Pinoy Horror Story

Pinoy Haunted Pocketbooks


´╗┐Weird!

HUwag mong pagtawanan ang kinagisnang ugali ng iyong kaibigan, sapagkat maaaring iyon pa ang makatulong sa iyo sa sandal ng iyong kagipitan!

MATAGAL nang patay ang lolo ni Nelda, ngunit hanggang sa kanyang paglakivay dala niya sa kanyang isipan ang mga parangal nito. Maraming kuwento ang lolo ni Nelda tungkol sa mga kababalaghang nagaganap sa mundo na kanyang pananiwalaan.
Alam na alam niya ang tungkol sa mga lamang-lupa, kapre at tikbalang. Ang tungkol sa mga diwata at kung ilan ang ang kulay ng mga iyon. Maging ang tatlong klase ng mga duwende ay batid din niya.
Nasabi rin kay Nelda ng kanyang lolo ang tungkol sa mga aswang at kung ilang uri mayroon ang mga iyon. Maging ang mga pangontra sa mga aswang ay alam din niya. Minsan ay may nabanggit din ang kanyang lolo tungkol sa mga manlalason na nasa dakong Kabikulan at Kabisayaan.
Dahil sa kakiba niyang paniniwala ay nabansagan siyang weird ng kanyang mga kakilala. Pero jindi niya pinapansin ang mga sinasabi ng ibang tao. Basta ang mahalaga para sa kanya ay hindi niya napeperwisyo ang mga iyon at hindi siya gumagawa ng masama.
Isang araw ay nag-announve ang kanilang teacher, kailangan nilang gumawa ng group study tungkol sa mga kakaibang nilalang dito sa mundo.
"Ang grupo natin ay pupunta sa Samar upang humanap ng kakaibang nilalang na puwede nating pag-aralan," malakas na sabi ni Mrs. Toledo.
"Ma'am, bakit hindi na lang si Nelda ang pag-aralan natin, hindi ba't kakaiba rin naman siya?" pilyong tanong ni Albert.
Tawanan ang lahat nang marinig ang sinabi ni Albert.
"Tama na iyan," saway ni Mrs. Toledo sa kanyang mga pupil. "Hindi biro ang assignment nating ito, kaya ituon ninyong lahat ang inyong mga isipan sa gagawin nating pag-aaral. Dito nakasalalay ang inyong mga grade," dagdag pa ng kanilang teacher.
"Ma'am, sino naman ho ang magiging guide natin sa Samar?" interesadong tanong ni Princess, ang kanyang bestfriend.
"Si Angela ang magiging guide natin dahil tagaroon siya. Maaga ko kayong pauuwiin ngayon para maihanda ninyo ang inyong mga dadalhing gamit. Bukas nang umaga ay sama-sama tayong aalis patungong Samar."

MAGKAKASAMA sa dorm sina Nelda at Princess. Habang nag-eempake ng kanyang mga dadalhin ay napansin nito ang maraming bawang at kalamansing dala niya.
"Para saan naman ang mga iyan?" tanong ni Princess kay Nelda.
"Pangontra sa mga aswang at manlalason," sagot niya sa kaibigan.
"Hello, mayroon pa bang mga ganoong nilalang sa panahon natin?" niglang napaismid na sabi nito.
"Libong taon man ang dumaan ay hindi mawawala ang mga aswang at kakaibang nilalang dito sa mundo. Kaya nga iyon ang pag-aaralan natin, di ba?"
"Nelda, ang tinutukoy ni ma'am na kakaibang mga nilalang ay iyong mga halaman at hayop na sa kagubatan lang madalas na matagpuan. Hindi kagaya nang iniisip mo na aswang at manlalason."
"Gusto ko lang maging handa sa lahat ng pagkakataon, Princess."
"Bahala ka na nga, kaya ka nasasabihang weird dahil sa kung anu-anong pinagsasabi mo."
Ipinagkibit-balikat na lang ni Nelda ang sinabi ng kaibigan. Sanay na siya sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya, kaya anuman ang kanyang marinig ay parang hangin lang na dumaan sa kanyang pandinig. .
Kinabukasan anim lang silang dumating sa takdang oras ng usapan. Kasama pa roon si Angela na kanilang magiging guide.
"Ma'am, bakit tayo lang ang aalis?" tanong agad ni Princess.
"Iyong iba ninyong mga kaklase ay hindi pinayagan ng kanilang parents na sumama sa atin. Sila na lang daw ang bahala sa ating gagastusin kaya parang kasama na rin natin sila," paliwanag ni Mrs. Toledo.
"Kung ganoon ay wala ho pala kaming magiging gastos sa lakad na ito?" maluwang ang pagkakangiting sabi ni Jayvee.
"Tama. Libre ang lahat, ngunit ibabahagi natin sa mga classmate ninyo ang lahat ng ating mapag-aaralan."
"Okay!" tuwang-tuwang sabi ni Albert, ang pinakamayabang at alaskador niyang classmate.
Isang L300 van ang sinakyan nina Nelda, Princess, Noime, Angela, Jayvee, Albert, at Mrs. Toledo. Ang sasakyang iyon ang naghatid aa kanila sa pier.

