Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐TEXTMATE

MANG DARGO
PAANO hindi magsisikap ang trapiko, lahat na lang yata nang mapasadahan ng tingin ni Mang Dargo sa daan ay inaabot ng disgrasya. Isang kotse ang nakita niyang sumampa sa bangketa. Nagkarambola ang dalawang van. At pagpreno ng isang trak ay pumailalim naman doon ang isang motorsiklo.
Napailing si Mang Dargo dahil sa nasasaksihang sunud-sunod na aksidente. Hindi lang kasi miminsan na naging saksi siya ng mga iyon. Hindi na nga niya iyon mabilang kung tutuusin.
"Hindi kasi nag-iingat," anang taxi driver sa sarili.
Napansin niya ang pagkaway ng isang pasahero. Nagmenor siya para isakay iyon. "Kalimitan kasi sa drayber nagmamaneho ng puyat kundi man nakainom ng Alam. Mga walang inga kaya lagi na lang napapahamak," ani pa ng lalaki habang sinusulyapan ang bagong pasahero na sa backseat ng taxi naupo.
"Saan tayo, boss?" tanong niya sa lalaki.
"Sa Mazota. May kalayuan pero ako na ang bahala sa iyo. Huwag ka nang gumamit ng metro," anito sa mababang tinig.
"Malayo 'yun, boss. Dadaan pa tayo ng expressway."
"Ako ang magbabayad ng toll."
"Pero..."
"Dos mil kinyentos. Akin ang toll papunta at pagbalik mo. Ako na rin ang bahalasa gasoline. Importante lang na makarating ako sa pupuntahan ko bago maghatinggabi." Dalawang libo limangdaan. Libre toll. Libre gasoline.
"E, sige, boss. Magpakarga muna tayo para sigurado." Inabutan siya ng isang libo ng lalaki. Sobra-sobrang panggasolina sa tantiya ni Mang Dargo. Napangiti siya. Galante ang pasahero niya.
Hindi nakatiis, sinulyapan ni Mang Dargo sa salamin ang sakay na pasahero. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil bukod sa madilim ay nakasuot pa ng sumbrerong itim kaya natatakpan ang mukha. Sinauna yata o estranghero ang lalaking ito dahil bukod sa itim na kape ang suot ay tigas ang leg sa pagkakaupo.
Hindi na lang pinansin ni Mang Dargo ang kanyang pasahero. Sabay na naman siya sa iba't ibang klase na mga nakakahalubilo. Nay naisakay nga siyang isang balikbayan na sa sobrang kuwento ay hindi namalayan na lagpas na pala sika sa pupuntahan. Maroon lamang pasahero na hindi inaano pero nagsusungit.
Mayroon din namang malakas magbigay ng tip. Mayroong humihingi ng resibo. Mayroon ding pasahero na kulang na nga ang bayad ay humihingi pa ng sukli.
Ang hindi naman niya mapapalagpas ay iyong hoholdapin na siya, sasaksakin pa.
Ang damit na rin kasi niyang kasamang tsuper ng taksi ang nalagas ang buhay gawa ng mga taong halang ang kaluluwa at namemerhuwisyo sa buhay ng iba.
Ganitong kailangan niyang kumita ng malaki ay talagang lalaban si Mang Dargo sa sino mang magtatatangka sa pera niya. May inuungot pa namang cellphone ang paborito niyang si Junior.
Ewan nga ba niya, kahit hindi gaanong matino ang anak niyang iyon ay sinusunod naman niya ang luho palibhasa ay solong anak na lalaki kaya bigay ang hilig sa kanya. Pang-ilang cellphone na ba ang ibinili sa kumag na iyon? Sabi, naholdap daw iyong una. Iyon naman pangalawa, nabagsak raw sa toilet bowl, sira na.
Ang lakas mambola. Hindi raw makakadiskarte sa magandang tsiks kung walang pang-text.
Naaliw si Mang Dargo sa isiping maibibigay sa bunso ang cellphone na inuungot nito. Nagulat pa siya nang mapansing naka-exit na sila sa highway pero hindi matao at mahaba ang sabana.
Biglang natapakan ni Mang Dargo ang preno nang sumigaw ng Paraa! ang lalaki.
Tuluy-tuloy na ring bumaba ang kanyang pasahero matapos ibalibag ng ubod lakas ang ang pinto ng taksi.
"Bos, bayad mo!" sigaw ni Mang Dargo, na agad kinuha ang isang tubo na gamit niyang pang-emergency.
Ni hindi tumingin sa kanya ang lalaki, diretso lang ang lakad. "Hindi mo ba kilala kung sino ako?" asik nito sa malaking tinig.
Napikon si Mang Dargo. "Bakit sino ka ba?" umalsa na ang boses niya kasabay nang pagbukas sa pinto ng taksi.
"Ako si Crime!" ang yabang ng lalaki. "And Crime does not pay!"
