod sa pagmamakaawa si Aling Siony. "Parang awa mo na, Elvaro...bigyan mo pa kami ng palugit."
Matigas si Elvaro. "Masyado ng malaki ang ibinigay kong palugit. Kung hindi kayo makakabayad, lumayas kay sa tinitirhan ninyo dahil ako na ang may-ari nito."
Nagpupuyos sa galit ang isang matandang dalaga. "Ang lupit mo naman. Wala kang puso. Kung tutuusin ay maliit lang ang inutang namin pero tumubo nang tumubo. Baka sa sobrang tubo, tubuan ka na ng bukol."
Hindi nagustuhan ni Elvaro ang patutsada ng matanda. Sumenyas si Elvaro sa mga kasama na patahimikin na ang babae.
Gabi, sa pamamagitan ng mahiwagang salamin sa sala ay nakita ni Elvaro ang eksena
kung paano pinutulan ng dila ng kanyang alalay ang matanda na may matabil na dila. Sobra pa sa inaasahan ni Elvaro, piniringan pa sa mata ang daawang matanda, dinala sa matalahib na lugar at doon ginilitan ng leeg. Ang lahat ng kabuktutan na iyon ay parang eksena sa pelikula na napapanood ni Elvaro sa mahiwagang salamin.
Sa totoo lang hindi pa nagaganap ng eksena, magaganap pa lamang. May kakayahan pa siya pigilan ang eksena nang patayan pero hindi niya ginawa.
Isang oras pa matapos niyang mapanood ang eksena ay tumawag sa kanya ang isang bataan at nagsabing, "Bos titirahin na namin ito!" Kasunod niyon ay nadinig niya ang sigaw ng matanda na pinutulan ng dila.
Naisip ni Elvaro, kung ang salamin na ito ay nakakakita ng mga bagay na mangyayari pa lamang, ay tiyaknna malaking pera ang iaakyat nito sa bahay niya.
Ano kaya kung gamitin niya ang salamin sa pagbasa ng kapalaran ng iba? Sa mundo pa naman auly ang dami ng taong mainipin at gustong makita agad kung ano ang magyayari kinabukasan.
Ang tungkol sa mahiwagang salamin ay nalaman nga ng iba kaya nan sa unang araw pa lamang ay dinagsa na ng tao ang bahay ni Elvaro.
Isang maganda at seksing babae na mukhang donya ang una niyang parokyano. At sa pamamagitan nga ng mahiwagang salamin ay nakita ng babae ang eksena kung saan magtataksil angbkanyang asawa.
Matapos magbayad ng malaking halaga ay nagpupuyos sa galit na umalis ang babae. "Sabi na nga ba, may babae ang taksil! Ipapayari ko ang animal!"
Pangisi-ngisi lang si Elvaro. "Lagot ang asawa ng babaing iyon. Away na umaatikabo ito."
Ang sumunod na nagpahula sa harap ng salamin ay ang mataas na opisyales ng gobyerno sa lugar nila. Nakita ng pulitiko sa salamin kung paano siya pagbabarilin ng mga nakamaskarang lalaki sakay ng motor.
Natawa ang pulitiko. "Kalokohan lang iyan. Hindi mo ba alam sampu ang buhay ko." Matapos magbayad ng malaking halaga ay matawa-tawang umalis amg pulitiko.
Hindi pa man nakakalayo ang pulitiko ay madidinig na ang mga putok. Niratrat ng bala ng mga nakamaskarang lalaki ang sasakyan ng pulitiko.
Nagkagulo sa lugar nila kaya isinara muna ni Elvaro ang bahay. Binilinan niya ang bagong relyebong guwardiya na huwag magpapasok ng kahit na sinong tao.
Si Elvaro man ay nanlumo lalo pa't kapag nagkataon ay dudumugin siya ng mga tao. Gusto muna niyang mapag-isa.
Tumungga ng alak si Elvaro para alisin ang namumuong kaba. Kinausap niya ang salamin. Ano bang hiwaga mayroon ka at pati ako ay tinatakot mo?"
Sa harap ng salamin ay nakita niya ang anyo ng isang halimaw na nagkahugis bilang matandang babae na puti na ang buhok, nanlilisik ang dumudugong mata at buong suklam na nakatingin sa kanya.
Lumingon siya sa likod pero wala ang matanda.
Muli siyang tumingin sa salamin. Lalo siyang nasindak ng makita ang mukha. Parang may pumipintig sa loob ng kanyang mukha. Parang may mga buhay na nilalang na gustong kumawala. Nagwawala. Ang mga butlig sa kanyang mukha ay palaki nang palaki, malaki pa sa bukol. Tinutubuan siya ng malalaking bukol. Isang bukol ang pumutok, atmula roon ay tumalsik ang maliit na ulo ng matandang bruha. Paang popcirn. Nagsiputok ang iba pang bukol at nagtalsikan ang maliliit pang mukha. Nakakatakot ang naging anyo ni Elvaro. Sa harap ng salamin ay nakita niya kung paano unti-unting naagnas ang kanyang mukha. Patang gustong burahin ng salamin ang kanyang pagmumukha.
"Hindiii!" sigaw niya.
Hinigop si Elvaro ng mahiwagang salamin, kasunod niyon ay ang halhakhak ng babaing halimaw. Ni hindi man lang nabigyan nh pagkakataon si Elvaro na makilala ang halimaw sa loob ng salamin. At ni hindi niya rin naisip na ang misteryosong pagkawala ng ama ay gawa rin ng mahiwagang salamin.
Nawala ang salamin sa sala. Kung kanino mapupunta, hindi pa alam pero iisa ang tunay...tiyak na mapupunta sa taong mau maitim na bughi, ganid at nahihirati sa paggawa ng masama.
Tumingin ka sa salamin, baka nasa repleksiyon mo na ang halimaw sa loob ng salamin.

Wakas