PAGUD na pagud ang buong grupo dahil sa mahabang biyahe nang makarating sila sa bahay nina Angela.
"Pagpasensiyahan na ninyo ang aming bahay. Hindi ito kalakihan ngunit kasya naman tayong lahat dito," wika ni Aling Doray, ang ina ni Angela.
"Kami ho ang dapat na humingi ng paumanhin sa inyo dahil makakaabala kami nang isang linggo rito sa inyo," magalang na savu ni Mrs. Toledo.
"Wala ho kayong aalalahanin sa aming mag-asawa. Sanay na ho kaming tumanggap ng maraming bisita dahil madalas magsama si Angela ng mga kaibigan niyang taga Maynila rito sa amin," sabat ni Mang Sosimo, ang ama ni Angela.
Bahagyang napakunot ang noo ni Nelda nang marinig ang sinabi ni Mang Sosimo. Wala kasing nababanggit sa kanila si Angela na nakapagsama na ito ng nga kaubigang taga-Maynila.
"A, hindi ko nga pala nabanggit sa inyo na minsan na akong nakapagsama ng mga naging kaibigan ko rito sa amin. Fiesta kasi noon at nasa kabilang school pa ako noon kaya hindi ko na na sabu sa inyo," maagap na wika ni Angela bago bahagyang siniko ang ama na hindi nakaligtas sa mapanuri niyang paningin.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay mapag-obserba aiya sa nga kilos ng tao kapag nasa ibang lugar siya. Bahagi iyon ng itunuri ng kanyang lolo, upang palagi raw siyang maging ligtas sa anumang kapahamakan.
"Magpahinga na muna kayo at maghahanda lang kami ni Angela ng pagkain," makahulugan ang Ngiting sabi ni Aling Doray.
Habang naghahanda ng pagkain ang mag-ina at sinamahan sila ni Mang Sosimo sa kanikang magiging kuwarto. Tatlo lang ang silid sa bahay na iyon kaya magkakasama sina Nelda, Princess, Noime at Mrs. Toledo sa isang kuwarto. Sa kabikang kuwarto naman ay sina Jayvee at Albert.
Unang gabi pa lang nila sa bahay nina Angela ay nakadama na ng kilabot si Nelda. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa mag-anak sapagkat nahuli niya ang mga kakaibang sulyap ng mag-asawang matanda sa kanila.
"O, Nelda, bakit ayaw mo pang ayusin ang iyong mga gamit?" tanong ni Princess sa kanya nang hindi niya tinagin ang mga kagamitang nasa loob ng kanyang bag.
"Hindi ko na Aalisin sa bag ang mga gamit ko. Mabuti na iyong nakahanda, anuman ang mangyari ay madali akong makakaalis sa lugar na ito," sagot niya sa kaibigan.
"Umiral na naman ang kawirduhan mo," sabi ni Noime nang marinig ang kanyang sabi. Mayamaya pa ay Tinawag na sila ni Angela. Kanahanda na raw ang kanilang hapunan. Kumuha si Nelda ng isang ulo ng bawang at ilang pitaso ng kalamansi buhat sa kanyang bag. Pasimple niyang isinilid sa kanyang bulsa ang mga iyon at pagkatapos ay saka niya binuksab ang pinto.