Bumaba ng taksi si Mang Dargo at mahigpit na hinawakan ang tubo para hatawin ang naging pasahero na gusto siyang takbuhan. Kumaripas iyon ng taken. Bago pa man siya tuluyang nakahabol ay nawala na sa paningin niya ang balasubas na lalaki.
Kinain iyon ng dilim.
Nagpupuyos sa galit si Mang Dargo.
Daig pa niya ang naholdap dahil hindi niya kabisado ang lugar na pinaghatiran niya sa lalaki, kahit malapit sa highway ay parang Lublin ang Mazota at halos wala yatang taong nagdaraanan. Mataas din na tila bangin ang gilid ng kalsada kaya kailangang sobrang ingat ang kailangan sa pagmamaneho.
Kaya naisip ni Mang Dargo, kung hahabulin pa niya ang lalaki ay baka lalo pa siyang maperhuwisyo.
Ang manibela ang pinagdiskitahan ni Mang Dargo. "Buwisit! Buwisit talaga!" Pagtapak sa silinyador ay pinatakbo niya ang taksi pabalik ng Maynila.
Laking disgrasya talaga.
Natangay ang inaasahan niyang maiipon para pambili ng cellphone ng anak.
Mahirap pa namang pangakuan ang batang iyon, nagtatampo, hindi kumakain at maghapong natutulog.
Napatiimbagang si Mang Dargo. Ngitngit na ngitngit.
"Ang laki kong tanga!" sisi niya sa sarili. "Dapat ay hinigi ko na agad ang bayad niya!" May tumunog na ringtone mula sa likuran ng upuan.
Natigilan si Mang Dargo. Awomatiko siyang napalinga sa backseat ng takes. Nakita niya ang cellphone na umilaw-ilaw pa. Inabot niya iyon.
Pag mamalasin nga naman ang lalaking nanuba sa kanya, Nasaan pa ang cellphone. Buti nga sa kanya.
Ganun na lang ang tawa ni Mang Dargo. "Pag mamalasin nga naman. Akala yata ng lalaking iyon isosoli ko pa ito sa kanya, ha? Manigas siya!"
Dinampot niya ang cellphone at binasa ang message sa inbox: Kasmot, nasaan na na? Nakati-katihan naman niyang sagutin: Nasa impyerno na!
Iglap lang ay lumulipad na ang taksi ni Mang Dargo. Wala na siyang kontrol sa sasakyan. Kahit yata tapakan niya ang preno, ayaw bumigay.
Dire-diretso ang sasakyan sa bunganga ng bangin. Bumulusok pababa ang taksi sa bangin. Pabagsak, umapoy. Hindi na nakalabas si Mang Dargo sa taksing nag-aapoy. Daig pa ni Mang Dargo ang naluto sa impiyerno.

BANGAG
SI Bangag ang nahdala ng balita kina Junior. Kaibigan ito ng anak ni Mang Dargo peri mas matanda dito ng halos limang taon.
"Sori, 'tol," sabi nito na lukot ang mukha, "pero naaksidente raw ang epa mo. Nahulog sa bangin ang taksi niya. Todas. Sa Barangay Mazota raw nangyari."
Nakuha raw ni Bangag ang balita sa tiyuhin naman nitong kasamahang driver ni Mang Dargo at nagtatrabaho sa kompanya ng taxi kung saan matagal nang nagmamaneho ang ama. Iniyakan ni Junior ang pagkasawi ng ama.
"Daddy, paano na ang cellphone ko?" iyan ni Junior na panay ang pagwawala.
Halos tumulo na ang luha at uhog ng binatilyo sa sobrang kaiiyak. Wala na raw maghahanapbuhay para sa kanila. Wala na raw itong ibibili ng 'bilog' kapag walang labas ang taksi ni Mang Dargo.
Awat naman si Junior ng gusgusing katropa na panay ang bulong sa kanya. "'Tom, may Inabot ba cellphone yung imbestigador sa madrasta mo," ani Bangag na itinuro ang kausap na pulis ng madrasta ni Junior.
Hinablot ni Junior ang cellphone sa kamay ng madrasta. "Akin iyan. Binili sa akin iyan ng tatay ko!" Huling umiyak si Junior. "Italy, hanggang sa huling, kapakanan ko pa rin ang iniisip mo."
Napapangisi naman si Bangag sa sobrang akting ng katropa. "Naka, pang-Famas, ha?" Madaling Mauo ni Bangag si Junior. Marami itong gimik. Nariyan ang hiniram dati ang cellphone ni Junior pero nang Bumalik, wala na raw at tinangay na ng snatcher.
Eto na naman si Bangag. "Junior, ipahiram mo sa akin Ilang cellphone mo. Tatawagan ko lang iyung iba pa nating katropa para masaya."