ASADONG atay, dinuguan at bulanglang na sitaw abg nakahaing ulam sa mesa.
"Wow,ang sarap naman ng mga ito," bulalas ni Jayvee.
"Talagang inihanda ko ang mga iyan para sa inyo. Kain na kayo," nakangiting sabi ni Aling Doray.
"Nakakahiya naman ho sa inyo. Hayaan ho ninyo bukas ay mamimili kami ng mga pagkain para hindi kami maging pabigat sa inyo," wika ni Mrs. Toledo.
"Naku, Huwag ho kayong mag-alala, marami kaming stock na karne sa ref," makahulugan ang Ngiting sabi ni Mang Sosimo.
"Kumain na kayo at Huwag kayong mahihiya sa amin. Ituring ninyo kami na parang kapamilya," mulung wika ni Aling Doray.
"Sumabay na ho kayo sa amin," anyaya ni Princess sa mag-anak.
"Kumain na kaming mag-asawa. Angela, anak, sabayan mo na sila," ani Aling Doray. Habang nalilibang ang mga ito sa pag-uusap ay palihim na pinisaan ni Nelda ng kalamansi ang mga nakahaing pagkain. Nangilabot siya nang makita na kumibot ang mga karne sa asadong atay at dinuguan. Natiyak ni Nelda na karne ng tao ang mga iyon na kagaya nang ainabi ng kanyang lolo.
Agad sing simigid sa kanyang isipan na mga aswang ang mag-anak. Guso sana niyang sawayin sina Jayvee, Albert at Noime sa pagkain ng mga uyon, ngunit huli na ang lahat. Nilantakan na ng mga ito ang mga karne at hundi pinansin ang gulay na alam niyang ligtas kainin.
"Ano pa ang hinihintay mo, Nelda? Kaun na, " wika ni Angela.
Bahagyang nanginig ang ang kanyang kamay nang Kumuha siya ng kanin at lihim siyang nakapagpasalamat dahil walang nakapansin sa kanyang panginginig. Habang sumusubo ay pilit niyang nilabanan ang takot na nadarama sa pagkakaalam na nasa bingit sila ng kamatayan sa loob ng bahay na iyon.
"Mrs. Toledo, ayaw ho ba n'yo ng ulam?" hindi nakatiis na tanong ni Angela nang hindi rin Kumain ng mga karne ang guro.
"Vegetarian kasi ako kaya gulay na lang ang sa akin," sagit ni Mrs. Toledo.
Lihim siyang nakahinga nang maluwag nang marinig ang sagot ni Mrs. Toledo. Nang si Princess ang Kumuha ng asadong atay ay palihim niyang siniko ang kaibigan. Ayaw sana niyang mapahamak si Princess, ngunit hindi siya nito pinansin.
"Nelda, bakit ayaw mong tikman ang asado at dinuguan?" tanong sa kanya ni Aling Doray.
"N-nangingilabot ho kasi ako sa sobrang laki ng mga hiwa ng atay. Parang hindi ho ito karne ng baboy sa halip ay parang atay ng tao. Ganoon din ho ang dinuguan, masyadong maputla ang mga lamang-loob at humihiwalay ang dugo kapag kinutsara," sagot niya sa una ni Angela upang kahit na paano ay mabigyan niya ng babala ang mga kasama habang kokonti pa lang abg nakakain ang mga ito.
Biglang gumuhit ang galit sa mukha ni Aling Doray, ganoon din si Mang Sosimo.
"Umiral na naman ang kawirduhan nitong si Nelda. Aling Doray, huway n'yo aiyang pansinin talaga hong ganyan na ang ugali niyan. Palibhasa ay lumaki sa poder ng kanyang lolo na walang alam ikuwento kung hindi ang tungkol sa mga maligno at aswang," maagap na sabi ni Princess bunga nang matinding pagkapahiya.
"Nelda, humingi ka ng paumanhin kay Aling Doray, " utos sa kanya ni Mrs. Toledo.
"P-pasensiya na ho, nagbibiro lang po ako," yuko ang ulong sabi niya upang hindi makahalata ang mga magulang ni Angela.
Pagkatapos kumain ng hapunan ay tumulong sina Princess at Noime sa pagliligpit ng kanilang kunainan. Ang dalawang lalaki naman ay nagtungo sa balkone upang sumagap ng sariwang hangin at para magpababa ng kinain.
Si Nelda ay patungo sa kuwarto at kumuha ng ilang ulo ng awang. Balak niyang bigyan ng mga iyon sina Jayvee, Albert, Princess at Noime, upang kahit paano ay may hawak na pangontra ang mga ito.

INABUTAN ni Nelda na masayang nagkukuwentuhan ang kanyang nga kasama sa balkone. Naroon na rin si Mrs. Toledo at nakisali sa masayang usapan.
"Para saan ang bawang na ito?" tanong ni Noime kay Nelda.
"Para sa proteksyon ninyo. Kahit na paano ay makakatulong iyan sa inyo," sagot ni Nelda na gustong magmalasakit.
Pinagtawanan siya ng lahat sa pag-aakalang unti-unti na siyang nababaliw dahil tuluyan nang pumaimbulog sa daigdig ng kababalaghan ang kanyang isipan.
"Mukhang nagkakasayahan kayo a, " bungad ni Angela.
"Sa iyo na lang ito, magagamit din ng inay mi sa paggigisa ng ulam," pilyong wika ni Albert sabay hagis ng isang ulo ng bawang kah Angela.
Napatili si Angela nang sumayad sa mga palad nito ang isang ulo ng bawang at bigla rin iyong binitiwan. Nagkatinginan ang lahat dahil sa inasal nito.
"M-may allergy ako sa bawang, kaya hindi ako humahawak niyan," malikot ang mga matang dahilan ni Angela.
"May allergy ka sa bawang, o may lahing-aswang ka?" tiim-bagang na tanong niya rito. "Alam ko na ang ugali mo, Nelda, kaya hindi kita papatulan. Mauuna na akong magpahinga sa inyo," anito na halatang napikon sa kanyang sinabi.
"Ito talagang si Nelda, hindi na marunong mahiya!" inis na wika ni Noime sa kanya. "Napikon yata si Angela sa biro mo?" ani Princess.
"Hindi napikon si Angela, nagalit siya dahil totoo ang aking sinabi at hindi isang biro lang. Gusto ko lamang kayong bigyan ng babala, ngunit kung ang akala ninyong lahat ay kawirduhan pa rin ang lahat ng aking mga sinasabi ay hindi ko kayo pipiliting maniwala," wika niya sa mga kasama.
"Huwag mo nga kaming takutin, Nelda at huwag na huwag mi kaming maidamay-damay sa mga imahinasyong nilikha ng lolo mo," may galit sa boses ni Princess.
Nakadama si Nelda ng habag sa kanyang sarili sapagkat hindi niya sukat-akalain na makakarinig aiya ng masasakit na salita buhat sa matalik niyang kaibigan.
"Sa tingin ko ay magiging pabigat lang ako sa inyo kaya mauuna na akong bumalik ng Maynila."
"Mabuti pa nga siguro, Nelda, para makaiwas tayo sa gulo, " wika ni Mrs. Toledo na halatang hindi rin nagustuhan ang kanyang mga sinabi.
Iniwan na niya ang mga ito sa balkonahe.