Siyempre pa, kabado na si Junior na baka mawala ang kahuli-hulihang cellphone na sa pagkakaalam niya ay galing sa ama. "Wala akong load," dahilan na lang niya.
"Akina, ako na ang bahala sa load," makulit si Bangag, lahat na yata ng dahilan ay ibinigay.
"Ingatan mo iyan, ha?" Masama ang loob na iniabot ni Junior ang unit.
Kungdi lang marami siyang upang na loob kay Bangag, hindi niya ipahihiram dito ang bago niyang cellphone.
Kakaiba pa naman iyon. Wala pa siyang nakitang gabing brand.
Lumapit ang madrasta kay Junior. "Wala ka talagang kadala-dala sa isang iyon!" inis na sabi ng babae saka matalim na sinundan ng titig si Bangag na nagmamadaling umalis.
"Huwag ka ngang makialam," asik ni Junior sa madrasta na kahit kelan ay kakontra niya.
"Lulong sa droga si Bangag kaya kahit ano ay ibinebenta. Sabi ng nanay niya ultimong kaldero sa bahay, kalan, at kahit anong may halagang gamit ay ibinebenta para may ipangtustos sa bisyo. Iwasan mo siya kung ayaw mong mapariwara ang buhay mo," Panay ang pangaral ng madrasta.
Sumimangot si Junior. Kaya hindi sila magkasundo ng babae ay dahil ayaw niyang pinapakialaman siya.
"Huwag ka sabing makialam!"
Sa totoo lang, kabado rin si Junior.
Pati cellphone na huling alaala ng ama ay mukhang mapupurnada pa. Paano kung ibenta ito ng palugi ni Bangag.
Si Bangag nga ay naghahanap na ng buyer. Ang daling idispatsa ng cellphone na hawak niya. Kahit talaga palugi au ibenenta niya para may maipambili siya ng bisyo.
May nag-text: Hoy, adik! Ilang kilo ba ng shabu ang gusto mo?"
Nagulat ang binatilyong bulong sa groga.
Napagtripan nitong sagutin ang text: "Hoy, Kumag! Kapag wala kang nailabas na shabu, isasangla ko pati kaluluwa mo sa impiyerno, kumag ka!"
Nagulat si Bangag nang lambungan ng dilim at nang maliwanag ay makita ang sarili sa isang lugar kung saan puno ng masakit sa matang usok ang paligid. Pulang-pula na ang mga mata ng mga nato roon. Madugo.
"Hell!" bulalas niya.
At dahil sa sinabi niyang iyon, bago pa man nakaporma si Bangag, nakalawit na siya ng palakolni kamatayan.
JUNIOR
NAKATULOG si Junior na ang cellphone na bigay ng ama ang nasa isip. Mula nang mailibing si Mang Dargo ay hindi pa iyon isinasauli ng kabarkada.
Wala na ngang Bangag na Bumalik, pero paggising ni Junior isang umaga ay gayon na lang ang gulat Aniya nang makitang katabi na ang cellphone. Buti na lang isinauli. Kahit paano ay naibsan ang pangamba niya na tinakasan na siya ni Bangag.
Wala na si Mang Dargo. Wala na ang taong maghahanapbuhay para sa kanya.
Lalong naging matamlay si Junior, at ang gusto na lang gawin ay mahiga sa maghapon at sa magdamag. Tamad na tamad ang batugan.
"Kumilos ka naman," anang madrastang inis na sa stepson.
"Heh!" asik ni Junior sa pangalawang asawa ng ama.
Walang tigil sa arangkada ang bunganga ng kanyang madrasta na kandairi na sa pag-iigib ng tubig habang nakahilata si Junior sa sofa.
"Inuuod na'ng mata mo sa kakatulog," inis na si Aling Flor.
Buong buhay niya, wala na yatang gustong gawin si Junior kundi kumain at matulog. Hindi uso sa kanya ang salitang trabaho. Mas gusto pa niyang makipagbolahan sa text, at igudtaym ang ka-textmate.
May nag-text: Hoy, Katuga...puwede ba tayong mag-eyebol?
Sinagot niya ang text: Sure. Magsabi ka lang, darating ako.
Wala talagang balak makipagkita si Junior sa textmate. Sinusuwerte ba iyon. Mamaya pa niyan, hiritan pa siyang magpakain, 'no? Mas masarap pa yatang matulog.
Pagpikit ng mga mata ni Junior, nakita niya ang isang pagkalaki-laking mata. Napakalaking eyeball na halos higupin siya sa mga titig na iyon.
"Sino ka?" takot na takot na tanong niya pero walang boses na lumabas sa kanyang mga labi.
"Ako ang textmate mo, ang ka-eyebol mo."
Halos panindigan ng balahibi si Junior laki pa't nakikita niyang nilalabasan ng maraming uod ang mata. Kinabukasan, hindi na nagising si Junior. Binangungot. Habambuhay na siyang matutulog.

Wakas