"BUKAS ay ipahahatid ko si Nelda kay Mang Sosimo sa pier," sabi ni Mrs. Toledo sa kanyang mga estudyante nang makaalis si Nelda.
"Tama ang naging pasya n'yo, Ma'am. Nakakahiya lang si Nelda at makakasira siya sa magandang pagtanggap na ipinakita sa atin ng pamilya ni Angela, " ayin ni Princess sa kanya.
Bigla-bigla sa katahimikan ng gabi ay may narinig silang malakas na pagaspas. Kasunod ng pagaspas na iyon ay malakas na kalabog sa bubungan.
"A-ano iyon?" tanong niya sabay tingala upang tingnan kung anong klaseng hayop ang may likha ng mga ingay na kanilang narinig.
Maging sina Jayvee, Albert, Noime at Princess ay ganiin din ang ginawa. Bigla silang nanghilakbot nang makita ang isang putol na katawan na may pakpak. Palapit sabkanilang kinaroroonan ang kakaibang nilalang naviyon kaya bigla ailang tumakbo papasok sa loob ng bahay.
"Ma'am, mananaggal yata ang nakita natin! takut na takot na sabi ni Noime.
Hindi pa nasasagot ni Mrs. Toledo ang tanong ni Naime nang biglang lumanding sa bintana ang manananggal.
"M-manananggal nga! sigaw ni Princess.
Bunga nang labis na takot ay nakalimutan nialng isarado ang ang bintana at doon nagpumilit na pumasok ang alagad na iyon ng kadiliman.
"J-Jayvee, A-Albert, isarado ninyo ang bintana!" utos niya sa dalawang lalaki. "Noime, P-Princess, humanap kayo ng kahit anong bagay na puwede nating gamiting panlaban sa mananaggal!"
Bagaman at natatakot ay sumunod ang apat sa kanyang sinabi. Hinagilap naman niya sa kanyang bulsa ang rosaryo na palagi niyang dala saang lugar man siya magpunta.
Sinikap nina Jayvee at Albert na maisara ang bintana, ngunit masyadong malakas ang manananggal. Nagawa nitong isalya ang mga panara na gawa lamang sa sawali at kawayan. Napatili sina Princess at Noime nang ganap na makapasok ang manananggal.
Sinugod sila nito at dagling nahagip si Albery na agad na nasugatan sa likod.
"T-tulungan ninyo kami!" aigaw ni Mrs. Toledo
Katal sa takot ang buong katawan nina Princess at Noime, kaya walang nagawa ang dalawa kundi ang magsumiksik sa isang tabi. Bitbit na ng manananggal si Albert at talagang balak nang ailain nang bumukas ang pintuan ng kuwarto nina Aling Doray at Mang Sosimo. "Angela, Huwag mong solohin ang sariwang dugo ng mga iyan!" maagap na saway ni Aling Doray sa anak na naka-umang na ang mga pangil sa leeg ni Albert.
Nabigla silang lahat nang mapagmasdang mabuti ang nakapangingilabot na hitsura ng mga magulang ni Angela at ganoon din nang malaman nila na isa palang manananggal ang kanilang kasamahan.
Nagsisigaw aina Noime at Princess sa pag-aakalang may makakatulong sa kanila sa lugar na iyon.
"Sumigaw kayong lahat hanggang gusto ninyo, ngunit walang makakatulong sa inyo sapagkat halos lahat ng tao rito sa lugar namin ay kagaya rin naming mag-anak," nakangising sabi ni Mang Sosimo.

DINIG na dinig ni Nelda ang kaguluhang nagaganap sa labas ng kuwartong kanyang kinaroroonan. At halos alam na rin niya kung ano ang nangyayari. Masama nan ang kanyang loob sa mga kasamahan ay hindi naman niya mapapayagan na may mangyaring masama sa mga iyon.
Nagmamadaling nagdikdik ng bawang si Nelda at pagkatapos ay nilamas niya iyon sa tubig. Inilagay niya ang lahat ng katas ng bawang na may halong tubig sa basyong bote ng alcohol.
Ubos na ang pag-asa ng lahat na makakaligtas sa tiyak na kamatayan nang biglang lumabas ai Nelda. Walang habas niyang pinasiritan ng katas ng bawang ang mag-anak kaya nabitiwan ni Angela si Albert.
"Dali, pumasok kayong lahat sa loob ng kuwarto! " sigaw niya sa mga ito. Nang makapasok na silang lahat sa moob ng silid ay saka lang aiya nakahinga nang maluwag.
"N-Nelda, ano ang gagawin natin? Paano tayo makakaalais sa lugar na ito?" takut na takot na tanong sa kanya ni Mrs. Toledo.
"Kailangang hintayin natin na sumikat ang araw. Pagkatapos ay saka natin Lilisanin ang lugar na ito. Pansamantala ay wala tayong magagawa sa ngayon kung hindi ang magdasal at tiyakin na hindi nila tayo mapapasok dito," sagot niya sa kanilang teacher habang nag-iisip na dapat gawin.
Naging sunod-sunuran sa kanya ang lahat dahil alam ng mga ito na siya lang ang may sapat na kaalaman para labanan ang mga alagad ng kadiliman. Walang nakatulog sa kanila kahit na isang saglit sapagkat ang lahat ay saklot ng matinding takot.
Wala nang nagawa ang mag-anak nina Angela para pasukin ang kuwartong kanilang kinaroroonan, dahil da umaalingasaw na amoy ng bawang at kalamansi. Bukod doon ay panay din ang hagupit ni Nelda ng buntot page sa dingding, kaya tuluyan na silang iniwan ng mga aswang.
Sa sandaling iyon ng kagipitan ay napakinabangan niya ang lahat ng mga itinuro sa kanya ng namayapa niyang agwelo. Humingi ng tawad sa kanya ang mga kasamahan at nangako ng hinding-hindi na siya tatawaging weird.

Wakas